#8

28 3 0
                                    

Charlie's point of view

'May you rest in peace, Jesse Jorjuela'

Nag sign of the cross muna kami bago ibinaon sa lupa ang kabaong na dun nakapaloob ang nagpapahingang katawan ni Jesse.

Nakakatakot ang itsura nya. Nakakaawa. Hindi ko alam ang mararamdaman ko nung mga panahon na yun.

Humahagulgol ang mga magulang ni Jesse at nakatulala lang ang mga kaibigan nya na tila hindi parin makapaniwala sa nangyari..

Sabagay kahit kami ay nasisindak parin sa mga pangyayari. Hindi ko na alam ang mararamdaman ko. Kaba, takot, pagdududa. Hindi ko na alam kung sino ang pagkakatiwalaan ko.

Dahil minsan, kung sino pa ang akala mong malapit sayo ay sya pa pala ang may tinatagong sikreto....

"Jesse.. Bakit ganun? Bakit naman nanguna ka? Hindi ba may plans pa tayo for the future? Why did you left na?"

Napayuko nalang ako tsaka pinilit wag umiyak. Si Jesse kasi ang isa sa nilapitan ko nun tsaka mabait syang tao.

*flashback*

Naglalakad ako sa corridor nang nakabunggo ko sya. Nalaglag yung mga books nya and tinulungan ko na sya na pulutin yun. Nagkalat din kasi yung gamit nya sa bag nya kaya ayoko naman na makialam kaya sya na ang nagpulot.

"Sorry." "I'm so sorry ha?"

Nagulat kami tapos napatawa nalang. Hanggang sa matapos yun ay nagkakilala na kami at nung minsan...

"Hmmm.. Feeling mo, naagawan ka ng kaibigan?"

Tumango ako. Hindi naman sa ayokong magkararoon sya ng other friend pero sana sabihin nya kung may naipalit na sya sakin.

"Siguro, she needs time na kasama muna ang iba. Kase diba, kayo lagi ang magkasama. Baka she felt na kailangan nya muna ng break sa inyong mag bff's. Kase, malay mo.. Akala mo lang na pinagpalit ka na, pero ang totoo, hindi. Conclusions lang yan, sis."

*flashback ended*

At pagkatapos mo mapangkinggan ang side nya,makikita mo nalang na patay na ang tumulong sayo? Ang hirap lang tanggapin.

Pagkatapos namin umattend ng libing ay isa isa na kaming umalis maliban sa pamilya ni Jesse.

Habang nasa sasakyan ako ay napatulala nalang ako sa bintana. At nag isip- isip ako...

Mabubuhay pa kaya ako ng matagal?

Nathan's point of view

Isa isa na kaming nababawasan. Papaano ba kami mabubuhay ng ligtas dito? At tsaka, sino?

*kring kring* (A/N: hanep yung sound effects)

[Me: low?]

"Hi Nate.."

Ang lamya ng boses ni Charlie ngayon. Sigurado ko na malungkot sya sa nangyari.

[Me: Ikaw pala, Charlie.]

"Pwede mo ko samahan?"

[Me: Saan?]

"Sa school.."

Medyo nahinto ako. Bakit? Wala naman kaming pasok ngayon kasi sabado. Huminga muna ko ng malalim bago nagsalita.

[Me: Bakit?]

"May kailangan tayong malaman at alamin..."

*call ended*

Nag aalangan ako na sumama sa kanya. Sa punto nya, parang nilalagay nya sa alanganin ang buhay nya. Ang totoo talaga nyan, ang plano ko eh tapos naman na ko maligo at kakalabas ko lang ng room tapos nakatapis muna ako tapos pagkatapos ko magbihis ay matutulog ako..

Pero...

Kung pakikipagsapalaran lang ng buhay, sasama na ako sa kanya. Ganun ko sya pinahahalagahan sa buhay. Ganun ko sya kama--

*kring kring*

[Me: Hel--"]

"NASAN KA NA BA?!"

[Me: H-Ha?]

*blag!*

Ultimate NGANGA. Nandito nanaman po sya at... At.. Nakita nya ko na... Na....

Sh*t!

Charlie's point of view

Uh- oh. Wrong move. Ultimate NGANGA.

Hindi ko naman inaasahan na topless at nakatapis lang sya eh! Tapos basa pa yungbuhok nya tapos may mga tubig na tumutulo sa katawan nya-- ARGH!!! Ayoko na!!! Sorry naman. >__<

Sa sobrang hiya ko, napalabas ako ulit sa kwarto nya at nagpunta sa kusina niya tapos nagpunta ko sa living room nya at nagpunta sa sofa at nanliit na parang kuting.

Nagtalukbong ako ng unan nya sa sofa tapos bumaluktot nalang. Shet.

Wrong move talaga!

"Cha..."

Tinanggal ko ng konti yung hinarang kong unan sa mukha ko tapos nanlaki yung mata ko. Hala! sya na nga yun, hala!

Huminga akonng malalim tsaka...

Nathan's point of view

"HUWAHHHH!!! KOYA!!!! PLEASE, BATA PA PO AKO!!!!! MAY MGA PANGARAP PA PO AKO SA BUHAY!!!! KOYAHHHH!!!! PLEASE PO!!! MAAWA KA SAKIN!! HUHUHUHU!!! WALLET NALANG PO AT CELLPHONE KO KESA VIRGINITY KO!!!"

O__O

Ultimate NGANGA level 1000. Tapos napatingin ulit sya sakin tapos nung narealize nya na ang layo layo na nang mga sinasabi nya.

Tapos nagtalukbong ulit sya ng unan tsaka bumulong pero sapat na para marinig ko. Gusto ko matawa sa inaasal nya. Ang cute lang.

"Ang tanga mo... Wala ka nang mukhang ihaharap sa kanya. Shet ka, Charlie. Landi mo..."

Napahagikgik naman ako tapos hindi ko na napigilang tumawa kaya hindi ko na nakayanan...

"BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!!"

Napatingin naman sya sakin tapos nagtataka kung bakit tumatawa ko. And ehem, nakabihis na po ako ha? As in, lahat. T- shirt, Pants, shoes, bracelet, relo, and.. Alam nyo na yun! =__=

"Bakit ka tumatawa?"

Maluha- luha pa ko na tumingin sa kanya. Tsaka ko sinagot yung tanong nya.

"Nakakatuwa ka talaga. Ang cute mo, halika na nga. Payakap naman oh? Namiss kita eh."

Tapos umupo na sya ng maayos tsaka inayos yung sarili nya tsaka huminga ng malalim.

"Hindi ka galit? Or naaalangan?"

Nakunot ng konti yung noo ko. Bakit naman ako magagalit? Tsaka bakit ako maaalangan? Sa sinabi ba nya kanina? Psh, simpleng bagay.

"Bakit naman? Halika na nga, payakap naman."

Tapos nung nahihiya pa syang tumayo ay ako na ang lumapit sa kanya tapos pinatayo sya tsaka niyakap.
Hinalikan ko lang ang noo nya at nagsalita.

"Hindi ko kailangang maalangan sa mga sinasabi mo. Nabigla ka lang kanina. Tsaka okay lang yun, hindi ko naman kayang kuhanin ang purity mo sayo. Lalaki ako, pero may respeto ako sayo. At kahit ano pa ang mangyari, hindi ako gagawa ng ikadudumi ng parehas nating pagkatao."

The Magical Threat Of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon