#4

37 3 0
                                    

Crissa's POV

Ano ba naman yan! Kahirap talaga nung quiz kahit kelan. Quiz lang tapos 50/50?! Nagbibiro ka ba? Eh exam na yan eh.

"Okay, pass your papers now. 1,2--"

Ayun na nga. Pinass ko na. Hindi ko sigurado mga sagot ko sa iba. History ba naman kasi eh ang daming kakabisaduhin na mga dates dun. Tapos ayun, umalis na nga si maam. Tapos may assignment pang iniwanan samin. Kawindang lang!

"Hay. Nawindang ako, at the moment."

"True. Ang sakit nga ng ulo ko eh."

"Hoy! Chrizelle! Hindi ka ba napapagod kababasa jan?!"

Ngumisi lang sya tsaka sinabi na..

"Sanayan lang yan." Tsaka biglang nag thumbs up.

"Charlene, tara sa canteen!"

"Tara!"

Napapansin ko lang, diba ang bestfriend ni Charlene ay si Charlie? Eh bakit parang mas close pa sila ni Candice ngayon? Not that nakikialam ako, pero hindi kaya nao- offend si Charlie dito?

"Hi guys."

Speaking of Charlie. Ayan na sya papalapit sa amin.

"Nasan si Charlene?"

"Ayun, kasama si Candice."

Huminga ng malalim si Charlie tsaka ngumiti. Teka? Parang may mali? Parang nalungkot sya..

"Pwede ba kayong magtago ng secret?"

Pumaikot naman kami tapos tsaka sya nagsalita ulit. I knew it. Napupuno na sya, hindi lang nya masabi.

"Parang naaagawan na kasi ako eh."

"Ha?"

"Ang bestfriend ko talaga ay si Charlene. Long long bff's kami. Pero parang mas close pa sila ngayon ni Candice. Hindi ko sya pinagbabawalang magkaroon ng kaibigan. Pero wag naman nya sanang iparamdam na parang third wheel nalang ako."

Okay, ayan na nga. Medyo nagkakainitan na tayo dito.

"Haha, okay lang yan. Tsaka mo nalang siguro kausapin pag parang talagang hindi ka na pinapansin. BTW, uy Chrizelle, tingin ko bagay sayo pag walang salamin."

"Ha? Eh ayoko. Baka sumakit ulo ko ulit. Astigmatism, remember?"

"Tss. Wala na yan!"

Tapos kinulit pa namin sya na magtanggal ng salamin tapos napilit naman namin sya. At nakita namin ang real beauty nya.

"Kyahhhh!!! Ang ganda mo, sis!"

"True!! Ganyan ka nalang forevs!!"

Tapos nagkagulo lang kami tapos ay napansin ko na tahimik lang si Charlie. Yun pala, nakatingin sa pwesto ni Nathan na kausap si Jadine. Ooohh. I smell something fishy.

"Selos much?"

"Ay kabayo!"

"Lokohin mo na lahat, wag lang ako. Selos ka no?"

"Ewan ko."

Tapos tinusok tusok ko naman ang tagiliran nya kaya napaigtad naman sya. Grabe, ang liit ng bewang nya oh.
Tapos ang cute pa ng cheeks nya. Sana tuloy kapatid ko nalang sya.

"Guys! Wala daw si Maam! Free tayo ngayon!"

Okay. So ganun na nga, batuhan nanaman ng papel. Tapos yung iba naman ay naka earphones lang o kaya eh nag- uusap usap lang.

Nagulat naman ako nung biglang lumapit si Nathan kay Charlie. Shemss.. Bagay sila! As in, may chemistry! Hindi biology, hindi physics! May chemistry talaga!

"Cha... Okay ka lang?"

"Ha? Oo naman. Bakit-- Kyahhhhh!!! Ibaba mo ko!!!"

Huwahhh! Ang cute nila tignan. Para silang in relationship talaga! Paano ba naman kasi, binuhat na parang sako ni Nate si Charlie. OMG! I'm so happy for them.

"Crissa.."

Lumingon naman ako sa tumawag sakin. Si Kyle pala to. Close kami? Tsaka ano bang meron.

"Dare lang to ha?"

Tumango nalang ako tapos nagulat ako sa ginawa nya. Binack hug nya ako. Shettt!!! Naiihi na yata ako. My golly. Yung pisngi ko! Namumula na!

"Pasensya na ha?"

"Haha.. Okay lang yun."

Jusko. Anong okay? Eh halos mahimatay na ko dine?! Hala naman eh. Kainis. Na starstruck yata ako.

The Magical Threat Of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon