#7

25 3 0
                                    

Charlie's point of view

Hindi ko maiwasang mabahala na wala na ang tatlo. Ang sala sa mga kalokohan ng mga babae. Mga pacutie na mga astig naman. Wala na sila...

"Wala daw si Ms. Veronica ngayon. So, home study daw muna tayo."

Mahinang nagsalita si Lani. Sila kasi ni Jake ang president and vice pres. Katulong naman nila si Matt na P. I. O. sa mga balita sa school and other staffs.

"Tara, dota tayo!"

Nag- aya naman si Drake na magdota sila ni Miguel, Maxwell, Kyle, Jake, Matt at Nathan. Pero umiling lang si Nathan.

"Hindi ako naglalaro nun. Tsaka, ayoko."

"Hay... Again with that reason, Nate? Kelan ka ba magpapakalalaki ha?"

"Porket hindi nag dodota, hindi na lalaki? Ang sabihin nyo, parang hindi kayo mabubuhay ng wala nyan."

"Tch. Bahala ka na nga."

"Dota nanaman, Drake? Wala na kong narinig na matino sayo kundi dota dota dota. Nakakasawa na. Lumayas ka na nga! Chupi!"

"Wala kang pake!"

Tapos umalis na sila. Nagtataka ako kung bakit hindi sya naglalaro nun. Eh uso kaya yun, sila Jake kaya eh yun lagi ang pinag- uusapan sa groupchat ng 1-C.

"Bakit hindi ka sumama?"

Curious talaga ako. Nakakabigla lang, akala ko kasi mahilig din sya magdota. After all, 3 months naman na kaming magkakakilala pero hindi ko parin alam to.

"Ayoko kasi ng ganun. Magbabasa nalang ako o kaya eh mag mu- music marathon."

"Ahhh..."

Kaya ang ginawa ko ay kumain nalang ako ng baon kong Peppero sa bag. Ang sarap kaya. Nyom nyom.

"Huwahhh! Charlie, penge!"

Sigaw naman ni Crissa sa akin kaya tinanguan ko lang sya bilang sign na pumapayag ako. Ngumuya lang ako ng ngumuya tapos bigla nalang nagsalita si Nathan sa tabi ko.

"Alam mo yung kantang "I won't give up" ni Jason Mraz?"

"Huh? Uu, vbhakhet?"

Kumakain kasi ako kaya hindi ako makapagsalita ng maayos. Natawa naman sya ng bahagya tapos nilagay yung isang earphones sa tenga ko.

Pinakinggan ko yung kanta tapos tsaka ko lang na appreciate yung lyrics nung pinakinggan ko ngayon. Ang ganda pala..

"Kanta ko to para sa taong gusto ko."

Medyo may sting sa dibdib ko nung sinabi nya yun. May mahal na pala sya. Haha, FRIENDZONED na ko agad. Pero sabagay, crush ko palang naman sya eh kaya okay lang. Maaari pang mawala ang feelings ko sa kanya.

"Uy, Cha. Okay ka lang?"

Kunwari naman akong ngumuya tapos tumango. Parang ang sakit parin ng nararamdaman ko. Bigla yata akong nanlamig sa sinabi nya kanina.

"Natahimik ka yata?"

Tumingin ako sa kanya. Kelangan ba maingay pag kumakain? Kelangan ba ganun? Eh sa kumakain ako ng peppero eh, busy ako pag ganun. Walang pwedeng umabala sakin pag kumakain ako. Pwede naman eh, sadyang nawala lang ako sa mood. =__=

"Natahimik ka yata?"

Tumingin ako sa kanya. Kelangan ba maingay pag kumakain? Kelangan ba ganun? Eh sa kumakain ako ng peppero eh, busy ako pag ganun. Walang pwedeng umabala sakin pag kumakain ako.

"Kailangan ba maingay pag kumakain?"

Nag shrug lang sya tapos narinig ko na nagplay na ng bagong music sa cellphone nya. And favorite song ko pa, Everything has Changed by Taylor Swift.

"Alam mo to?"

"Oo. Sa totoo lang, paborito ko to eh."

"Ako din! Ang ganda kaya nyan!"

"Oh eh akala ko ba eh, hindi ka maingay pag kumakain? Haha, nakakatuwa ka talaga."

Medyo namula naman ako. Nakakahiya kaya. Sinabi sabi ko na wag maingay pag kumakain ako tapos ako pa gumagawa ng gulo.

*blag!*

Napalingon kami sa kung ano mang ingay yun, hindi naman yata sa room yun. Kaya lumabas muna kaming lahat para tignan yung pinanggalingan ng ingay..

Someone's point of view

Ang tanga lang! Sarap magmura dahil sa katangahan nila na lumabas. That's my cue. Nandito si Pabebeng Jesse, may mapapatay nanaman ng di oras.

"Jesse, bakit di ka lumabas?"

"Tinatamad ako."

Tch. Nag aayos pa sya sa salamin, eh pag pinatay ko ba sya, maganda pa rin ba kalalabasan nya. Tanga lang, napakatanga.

"Tingin mo, hindi na mawawala yung kung ano man dito sa 1-C?"

Gusto kong matawa. Pano mawawala yung nangyayari dito eh buhay pa ko?

Lalong lalo na at nandito na ang pakay ko sa section na pinasukan ko... Bingo!

"Hindi na mawawala yan... Nandito pa kasi ako sa tabi mo..."

Kinakabahan syang lumingon sa akin at nanginginig na sya. Nice one, masisira ko ang tinatawag nyang "KAGANDAHAN."

"You don't mean..."

"Ako nga. Ako tatapos sa buhay mo. Ano, tatakbo ka pa ba? Eh nasa harap mo na nga ang kamatayan eh. Tanggapin mo nalang..."

Tapos mabilis akong lumapit sa kanya at tinusok ng kutsilyo sa leeg. Hindi ako kuntento, kawawa naman yung tatlo kung hindi brutal yung kamatayan nila. Unfair kasi, ayoko ng may favoritism.

Hindi ko na sya binitawan at sinaksak ang balikat nya magkabila. Hmmm? Sa dibdib kaya? Tama, sa kaliwang dibdib. Tapos unti unti kong tinusok yung kutsilyo ko sa dibdib nya. Nakakatuwa naman yung palapulsuhan nya. Hindi na ko nagdalawang isip na tusukin ang parehas na pulso nya.

"T-tam-a n-na... Ma-awa k-ka s-sak-kin..."

Umiling muna ako tsaka pinunasan ang luha nya tapos ayoko na kasing patagalin eh, tinusok ko nalang yung noo nya. Tinatamad na ko eh....

Ala na, sayang naman yung kutsilyo ko. May dugo na. Mahal pa naman yan. Mahugasan na nga lang...

Pagkatapos ay agad akong pumanik para hindi halata na masyado akong nahuli sa kanila. At mas nag init pa ang ulo ko ng makita ko sila...

Sila na magkasama...

Chrizelle's point of view

"Ang tagal naman ni Jesse, nagpapaganda nanaman ba yun? Puro salamin nalang ang kaharap nun."

Ayokong magsalita. Natatakot ako. Hindi ko alam kung ano ang pwede nilang gawin sa kin.

"Bato bato pick! Ahhh!! Talo ka! Gunting ako, papel ka! Talunan ka talaga kahit kelan!"

Pwede matawa? May pustahan nanaman siguro si Drake at Rose. Nag jajack en poy nanaman eh.

"Shet, sa Mcdo nanaman tayo kakain? Sa Jollibee naman! Nakakasawa na dun eh."

*running foot steps*

May tumatakbo papalapit sa amin na teacher. At parang kinakabahan sya. Tapos pawis na pawis pa.

"Bakit ba kayo nandito ha? Hindi nyo ba alam na nagkakagulo nanaman sa baba? Sa room nyo! For Pete's Sake, again!"

Sh*t. Nakokonsensya na ako. Kung bakit ako pa ang napagsabihan ng ganito. Ayoko na.

The Magical Threat Of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon