Janelyn' Pov
Nandito ako ngayon sa mall kasama ko ang dalawa kong kaibigan sina Mira Jane Alvarez best friend ko since high school I'll call her Mj,at si Michael kaibigan ko since grade school.Marami kaming pagkakatulad ni Mj kaysa kay Michaela(sa umaga Michael sa gabi tinalo pa kami kung makapag make-up) ang harot at siya ang patawa sa amin.
Naisipan naming na kumain sa isang fast food,habang kumakain kami ikwenento ko sa kanila
ang plano namin nila Lolo.Syempre gulat na gulat sila lalo na si Michaela,nagluksa si bakla at sinabihan akong mang-aagaw kaloka!"Tumigil ka nga diyan Alpabete ang o.a mo!-----Mj
Alpabete ang alpiyedo ni Michaela kaya ayaw niyang tinatawag siyang ganun.
"Ano ka ba Mj!I told you not call me that name in public!It's embarassing.---Michaela
Nakakatawa talaga siya pag nag ienglish parang ako lang namamayabas mag english,hindi ko alam kung tama ba o mali ang lumalabas sa bibig ko.
"Ano gusto mo itawag ko sayo?Michael Alpabete bagay naman----Mj
"Stop that!I'm a beautiful lady,not a guy I'm Michaela.You make fun out of me you know---Michaela daw
"Tama na ha,please lang tigilan mo na ang pa english-english mo trying hard masyado.Alam natin na mahina tayo sa English kaya magtagalog kana lang.----me
"Tama siya,ang sakit kaya sa tainga kulang nalang dumugo-----Mj
"Pinagtutulungan niyo naman ako,ang bully niyo masyado.----Michaela
So yun ipinagpatuloy namin ang usapan habang kumakain.Alam nilang may gusto ako kay James kaya naman sabi nila chance ko na daw ito.Kung maaari daw akitin ko para di na makawala(advice sa akin ni Michaela).Sabi naman ni Mj ipakita at ipadama ko lang daw ang pagmamahal ko ayos na yun.Syempre hindi mawawala ang dalawa sa kasal ko.Si Michaela nakipag-away pa nga kay Mj dahil gusto niya maging maid of honor.Ayun nakakuha ng sapak kay Mj,nakakaloka tong dalawang to.
********************************
Kinabukasan
Janelyn's POV
"Hija,kailangan niyo I meet ni James ang wedding coordinator for your wedding.----Lolo
"Okay po,sasabihan ko nalang po kay James,,----me
"No need,James is on the way,susunduin ka daw niya para sabay kayo pumunta,sagot ni Lolo
Agad akong nagmadaling kumain at mabilis na umakyat para makapili ng magandang maisusuot para naman hindi mapahiya si James.Madami akong nagustuhan pero pinili ko ang regalo ni James sa akin nung debut ko.Isang tube white dress,simple lang naman tingnan above the knee.Agad akong pumunta sa c.r at nagbihis paglabas ko pumunta ako sa malaking salamin at nag apply ng light make up at hinayaang naka dunghay ang mahaba kong buhok.Naglagay ako ng red lipstick na babagay sa hazel brown eyes ko pero hindi masyadong makapal mukha naman akong clown nun.Nang kuntento nako sa ayos ko na isipan ko ng bumaba.Nang nasa parteng gitna na ako ng hagdanan nakita kong nasa may sofa siya sa gilid nakatayo,Kunot-noo niya akong tiningnan,akala ko matutuwa siya sa suot ko nagkamali ako.
"What took you so long?Dalian mo may mga meeting pa ako,sabi niya sabay alis at diretso sa sasakyan niya't sumakay.Di man niya ako pinagbuksan ng pinto.No choice ako kundi ang magmadaling bumaba sa hagdan at patakbong pumunta sa kotse niya.Binuksan ko ang pinto ng kotse sa tabi niya,papasok na sana ako ng bigla siyang magsalita
"Bakit diyan ka uupo dun ka sa likod,singhal niya
"Bakit naman dun pa?pag dun ako sa likod edi magmumukhang driver kita---sagot ko sa kanya
"Mas mabuti na yun kaysa makatabi kita,sagot niya pabalik
So ganun ayaw ni akong katabi mas gusto niyang magmukhang driver ko.Agad kong sinarado ang pinto at lumipat sa likod,bahala siya.
Buong biyahe walang umimik sa amin tahimik lang siyang nagmamaneho habang ako nakatingin lang ako sa mga kasabay naming sasakyan.Kahit kating-kati na ang dila kong itanong kung saan kami pupunta,pinipigil ko para hindi ako mapagbuntunan ng badtrip niya.Di nagtagal ay huminto kami sa isang mamahaling restaurant,agad na bumababa si James habang ako pasimpleng may hinahanap sa bag ko nagbabakasakaling magpaka gentleman siya pero ang mokong di natinag at Mr.sungit strikes again"Anong hinihintay mo diyan,pagbuksan ka ng pinto?Asa ka!hindi ka baldado kaya ikaw magbukas niyan,galit niyang sabi sa akin
Akala ko nga pagbubuksan niya ako,umasa talaga akong gagawin niya yun.Lumabas ako agad at papalapit sana sa kanya ng bigla naman siyang nagsimulang lumakad ng mabilis.
"Make it fast,may mga meetings pa akong dapat puntahan kaya wag kang pabagal-bagal dahil may mga importante pa akong imemeet na tao kaysa dito sa walang kwentang kasal at taong tulad mo!galit na saad niya habang nakakunot ang noo
Grabeh siya,ganun talaga ang tingin niya sa akin at sa kasal na ito walang kwenta?In the first place sino bang nagpakulo nito at tumawag-tawag sa akin na babe,siya diba?Ang rude niya pagdating sa akin.Nangingilid na ang luha ko kaya naman huminga ako ng malalim sabay smile
"Kaya ko toh,maganda kaya ako,pampalubag-loob sa sarili ko.Agad akong tumakbo para makahabol sa kanya,pag kasama ko ang lalaking 'to wa poise ako palagi akong tumatakbo kakahabol sa kanya para tuloy akong timang.Hayss,
BINABASA MO ANG
Let Me Teach You How To Love
General FictionSi Janelyn ay isang ulila na kinupkop ng isang mayaman at mabuting tao.Itinuring siya na parang tunay na apo at doon niya din nakilala si James de Vera ang nag-iisang apo ni Don Miguel de Vera.Palagi siyang sinusungitan ni James at galit siya kay Ja...