Chapter 18

13 0 0
                                    

Janelyn's Pov

Tanghali nang gumising si Janelyn dahil alam nyang wala naman syang dapat paghandaan ng almusal meron namang pagkain sa ref,yung niluto nila kagabi na hindi nakain yun nalang ang iinitin nya.Naligo na sya at naghanda,naisipan niyang magtrabaho nalang kaysa nasa bahay lang at naglilinis.Lumabas na sya sa kwarto at dumiretso sa kusina para initin yung pagkain,hihintayin nalang niyang bumaba si James ng makapag pa-alam sya bago umalis.Mag a-alas 7 na ng hindi pa rin lumalabas ng kwarto si James kaya naisipan nalang niyang kumain habang hinihintay ito.Malapit ng matapos sa pagkain si Janelyn ng bumaba si James na agad kumunot ang noo pagkakita sa kanya.

"Bakit ganyan ang suot mo?"kunot noong tanong nya

"Kasi James aalis ako maghahanap ako ng trabaho nakakabagot dito sa bahay eh."

"No!Anong nakakabagot!Ang dami kayang magagawa dito sa bahay,sa sobrang dami hindi mo magawa lahat!Kaya walang rason para mabagot ka,hindi ka aalis dito ka lang!"galit na saad nito

"Pero James kas--"

"No but's!Just follow what I've said!"

Hindi na sya pinatapos nito at diretso labas ng bahay.Bagsak ang balikat niyang tinapos ang konting pagkain na natira at niligpit ito.Pagkatapos niyang maghugas pumasok sya sa kwarto para magpalit ng damit para maumpisahan nya na ang paglilinis ng bahay ng walang maireklamo si James sa kanya.

********************************

Don Miguel's Mansion:

Janelyn's Pov

"Lolo kamusta kayo?Iniinom nyo po ba ang mga gamot nyo?Kumakain po ba kayo ng maayos?"sunud-sunod na tanong ni Janelyn kay Don Miguel

Ngayon lang sya nakadalaw uli kay Don Miguel,huling dalaw nya dito ay nung nakaraang buwan pa lang pero miss na miss nya na ito.Madalang lang sya makapunta dito dahil pinagbabawalan sya ni James minsan patakas pa syang umaalis sa bahay madalaw lang nya ang kanyang lolo tulad ngayon umalis sya ng walang alam si James.

"Hija,hinay-hinay lang sa mga tanong,pero para matahimik ang kalooban mo,oho ginagawa ko ang mga bilin mo sa akin."sagot ng lolo nya sabay tawa dahil sa mga tanong nya na nasabi nito sa isang hingahan lang

"So hija,kamusta kayo?May nabuo na ba na tuturuan ko sa pamamalakad ng kompanya at tagapagmana ng kayamanan ko?"tanong ng kanyang lolo na may sumilay ng pilyong ngiti sa labi

"Lolo naman!Wala pa po busy sya sa work."nahihiyang sagot nya sabay hawak sa pisngi niyang namumula sa hiya

"Ganun ba,gusto mo bang magtrabaho sa kompanya para naman malibang ka at the same time magkasama kayo ni James diba wala ka pang nakikitang trabaho?"

"Wala pa po pero lo,baka naman magalit si James nyan magkasama na nga kami sa bahay pati ba sa trabaho baka maumay yun sa pagmumukha ko."pabiro niyang sagot sa kanyang lolo

"Hindi yun,tsaka ayaw mo yun hindi kana mabo-bored sa paghihintay lang sa kanya sa bahay nyo at mababantayan mo sya para na din malaman mo ang pasikot-sikot sa kumpanya."

"Okay po lolo,kayo pong bahala kung ano ang ibibigay ninyong trabaho sa akin tatanggapin ko po kahit ano,salamat po."sabi nya dito sabay hawak sa kamay ng kanyang lolo at ngiti ng pagkatamis tamis ngunit ang ngiting iyon ay agad napawi sa sumunod na binitawang salita ni Don Miguel

"Okay it's settled then,I'll hire you to be his secretary,I'll just tell it to James later after his work."nakangiting sabi nito kay Janelyn

"Secretary ni James,patay ako nito!"nasabi nalang nya sa sarili at alangan na ngiti ang kanyang isinukli sa ngiti ng kanyang lolo 



********************************
Sa bahay nila James

Janelyn's Pov

Sobrang kaba ang nararamdaman nya habang hinihintay niyang dumating si James,tumawag ito kanina at sinabing hintayin sya nito at may pag-uusapan sila galit ang tono nito.Sandali lang naman siyang naghintay dahil wala pang 10 minutes nakauwi na ito na naka kunot-noong pumasok sa bahay.Lalong kinabahan ai Janelyn pagkakita nya rito.




"What the heck Jane!I told you don't visit that dumbass oldman and just stay in this house and don't ever leave without my permission!Didn't I huh!!And you agreed to be my secretary without my permission,who do you think you are huh?!

Ang higpit ng paghawak nya sa braso ni Janelyn na halos mabali na ang kanyang braso.Naglalakihan ang mga mata ni James habang nagsasalita ito,halatang galit na galit ito sa kanyang nagawa.




"Sorry James pinilit lang ako ni lolo tanggapin yung inaalok nya.Pero kung gusto mo tatanggihan ko yun,pipilitin ko si lolo please bitawan mo na ako masakit na kasi eh."sagot nya rito na napapangiwi na sa sobrang sakit na nararamdaman nya sa kanyang braso



"Sa tingin mo papayag yung matandang yun!Wala ka nang magagawa kahit ako walang nagawa sa desisyon nya kaya dapat mong gawin maghanda ka sa pagpasok mo bukas dahil mararanasan mo ang hirap na di mo magugustuhan!galit na saad nito sabay bitaw sa kanyang braso,napasalampak sya sa sahig ng binitawan nito ang braso nya ng patulak


Mabilis na umakyat si James at pumasok sa kanyang kwarto at pabagsak na pagsirado sa pintuan.Siya naman naiwan na naka upo pa rin sa sahig hindi nya mapigilang mapaiyak hindi dahil sa nararamdaman niyang sakit sa braso kundi sakit ng binitiwang salita ni James na tagos sa kanyang puso,sobra pa sa sakit sa braso ang nararamdan niyang sakit at hapdi sa dibdib niya pero lahat yun kakayanin niya para matutunan ni James na pahalagahan siya nito,kahit konting pagpapahalaga lang magiging masaya na siya pawi na nito lahat ng pagpapahihirap nito sa kanya.

Let Me Teach You How To LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon