Chapter16

16 0 0
                                    

Janelyn's Pov

Mabilis pa sa kidlat ang ginawa kong pagbaba sa taxi na sinakyan ko,tinakbo ko pa nga ang bahay namin at agad tiningnan ang garahe kung dumating na ba si James. Napangiti ako at napatalon sa sobrang kagalakan dahil wala pa siya at maipagluluto ko pa sya ng hapunan.

Dali-dali akong nagpunta sa kusina para magluto,mamaya nalang siguro ako magpapalit tatapusin ko muna ang lahat ng dapat tapusin.Ipinagluto si James ng adobo at bumili ako ng ice cream para sa dessert.Nang matapos ko nang maihanda ang lahat sa hapag umakyat na ako sa kwarto para magpalit.

Matiyaga ko siyang hinihintay sa sala,napansin kong mag-a-alas diyes nalang eh wala pa siya lumamig na tuĺoy yung adobo at kanin mas matigas pa ata yung ice cream kaysa sa bato dahil sobrang tagal na nasa freezer.

Alas onse na ng may bumusina sa labas,agaran kong binuksan ang gate para maipasok at maiparada ni James ang kanyang sasakyan.Masaya ko siyang binati at pilit na itinago ang tampo ko sa kanya.

"Kamusta ang trabaho mo?At saka bakit ngayon ka lang dumating?Kumain ka na ba?May niluto ako gusto mo--''

"Stop asking me those question of yours!Remember our agreement!So shut your mouth
and stop interrogating me like I'm a criminal!''

"I'm not interrogating you,I'm just asking.I'm just concern to you because I'm your wife''

"You're my wife just in papers you'll never need to act as the real one!

After he said it to my face he go to his room.Masakit marinig ang ganung salita at ipamukha sa'yo.Tama nga naman siya,mali ako.Pumunta ako sa kusina para kainin ang niluto ko na dapat para sa kanya mabuti nalang at di ko masyadong dinamihan.Kahit alam kong may mali ako hindi ko pa din maiwasang magtampo sa kanya.Duh!may celpon naman siya bakit hindi nya nagwang magtext na gagabihin sya at hindi dito maghahapunan ng hindi nasayang ang effort ko at nagmadali sa pag-uwi,hindi ko tuloy nasulit ang bonding namin ng mga kaibigan ko.Siguro masasanay rin ako sa ugali nya at pagtrato nya sa akin.Niligpit ko na ang mga pinagplatuhan ko at hinugasan ang mga ito.Kumuha ako ng tasa at kutsara dahil naisipan kong kumain ng ice cream habang nagco-computer.Tinungo ko ang ref at kinuha ang ice cream sa freezer,natawa pa nga ako kasi nahihirapan akong sumandok ng ice cream dahil sa sobrang tigas.Sinubukan ko pa ngang kaskasin na parang yelo waley pa rin,at sa sobrang inis ko itinaktak ko ang ice cream sa malaking mangkok!Nalaglag nga sya pero parang bloke naman ng yelo 'to.Pati ba naman ice cream,pinapahirapan pa ako ayaw nya bang magpakain?

Nag-open ako ng facebook account ko dahil matagal-tagal na rin akong hindi nag-o-online.Pagkabukas na pagkabukas ko tumambad sa akin ang sandamakmak na notification at iilang mga mensahe galing sa mga kaibigan ko at mga ka schoolmate.Inisa-isa ko itong basahin,halos lahat sa mga mensahe puro pagbati ang laman patungkol sa naging kasal ko.Wala naman masyadong kaganapan sa facebook ko,maliban lang sa friend request sa nagngangalang Kent at isang mensahe na kararating lang.Parang familiar yung name,baka hindi yun maraming nagngangalang Kent sa mundo,hindi ko nalang pinansin dahil I don't talk to stranger.Nag log-out na ako pagkatapos ko silang mareplayan.Naglakad ako pabalik sa kusina para ibalik ang ice cream na hanggang ngayon para pa ding yelo sa tigas.Papasok na sana ako sa kwarto ng mapansin ko ang bag ni James sa sofa at mga papel na nagkalat.Ano ba namang tao yun burara masyado sa gamit nya.Isa-isa ko itong pinulot,may isang sobre na naka-agaw ng pansin ko.Sabihin ng pakielamera pero nakaka-curious kasi,bukas na ito,tiningnan ko ang address kung saan ito nanggaling.Napa wow pa talaga ako kasi sobrang layo ng pinanggalingan,California,USA talaga as in sulat talaga?Hindi ba uso ang celpon,computer?Mayroon kayang social networking sites like fb,twitter,skype,gmail,etc...ang dami kaya gusto talaga sulat.Mas lalong lumakas ang pagnanais ko na buksan ang sulat na hindi ko alam kung kanino galing.

Let Me Teach You How To LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon