Chapter7

9 0 0
                                    

James Pov

Hanggang ngayon nandito pa rin kami sa restaurant kausap yung wedding coordinator daw.Hindi ko alam kung bakit kailangan ko pang masama dito,anong silbi ng wedding coordinator kung ako rin pala ang magplaplano.Wala akong paki kung ano ang kalalabasan ng kasalang ito ang importante mapakasalan ko siya at makuha ko ang mana ko,tama kayo ng narinig dahil sa mana lang kaya ako magpapakasal sa kanya at makaganti na rin at the same time.Malaki atraso nito sa akin, sa amin ng pamilya ko kahit hindi direkta siya naman ang naging dahilan kaya magbabayad siya.

"So saan niyo balak magpakasal?-----Diane,wedding coordinator

"We want a church wedding,I prefer in Manila Cathedral,ikaw na bahala sa venue dapat sa hotel.---me

"How 'bout the amount of visitors you would like to invite?The entourage?The foods?---Diane

Sunod-sunod na tanong niya.

"Eemail ko nalang sayo yung mga kasama sa entourage, then we want to invite only 30 persons as soon as you finished the invitations send it to the invited. About the food,cake and other stuff,asks my fiancé what her wants,right babe?-----I said while looking at her wearing a smile.She immediately looked up to face me.





********************************

Janelyn's Pov

"Agad ako napa-angat ng mukha sa narinig ko.Kumakain kasi ako ng dessert nung marinig ko ang pagtawag niya sa akin ng babe.

"Huh?maang-maangan kong tanong kay James kunwari di ko narinig

"Sabi ko tungkol sa mga pagkain ikaw na bahala tutal yun naman ang gusto mo makinig ka kasi babe,sabi ni James sa akin na nakangiti pero makikita mo sa mga mata niya ang pagpipigil ng inis at mahigpit na hinawakan ni James ang kamay ko na parang nanggigigil

"Ahh,yes ako ang bahala,sagot ko kay Diane sabay ngiti
Grabe si James akala ko siya na magplaplano ng lahat mabuti't may iniwan pa siyang pwede kong magawa.

After naming kausapin si Diane agad na lumabas si James at nagmamadaling sumakay ng kotse.Walang modo di man lang nagpaalam na aalis na siya,ni hindi nga niya ako tinanong ng ayos lang ba ako maiwan dito.Kainis..

Naisip kong nagmamadali siya dahil may meeting siya at kinailangan niya akong iwan dito sa kalsada.No choice ako kundi ang mag commute papauwi.

Let Me Teach You How To LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon