Chapter14

17 0 0
                                    


Janelyn's Pov

Inilalagay ko na ang niluto ko sa may harapan niya at naglagay na rin ako ng plato at kubyertos pati tubig.Uupo na sana ako ng biglang magsalita si James.

"Mamaya kana kumain gusto ko ng juice,ipagtimpla mo ko,''utos niya

Hindi nalang ako nagreklamo at sumunod nalang sa utos niya kahit pagod na ako at hirap na hirap sa gown ko.

"Ang daya ako ang nagluto at nagpakahirap sa paghahanda hindi pa ako nakakatikim kahit konti.''pagmamaktol ko mahinang-mahina lang baka marinig pa ng isa dyan.

Nagtimpla na ako ng juice pagkatapos agad ko itong dinala sa mesa at nilagyan ang baso niya,gutom na din ako eh.Nang papaupo na ako nagsalita ulit si James

"Mamaya ka na kumain pagkatapos ko pagsilbihan mo muna ako.''sabi niya sabay subo

Bakit ganon naiinggit ako sa kanya at gutom na rin ako pero nawalan agad ako ng gana pagkatapos niyang sabihin iyon.

"Siguro naman pwede akong maupo habang hïnihintay kitang matapos?''

"No,stand still''mariing sabi niya

Wala na akong nagawa kundi panoorin siya habang kumakain.Naisip ko tuloy masarap kaya yung luto ko abala siya sa pagkain eh.

"Bakit ganito ang spaghetti mo maalat tapos yung meatballs ang kunat.''reklamo niya

"Ah eh kas--i--,''

"Tapos itong leche flan sobrang tamis tingin ko magkakaroon ako ng diabetes pag kinain ko yan hindi na ako kakain nakakawalng gana ni aso ata hindi matiis yang luto mo sinasayang mo lang ang pagkain!''galij na saad niya

"Wag ka mag-alala uubusin ko ito lahat para himdi masayang.''sagot ko habang kagat-kagat ko ang labi ko

"Dapat lang dahil ikaw naman ang may gawa niyan,pagkatapos mong ubusin lahat ng yan hugasan mo ang mga plato.Hihintayin kita sa sala may papipirmahan ako sayo,dalian mo!''sabi niya sa akin pagkatapos ay lumabas na siya sa kusina

Hindi ko na kayang pigilan ang mga luhang kanina ko pa pilit na tinatago.Grabe siya kahit di ako kagalingan sa pagluluto kinaya ko para sa kanya kahit pagod ako,kahit ganun siya sa akin mahal ko siya at hindi ko kayang hindi sundin ang mga utos niya tama naman siya asawa niya na ako ngayon,swerte nga siya eh may asawa na,may katulong pa all in one.Sinimulan ko ng kumain kahit nag-eemote pa ako marami-rami pa akong kakainin,nang tikman ko ang mga niluto ko ayos naman ah.Hindi maalat ang spaghetti,hindi din makunat ang meatballs lalo na ang leche flan hindi naman ganun katamis tulad ng reklamo ni James
Pagkatapos kong kumain agad akong nagligpit at inilagay sa lababo ang mga pinggan.Luminga-linga ako para maghanap ng appliances na ginagamit sa panghuhugas ng mga plato,anu nga ba tawag dun?basta yung ganun na gamit.Nang wala akong makita napagdisesyunan kong itanong kay James kung mayroon siya nun.

"James,meron ka bang gamit para sa panghuhugas ng plato,anu nga ba yun yu---n--,"tanong ko sa kanya habang nakadungaw ako sa may pinto ng kusina

"Wala akong ganun lahat ng gawain dito ginagawa ko ng mano-mano at mag-isa!''galit na sagot niya

"Relax!Nagtatanong lang naman kaya kong gawin yung ng mag-isa kahit mano-mano pa okay,''pangkakalma ko sa kanya

Grabe nagtatanong lang,nagsungit agad ano yun may dalaw.Bumalik nalang ako sa tambak kong hugasan at sinimulan na ito ng paunti-unti,naghuhugas ng plato naka-wedding gowItatabi ko pa naman sana agad ito para magamit ng anak ko,waahhh grabe inisip ko pa lang ang magkakaroon kami ng anak kaning malagkit!kinikilig aketch!!Grabe namumula na siguro masyado ang mukha ko,nababakla na rin mga salita ko.Habang naghuhugas ako dito ang saya-saya rito grabe,kung may makakakita lang sa akin dito na nakangiti ng wagas habang naghuhugas mukhang tanga lang.
Nang matapos na ako sa paghuhugas at paglilinis sa kusina agad akong lumabas para puntahan si James sa sala.
Ano kaya ang papipirmahan niya?Naglakad nalang ako ng mabilis sagabal kasi itong wedding gown ko sa pagkilos.Agad ko siyang nilapitan sa kinauupuan niya,baka naiinip na to kakahintay.

"What took you so long?''kunot-noong tanong niya sa akin,sinasabi ko na nga ba nainip na to kakahintay

"Diba pinaghugas mo ako ng mga plato,''sagot ko sa kanya

"I know,ganun na ba katagal maghugas ng plato ngayon inaabot ng isang oras?Pag ako naghuhuags hindi ako inaabot ng ganun katagal,''

"Ikaw na sana ang naghugas kung ganon,''bulong ko

"May sinasabi kah?''tanong niya na nakataas ang kilay

"Sabi ko pasensya kung natagalan ako baguhan sa paghuhugas eh,kaya sorry kung naghintay ka ng matagal''palusot ko
Grabe siya daig pa ko nito sa pagtataas ng kilay ah,kasing taas na ng Everest oh!

"Sanay kasi sa pagiging buhay prinsesa kaya walang alam na gawain sa bahay!''siya

"Grabe ka,marunong naman ako ng gawaing bahay,kaya lang dun kasi sa mansyon may mga appliances.''pgdadahilan ko

"Wag kanang magdahilan dahil ganudm pa rin yun wala kang alam!O basahin mo,''sabi niya sabay abot ng ng papel

Inabot ko ang papel at umupo muna ako bago ito binasa.

Rules and Regulation

1.Walang pakialmanan sa buhay ng isa't-isa.

2.Lahat ng utos ko susundin mo,bawal kang umalma.

Higit sa lahat wala kang karapatan dito sa bahay ko at wala ka ring karapatan panghimasukan ako.

Nakasulat sa papel na may pirma pa niya.Puro sa kanya lang naman kagustuhan to eh.

"Pwede bang maglagay din ako ng rules ko?''tanong ko sa kanya

"Hindi pwede!Pirmahan mo nalang yan wala ng maidadagdag diyan.''sabi niya sabay bato sa akin ngballpen
Walang manners pwede namang ilapag kailangan talagang ibato.
No choicekundi pirmahan yung pinapapapirmahan niya,pagjatapos kong pirmahan ibinalik ko na ito sa kanya.

"Okay pwede ka nang magpahinga.''siya

Umakyat na siya sa taas kaya naman sumunod na ako sa kanya,syempre mag-asawa na kami kaya iisa lang ang kwarto namin.Nagulat ako ng bumangga ako sa matigas at malapad na dibdib,pagtingala ko nakita ko siyang nakatingin sa akin na nakakunot-noo.

"What are you doing here?''

"Magpapahinga?''

"So ano ang ginagawa mo rito kung magpapahinga kana?''

"Malamang papasok sa kwarto mo?''patanong kong sagot

"At sinong nagsabi sayong dito ang kwarto mo?''

"Bakit hindi ba?Mag-asawa naman tayo kaya magkasama tayo sa isang kwarto.''

"Nagpapatawa ka ba?Hindi ka nakakatuwa!''

~"Hindi naman ako nagpapatawa,nagsasabi lang ako ng alam ko,''

"Hindi dito ang kwarto mo,dun sa baba!Wag kang mangambisyong makatabi ako dahil hindi mangyayari yun!''sabi niya at saka ïsinarado ang pinto ng kwarto niya.

Bagsak balikat akong bumaba sa hagdan at tinungo ang kwarto sa baba which is the maid's quarter.

Grabe mahaba-haba din ang araw na ito.Unang araw namin bilang mag-asawa magkahiwalay ng kwarto ibang-iba talaga kami.Nagshower muna ako bago matulog,mukhang hindi ko magagamit ang pantulog na bigay ni bakla.

Let Me Teach You How To LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon