Chapter8

5 0 0
                                    

Janelyn's Pov

Wala pa ring pinagbago ang pakikitungo namin sa isa't-isa.Naging busy ako sa pag-aasikaso sa kasal namin,tulad nga ng sinabi niya ako ng bahala sa ibang plano as in literal na ako ang bahala.Sa mga foods,reception, flowers,design ng mga damit na gagamitin at sa theme ako talaga umasikaso.Pati nga suit niya ako na daw bahala, naisipan ko nga pagsuotin siya ng barong nung sukatan na agad siyang lumabas ng dressing room

Flashback

"Everyone,sukatin niyo na ang mga damit ninyo para kung may konting problema ma ayos natin agad,sabi ng designer sa mga magsusukat kani-kanilang suits and gowns.Habang busy sila sa pagsusukat,ako naming busy sa pagmamasid sa kanila.

"Ms.Janelyn,bakit hindi nyo po sinusukat ang gown ng makita natin kung ayos na ba at wala na dapat i-adjust----desingner

"Ayos na yun,ayoko magsukat baka hindi pa matuloy,sagot ko sa kanya.Naniniwala ako sa mga pamahiin noh,baka mamaya biglang umatras yung taong ewan at mapahiya pa si Lolo.Bigla kong naisip na wala pa pala si James dito para sa fitting.Nasaan na kaya yun,gusto kong makita yung reaksyon niya kapag nakita niya yung isusuot niya.
Hindi nagtagal dumating na si Mr.Bipolar,oo bipolar tawag ko sa kanya dahil paiba-iba ang ugali niya.Nakakunot-noo siyang pumasok sa shop,imbes na yung staff na sumalubong sa kanya ngingiti napaurong dahil sa takot sa mukha niya gwapo pa rin naman siya pero yung aura niya nakakatakot parang mangangain ng tao.Agad siyang lumapit sa amin na nakakunot pa rin ang noo.

Let Me Teach You How To LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon