Chapter12

8 0 0
                                    

Janelyn's Pov

Habang nasa biyahe hindi ko maiwasang hindi mapaisip,saan kaya ang punta namin nga yon kung hindi kami magho-honeymoon hindï sa assuming ako alam ko na sa bahay niya kami pupunta pero parang ang layo naman ata ng bahay niya.Hindi naman ako makapagtanong dito sa nagmamaneho baka mabulyawan naman ako neto at mabugahan ng apoy,talo pa ang matanda sa pagka-kunot ng noo niya.Dahil sa sobrang haba ng biyahe at sa sobrang layo pa ata namin,naisipan ko munang matulog.

James Pov

Malapit na kaming makarating sa bahay ko dito sa Batangas.Simple lang ang disenyo ng bahay ko medyo kalakihan din at ang maganda dito tanaw mo rito ang taal lake.Nang makarating na ako sa harapan ng gate,bumaba muna ako para mabuksan ito.Wala akong katulong dito sa bahay lahat ako ang gumagawa.Pagkatapos ko buksan agad akong bumalik sa kotse at pina-andar uli ito papasok sa garahe pagkatapos makaparada ng sasakyan ay pinatay ko ang makina ng kotse at bumaba ulit para isarado ang gate.Nang matapos na ako sa paglo-lock napansin kong hindi pa bumababa yung babae kaya naisipan kong bumalik sa nakaparada kong kotse at binuksan ang pinto ng backseat.Bubulyawan ko na sana siya pero pagkakita ko sa maamo niyang mukha na natutulog napahinto ako.Natawa pa nga ako ng konti ng nakita ko siyang bahagyang nakanganga.

"Älam mo maganda ka naman,mukha ka ngang anghel sa paningin ko ngayong tulog ka pero paggising ka hindi ko maiwasang hindi isipin ang mga kasalanan mo na nagawa sa pamilya ko,yung mga panahon na nakita kitang may kasamang laĺake sa isang hotel,naisip ko wala kang pinagkaiba sa kanila kabilang ka sa mga maruruming babae na nakikilala ko kung kani-kanino lang sumasama.But this time,as I'm watchïng your angelic face I admït,It is the most lovely and innocent face I've ever seen in my whole life."sabi ko sa kanya habang tulog

Hahawakan ko sana ang pisngi niya na mapula-pula pero napahinto ako ng bahagya siyang gumalaw at nagsalita ng mahina.

"I love you Juhm-uhm"sabi ni Janelyn

Biglang bumalik lahat ng galit ko sa kanya sa sinabi niya.Alam kong pangalan ng lalaki ang binanggit niya kahit di ko masyadong narinig kung sino.Kahit sa panaginip iba pa rin ang iniisip mo?Humanda ka sa akin pahihirapan kita.Umayos ako ng tindig at tinawag siya.Tanging pag-ungol lang ang isinagot niya kaya naman naisipan kong isara ang pinto ng backseat na pabalibag at malakas na pagsirado dito.Bigla naman nagising si Jane na gulat na gulat ang mukha na may pahawak-hawak pa sa dibdib niya.

"Ano ba hindi mo ba magawang magbigay ng respeto sa iba?Pwede mo naman akong gïsingin eh,bakit kailangan mo pang manira diyan at gulatin ako!"singhal niya sa akin

"Pasensya na ho at naabala ko po ang tulog nyo po kanina ko pa po kayo kasi ginigising pero hindi ka po gumagalaw dyan kaya naman po naisipan ko po sadyang isarado ang pinto ng malakas po"sagot ko sa kanya

"Bakit mo ako pino-po dyan tigilan mo nga nakakaimbyerna,mas matanda ka sa akin!"galit na sagot niya

"Sabi mo rumespeto ako,ngayong ginagawa ko ayaw mo naman ang labo mo rin noh!"galit ko ring sagot sa kanya

Ibinaba ko na ang mga gamit niya sa kotse ko para maisarado na ito,pagkatapos agad akong pumunta sa main door para buksan ang lock habang hinahanap ko ang susi sa bulsa ko bigla niya akong tinawag.

"Hoy,bakit ibinaba mo lang?Hindi mo rin ba ito bubuhatin?"tanong niya sa akin

"Don't call me hoy,I have a name"I answered

"Wag mong sabihin na ako lang magbubuhat neto?"tanong niya

"Of course,besides mga gamit mo yan buhatin mo malamang!Anong akala mo dito na pagdating mo may sasalubong sayo at magdadala ng mga gamit mo?Nagkakamali ka,iba rito!"sabi ko sa kanya ng pagalit

"Sabi mo rumerespeto ka kaya dapat buhatin mo ito at tulungan ako diba?"sagot niya

"Kanina yun hindi na ngayon kaya kung ako sayo sisimulan ko na ang pagbubuhat madali lang yan apat na bagahe lang naman yan."sabi ko sa kanya

Pagkabukas ko sa pintuan agad akong pumasok at dumiretso sa kwarto ko,nakakapagod ang mga nangyari ng araw na ito makaligo na nga lang muna ng makarelax kahit konti.Bahala siya magbuhat dun tutal gamit naman niya iyon.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Janelyn's Pov

Naiwan akong mag-isa dito sa labas,seryoso talaga siyang ako lahat magbubuhat nito iniwan ako dito at ang mga gamit ko wala man lang binitbit kahit isa. No choice ako kundi buhatin ang mga gamit ko papasok ng bahay.Kinuha ko ng backpack atsaka ito ipinatong sa maleta ko at hinila iyon papasok.Dyahe naman nakagown pa ako tapos nakaheels pa.Hindi ba siya marunong magbilang sabi niya apat eh may dalawa pa roon sa gïlid,dalian ko na nga lang ng matapos ako dito agad..Pagkapasok ko sa bahay namangha ko pagkakita ko sa loob,ang ganda ng design ng bahay pati furniture ang gaganda parang mamahalin lahat parang katulad lang dun sa mansyon ni Lolo.Ang kabuuang sala ng bahay maganda at the same time sosyal tingnan pero mas gusto ko ang tanawin na makikita sa bintana niya tanaw ang taal volcano so nasa batangas pala kami.Bago mawala sa isip ko ang mga gamit ko binalikan kona agad ito para naman makalibot na ako sa buong bahay.Pagkatapos kong buhatin ang mga gamit ko naisipan kong hanapin kung nasaan si James hindi ko naman magawang isigaw ang pangalan niya baka magalit pa yon kaya sinikap ko nalang mahanap siya.Namamangha ako sa dami ng pinto ng bahay na ito nalilito tuloy ako sa palagay ko meron pa itong ikalawang palapag pero paano ako makakapunta doon kung dito palang sa baba naliligaw na ako.

"Saan ba ako dapat dumaan dito sa kanan sa kaliwa,diretso o dito nalang ako at hihintayin na lang siya?"tanong ko sa sarili ko

Sa huli napagdesisyonan ko na buksan ang pinto sa gitna ko.Pagkabukas ko,dumampi sa mukha ko ang malamig na hangin sa balat ko.

"Wow,ang ganda naman dito,kitang-kita ang magandang view at (inhale,exhale)ang sarap ng hangin ang presko sarap sa pakiramdam."ako

Naïsipan kong maupo muna at i-enjoy nalang ang nakikita ko,mamaya ko nalang muna siya hahanapin magpapahinga muna ako masakit kaya ang balikat ko sa pagbubuhat ng mga gamit ko wala talagang konsiderasyon yung James na yun.Sa sobrang sarap ng hangin inaantok tuloy ako,hindi ko alintana ang lamig ng hangin feel ko naman eh nakakarelaks.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
A.N

Picture po ni James,siya po ang gaganap ng character ni James.Sa mga nakakakïlala sa kanya siya po ang gaganap na James sa story ko.

Thanks sa mga nagbabasa.Enjoy thank you again

Let Me Teach You How To LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon