Chapter15

12 0 0
                                    

Janelyn's Pov

Nagising ako sa sobrang ingay na pagkatok sa pintuan ko.Tiningnan ko ang oras sa celpon ko,maaga pa naman  ah ano naman ang problema  nito.

"Sandali lang!'',sagot ko sa kanya habang pasuray-suray sa paglalakad papuntang pintuan,grabe makakatok kulang nalang sirain ang pintuan ko.

"Ano ang kailangan mo at nambubulabog ka?Ang aga pa kaya!'' singhal ko sa kanya ng mabungaran ko siya

"Ginigising lang kita dahil hanggang ngayon hindi ka pa nakapagluluto,baka nakakalimutan mo walang katulong dito!Kaya magluto kana at may maaga akong meeting ngayon,''utos niya

"Opo sir magluluto na ho!''sagot ko sa kańya  pagkalabas ko sabay sirado sa pintuan ko ng malakas

"Nagdadabog ka?''

"Hindi ho ganun lang talaga ako magsirado ng pinto,''palusot ko

"Umayos ka sa pagsagot sa akin at higit sa lahat wag na wag mo akong pagdadabugan!''singhal niya sa tapat ng mukha ko

Grabe ang lapit-lapit lang ng mukha niya sa mukha ko,tapos ang hininga niya ang bango parang nalalasahan ko ang mouthwash na gamit niya.Bumalik ako sa huwisyo  ng bigla na naman itong sumigaw.

"Ano pa ba ang hinihintay mo diyan,magluto kana!''singhal na naman niya 

"Kikilos na nga eh,''
Hindi niya ba alam na pagod na pagod ako dahïĺ sa kasal-kasalan daw namin at hindi niya ba alam na matagal akong nakatulog kagabi hindi sa pag-iinarte pero kasi parang naninibago ako na hindi ako matutulog sa kwarto ko.Nasanay kasi ako na malaki ang kama at sobrang lambot kesa dito sa kwarto palang alam mong dehado kana lalo pa kung nahiga kana sa kama,sobrang liit ng espasyo yung pang-isahan lang talaga at hindi siya malambot dahil isa lang ang kutson na nakasapin sa pangdalawahan na higaan,yung may itaas na higaan at baba.Ngayon alam ko na ang pakiramdam ng mga maid dun gra mansyon na masakit mga likuran nila pagkagising.
Nagsimula na ako sa pagsasaing,mabuti nalang at may rice cooker siya dito,nang matapos kong i-on ay agad akong pumunta sa ref at tiningnan kung ano ang pwedeng ilutong ulam.Saktong-sakto at may ilang pirasong bacon at itlog,isinalang ko na ang kawali at nag-umpisa na sa pagpriprito.Nang matapos na ako ay agad akong naghanda sa hapag tamang-tama lang din dahil luto na ang kanin.Pinagmasdan ko ang handa sa lamesa ng maisipan ko na wala pa palang kape at dyaryo para kay James kaya agad akong nagtimpla ng kape.Alam na alam ko ang gusto niyang timpla ng kape pagkatapos kong magtimpla a inilagay ko na ito sa lamesa at agarang tumakbo sa pintuan kong may dyaryo na ba.Masayang isipin na naghanda ako ng agahan para sa asawa ko bago ito pumasok sa opisina kung dati pangarap lang ngayon nangyayari na talaga.Pagkatapos kong mailapag ang dyaryo ay agad ko itong pinuntahan sa kwarto at tinawag para sa almusal.

"Susunod na lang ako,''sagot niya sa akin na hanggang ngayon ay naliligo pa

Napansin kong napakalinis ng kwarto niya kalimitan kasi sa mga lalaki makalat pero siya dinaig patang babae sa pagiging malinis.Tiningnan ko ang kama niya ng mapuna na wala pa pala siyang nakahandang susuotin kaya naman  ako na ang pumili ng gagamitin niya magmula sa damit,sa necktie pati sapatos at medyas,asawa niya naman ako at responsibilidad ko rin naman ito.Bumalik na ako sa dining area at doon nalang siya hinintay.

Patanaw-tanaw ako sa hagdanan pati sa relo sa dingding kalahating oras na ang nakakalipas magmula ng akyatin ko siya sa taas,akala ko may maaga siyang meeting pero bakit ganun malapit na mag alas nuwebe hindi pa siya bumaba pati kape na tinimpla ko para sa kanaya lumamig na.Napagpasyahan kong tawagin siya ulit, tatayo na sana ako ng bigla ko siyang nakita sa may main door.

"Aalis kana agad?Hindi ka pa nag-aagahan ahh,''

"Sa opisina na lang ako mag-aalmusal,late na ako,''sagot niya at agad sumakay sa kotse at pinaharurot ito paalis.

Let Me Teach You How To LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon