Janelyn's POV
Congratulations Jane!bungad na bati sa akin ni Lolo.
Kakagraduate ko palang sa ngayon sa kolehiyo sa kursong business management."Salamat po Lolo,sabi ko sabay halik Kay Lolo sa pisngi.
May kaunti kaming salu-salo dito sa mansyon bilang selebrasyon.
Deretso na kami sa dining area kung saan naghihintay ang mga bisita namin na mga tauhan ni Lolo.Habang tulak-tulak ko ang wheel chair ni Lolo Hindi ko maiwasang hindi humaba ang leeg ko sa kanda linga sa mga bisitang nasa lamesa na nag-uumpisa ng mag si kainan.
Akala ko nandito siya tulad ng ipinangako niya nuong debut ko,hindi ko maiwasang madismaya."Hindi daw makakapunta dito si James dahil may aasikasuhin pa daw siyang importante,pero susubukan daw niya na humabol"sabi ni Lolo
"Ayos lang po 'yun,di ko lang maiwasang malungkot dahil po ipinangako niya sa inyo na pupunta siya at mag-uusap na kayo para magkaayos pero sa tingin ko malabo mangyari 'yun,
"Umaasa akong darating siya ngayon apo,huwag ka ng mag-alala tayo na't kumain,
"Kayo po muna Lolo,busog pa ho ako.Pupunta po muna ako sa garden,,pagpapa-alam ko kay Lolo sabay halik sa kanyang pisngi.
Habang nandito ako sa garden hindi ko maiwasang hindi alalahin ang unang pagdating ko dito sa mansyon.
Pitong taon palang ako ng mamatay sa isang car accident.Ako lang nakaligtas sa aksidente,walang nag-alaga sa akin dahil wala naman kaming kamag-anak dito sa Maynila.
Mabuti nalang at kinupkup ako ni Don Miguel de Vera.Kakilala niya si papa at ng malaman niya ang nangyari sa pamilya namin, ay agad siyang nag-abot ng tulong at ako'y dinala niya dito at dun ko nakilala si James.
Mabait naman si James sa akin nung una kalaunan ay bigla siyang nagalit sa akin at sinungitan.Hindi ko alam kung may nagawa ba akong kasalanan tapos bigla nalang silang umalis sa mansyon at di na bumalik pa.Pumupunta lang siya dito kapag ipinapatawag siya o di kaya'y may kailangan siya.
Kapag nandito siya laging main it ang ulo mad lumalala kapag nakikita ako,pero kahit ganun hindi ko napigilan ang sarili kong magustuhan siya.
BINABASA MO ANG
Let Me Teach You How To Love
Algemene fictieSi Janelyn ay isang ulila na kinupkop ng isang mayaman at mabuting tao.Itinuring siya na parang tunay na apo at doon niya din nakilala si James de Vera ang nag-iisang apo ni Don Miguel de Vera.Palagi siyang sinusungitan ni James at galit siya kay Ja...