Chapter 19

8 0 0
                                    

Janelyn's Pov

"Tapos na ba yung pinapahanda ko sa iyo"tanong ni James

"Yes sir,everything is settled!"nakangiti niyang sagot dito

"Good!Buy me a coffee at my favorite coffee shop kailangan nandito kana bago tayo umalis para sa lunch meeting sa ating client."seryoso nitong saad habang abala sa pagtipa sa kanyang computer

"Right away Sir!"nakangiti nitong tugon pero sa loob-loob niya nagngi-ngitngit na siya sa inis

Agad siyang lumabas sa opisina ng kanyang amo/asawa at agad nagtungo sa elevator kung saan siya lang ang nakasakay kaya naman ibinuhos niya ang sama ng loob na kanina pa gustong umalpas sa dibdib niya.

"Ahh bwiset yung lalaking yun wala ng ibang ginawa kundi pahirapan ang buhay ko araw-araw mapa opisina o mapa bahay lahat ng gusto niya dapat nasusunod abusado ang loko porket alam niyang may gusto ako sa kanya at baliwala lang sa akin yung pagpapahirap na ginagawa niya sa akin lalong lumaki ang ulo!!!!P*st* siya kala niya di ko siya papatulan makikita niya balang araw hahabulin niya ko ng nakaluhod aaahhhhh nakakainis ka!!!!!"nang gagalaiti niyang pinagsisipa ang pinto ng elevator kahit siya ang nasasaktan sa ginagawa niya di niya ito alintana dahil sa sobrang inis na kanyang nararamdaman

Sobrang naiinis lang siya dito dahil pang anim na niyang balik sa naturang coffee shop na ilang kanto pa ang layo mula sa opisina nito na kanya lang nilalakad.Lagi siya nitong inu utusan na bumuli ng kape na hindi naman nito iniinom dahil daw lumamig na ito,nahuli siya ng dating sa ibinigay niyang oras kaya hindi niya na ito iniinum at nagpapabili ng bago.Ngayon pinabili na naman siya nito ng bago na kailangan niyang mabili at maibigay sa kanya bago ang appoinment nito,pero naka schedule ito ng 11:30 malayo pa ang lalakarin niya at 30 minutes nalang ang meron siya dahil 11 na ng maka alis siya sa opisina ni James.Pagkalabas niya sa elevator ay agad siyang tumakbo palabas ng building pero hindi niya namalayan na may nakasalubong siya dahil masyado siyang abala sa pagtakbo at paghahanap sa kanyang pitaka.

"Ouch!Sorry are you okay?"tanong sa kanya ng nakabanggaan niya
Siya ang nakabangga dito ngunit sa matigas at malaki ang katawan nito siya pa ang tumalsik at napa upo sa sahig.Agad naman siya nitong tinulungan sa pagtayo.

"It's okay ako pa nga ang may kasalanan kaya dapat ako ang mag sorry sayo thank you din."nakatungo niyang paumanhin dito abala pa siya sa pag-aayos ng kanyang damit

"Oohh,ikaw pala yan Jane.Kamusta?Ayos ka lang ba?"nag-aalalang tanong sa kanya dito ng makilala siya nito,natuwa naman siya ng mapagtanto niya kung sino ang kanyang nakabanggaan

"Ay Ken ikaw pala,oo ayos lang naman ako ikaw okay ka lang di ka ba nasaktan?"tanong niya kay Ken na nakangiti

"Nagmamadali ka ata may pupuntahan ka ba?"balik tanong sa kanya nito

"Ah oo nga pala!Kailangan ko nang umalis,kailangan ko na kasing bilhin yung inuutos ng pinsan mo baka maabutan pako ng oras na ibinigay niya sa akin eh."nagmamadali niyang paalam rito hindi niya na pinansin ang pagsunod sa kanya nito

"Bakit saan ka ba pupunta?Gusto mo ba samahan na kita?"offer nito sa kanya

"Sigurado ka ba?Baka may importante kang gagawin dito kasi yang offer mo sa akin hindi ko na tatanggihan dahil nagmamadali talaga ako."paninigurado niya dito

"I'm very sure!Kahit samahan pa kita maghapon,magdamag hindi ako aangal.So let's go?"sagot sa kanya nito ng nakangiti

Sabay silang pumunta sa parking lot at sumakay sa kotse na dala nito.Tahimik lang nilang binabaybay ang daan ng maisipan ni Ken na basagin ang katahimikan na namamagitan sa kanila.

"So kamusta ang buhay may asawa?May nabuo na ba kayo ni insan huh"panunudyo nito sa kanya na ikinahiya niya bigla



"Ayos lang naman kami kung tungkol doon sa mga gawain ng mga mag-asawa malabo yun mangyari sa pagitan namin ni James alam mo yun,dahil hindi niya ako gusto."nakatungo niyang sagot dito ayaw niyang makita siya nitong malungkot

"Sorry,akala ko kasi pag naikasal na kayo magiging maayos na ang pakikitungo niya sayo bakit pa ba ako umasa na magbabago siya."hinging paumanhin nito sa kanya ngunit mababakas sa mukha nito ang lungkot at panghihinayang

"Alam mo naman diba kung anong tingin niya sa akin?Kaya nga ngayon kahit dulo ng buhok ko ayaw niyang madikit sa kanya dahil baka daw mahawa siya sa dala kong dumi."isang mapaklang ngiti ang sumilay sa kanyang labi na mas lalong ikinalungkot ni Ken



"Kung alam ko lang Jane na ganito lang ang magiging buhay mo sa piling ni James sana ipinilit ko na lang ang gusto ko,sana ipinaglaban kita kay lolo at sa mama ko para hindi ka malungkot at nahihirapan ng ganito dahil aalagaan kita at mamahalin ng buong puso dahil nung una palang minahal na kita malas lang dahol hindi ako ang taong mahal mo."bulong ni Ken sa sarili

Nasasaktan siya kapag nahihirapan si Jane dahil sa taong mahal nito na nagkataong pinsan niya na binabalewala lang naman nito.Matagal na niyang gusto si Jane pero pinagbawalan siya ng kanyang mama na sinunod naman niya.Minabuti nalang niyang itago ang kanyang nararamdan at nakipag-kaibigan nalang siya rito.

"Jane kung nahihirapan kana wag kang mag-atubiling lumapit sa akin,kaibigan mo ako handa akong tulungan ka tandaan mo yan huh?"sinserong saad niya kay Jane sabay hawak sa isa nitong kamay na nasa gilid ni nito

"Alam ko iyon at wag kang mag-alala gagawin ko yung mga pa-alala mo dahil tapat kitang kaibigan."sagot ni Jane sa kanya ng nakangiti at tinapik-tapik ang kanyang kamay na nakapatong sa kamay nito,nagngitian silang dalawa bago inihinto ni Ken ang kanyang sasakyan

"Nandito na tayo,hihintayin nalang kita dito bilhin mo na kung ano ang iniutos sayo baka maabutan ka sa time limit ng bossy husband mo."pagbibiro niya rito na ikinangiti naman ni Jane



"Sige sandali lang ako!Wag kang aalis ha!"seryosong saad ni Jane at agad bumaba sa kotse ni Ken na nginitian naman siya at tinanguan

Let Me Teach You How To LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon