Janelyn's Pov
"Thank you talaga sa pagsama at pagiging driver ko naabala pa tuloy kita sa dapat na pupuntahan mo"saad nito kay Ken na kasabay niya sa elevator
"Okay lang naman sa akin at saka parang catch up na din natin yun,kayo kasi eh masyadong excited sa honeymoon nyo hindi man lang kayo nagpakita sa reception."mapanudyong sambit nito
"Hehehehe,hindi naman yun ang nangyari eh.Trabaho yung inasikaso nya nun."nahihiyang pag-amin niya dito
"Oo nga!Mahirap din na trabaho yung gumawa ng tagapagmana kaya kailangan nyo ng enough time sa isa't-isa na kayo lang at walang istorbo kaya siguro naisip niya na hindi na lang kayo pumunta sa reception dahil maikli lang ang pwedeng i leave ng CEO ng kompanya hahahaha paano ba yan nandito na ako sa floor ko mauna na ako sayo kita na lang tayo sa susunod."pagpapa-alam niya kay Janelyn sabay labas sa elevator na nakangiti sa kanya
Naiwan siyang mag-isa sa elevator at the same time speechless dahil sa mga pinagsasabi nito na ikinapula niya.Hindi niya pa ma imagine na nasa ganoon silang sitwasyon isipin palang niya iyon ay nanginginit na ang pisngi niya paano pa kaya kung mangyari na kaya yun sa kanila ng totohonan,pakiramdam niya lalo siyang namula.Pagbukas ng elevator agad siyang lumabas at dumiretso sa opisina ni James kumatok muna siya bago pumasok.
"Sir,here is your coffee."nakangiti niyang saad dito
"Ang tagal mo naman,kanina ko pa yan hinihintay!"galit nitong saad
"Sir,I'm just in time actually I still have 3 minutes."natatakot niyang sagot dito pero hindi niya masyadong pinahalata
"Malamig na ang kape sa tingin mo anong dahilan?Syempre isa lang ang dahilan natagalan ka.Simple labg naman ang iniuutos ko sayo hindi mo pa magawa paano pa kaya ang pagiging secretary ko na isang mabigat na responsibilidad!Ikaw ang uminom niyan,ilang beses na kitang inutusan bumuli niyan hindi mo man lang magawa ng maayos!Lumabas ka na at baka magdilim ang paningin ko,maibuhos ko pa yan sa'yo!singhal nito sa kanya habang nakaturo pa sa pintuan ng opisina nito
Agad-agad naman siyang lumabas dala ang kape na ipinabili nito sa kanya.Siya na naman ang iinum ng kape nito na ni reject na naman niya.
"Nakakainis naman kasi eh, magpapabili ng kape doon pa talaga sa malayo ang daming arte ha talo pa ang babae sa pagka maarte."bulong niya sa sarili
"Mainit pa naman ah,tsss arte talaga niya kahit tanghali gusto magkape kaya palaging high blood eh."
Nilagok na niya ang kape at kinuha ang gamit niya at bumalik siya sa opisina ni James,kumatok muna siya at naghintay sa sagot nito.
"What is it?"tanong nito sa kanya sa matigas na boses
"Sir,it's time to go for the lunch meeting."sagot niya dito nakatayo pa rin siya sa may pinto at hindi na pumasok pa,takot lang niya kay James
Mga isang minutong paghihintay lumabas na ito,maayos at mukhang bagong ligo ito.Napaisip naman si Janelyn kung saan ito naligo ganoong hindi naman ito lumabas ng kanyang opisina.Nakasunod lang siya dito hanggang sa makarating sila sa parking lot.
"Where do you think your going?"tanong nito sa kanya na magkasalubong ang kilay
"Sasabay po sa inyo Sir,diba po dapat kasama nyo ako dahil ako po ang secretary ninyo.Kailangan ko pong isulat ang mga napag-usapan at nagkasunduan ninyo dahil ako po an--"hindi na niya naituloy ang sasabihin niya ng biglang nagsalita si James at mukhang inis
"Stop!I know that thing what I mean is,who told you that you can come with me and we go to the meeting place together?"magkasalubong ang kilay na tanong sa kanya nito
"Sir please!Isabay nyo na po ako.Ayaw nyo naman siguro mapahiya kayo sa ka meeting nyo dahil nahuli yung secretary nyo dahil nag commute pa siya diba nakakahiya po iyon."pagmamakaawa niya dito dala pangungonsensya
"That's not my problem anymore and I don't care at all!It's time for you to teach yourself how to drive."patapos na saad nito at papasok na sana ito sa kotse
Agad na lumuhod at hinawakan ni Janelyn ang mga binti ni James at nagmakaawa o mas mabuting sabihin na nagpaawa
"Please na James isabay mo na ako maawa kana sa akin lunch time na maraming commuters at sigurado ako traffic na din anong oras pa kaya ako makakarating kung magco-commute pa ako.Baka kakarating ko lang samantalang kayo nagsha-shake hands na edi wala akong naisulat,gusto mo ba sabihin ng ka meeting mo wala akong kwentang secretary?Mapapahiya ka nun kaya sige na isabay muna ako please!"pahikbi-hikbi niyang saad
"Let me go!I told you I don't care It's your problem not mine so FUCK OFF!"singhal nito kay Janelyn sabay sipa sa kanya dahilan para mapabitaw siya sa pagkakakapit sa mga binti nito
Sumakay na si James sa sasakyan nito at saka pinaharurot palabas ng parking lot.Sinulyapan niya muna muna ito sa kanyang side mirror at nakita niya itong yakap-yakap ng kanyang pinsan.Humigpit ang hawak niya sa manibela,biglang nabuhay ang galit sa dibdib niya na matagal niya ng kinikimkim.
"Kahit saan ka mapunta nagpapaawa ka para mapansin ka at damayan lumandi kapag may pagkakataon.Get ready for my revenge my slu**y wife!"he whispered and smirk
BINABASA MO ANG
Let Me Teach You How To Love
General FictionSi Janelyn ay isang ulila na kinupkop ng isang mayaman at mabuting tao.Itinuring siya na parang tunay na apo at doon niya din nakilala si James de Vera ang nag-iisang apo ni Don Miguel de Vera.Palagi siyang sinusungitan ni James at galit siya kay Ja...