BMY 3: Mr. Right?

1.5K 58 6
                                    

Umaga na.

Sinilip ko ang aking bintana at nakitang paangat na ang araw.

Oo, hindi ako nakatulog.

Kinuha ko ang phone ko at muling pinaltan ng picture ni Kuyang Music Video ang Wallpaper ko.

Oo, ULIT.

Buong gabi ito ang ginawa ko. Ang gawing Wallpaper ang picture nya at paltan ulit. Ang tanga lang.

Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin. Ilang palapag ng eyebags na naman ang nadagdag sa ilalim ng mata ko. Mukha akong bruha.

"SHAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAN!!!!!!!" Iniluwa ng pintuan ko ang isang hindi kaaya-ayang nilalang.

"Ang aga-aga nangbubulabog ka. Tsaka pwede ba kumatok ka muna bago ka pumasok? Daig mo pa akyat bahay gang eh", tinitigan nya lang ako na parang walang naririnig at biglang...

"BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA HINDI KA BA NATULOG? HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA YUNG ITSURA MO HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA BAKIT GANYAN KA HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA MUKHA KANG MANGKUKULAM"

Tinawanan nya ko na parang wala ng bukas. Tsk. Hindi nga kasi ako nakatulog kakaisip kay Yoo--- basta kakaisip!

"Girl alam mo, kahit ilang buwan ka pang hindi matulog kakaisip sa kanya, hinding hindi ka mamahalin nun"

"HUH? HINDI KO NAMAN SYA INIISIP EH! TALAGANG HINDI LANG AKO MAKATULOG! TSAKA BAKIT KO IISIPIN YUN? SINO BA SYA HUH? HINDI KO SYA INIISIIIIIIIIP!!!!!!", depensa ko. Aba! Bat ko naman iisipin yung halimaw na yun, noh?

"Ay! Wapak ang acting! Kaloka teh! Ang defensive! OA mo girl. Niloloko lang kita Jusko naman. Award Winning ang kaartehan. Kaloka", kinuha nya ang suklay sa may cabinet ko at sya na mismo ang nagsuklay sakin.

OA ba talaga? Hindi naman eh. Sinasabi ko lang naman talaga ang totoo. Tsaka bakit ko ba iisipin si Yoongi? Teka. Wala naman syang sinabing si Yoongi ang iniisip ko ah? WHAT THE FCK IS HAPPENING TO MEEEEEEEEEEEEEEEEE!!!!!!

Pagkatapos akong suklayan ni Steph ay hinila nya ko pababa mula kwarto ko. Umupo kami sa may kusina at inilabas nya ang mga dala nyang pagkain atsaka ako pinakain.

"Kain ka na girl. Luto ni Mommy yan. Dali! Dali! May pupuntahan pa tayo"

"Ng gantong kaaga?"

"Basta kumain ka na laaaaaaang~", agad ko namang kinain ang hinanda nya. Buong gabi akong gising at talagang nakakagutom yun.

Hinalungkat ni Steph and dala nyang bag at may inilabas na dalawang ticket.

"Oh teh, eto sayo, eto sakin", sabay abot ng isang ticket sakin.

Tinitigan ko lang ito at hindi na binasa. Hindi ko na sya tinanong dahil ieexplain naman nun kung para saan yun. Yan pa? Machine gun yan eh.

"So ayan teh, concert yan teh. Yung binili natin last month? Yeeeeeeeeeeeaaaaaaaah this is the daaaaaaaay~~~~~"

"Ah oo, yung nag-eskandalo ka pa para makabili ng VIP ticket? HAHAHAHAHAHAHAHA"

"Tsk. Kalimutan mo na yun", napailing na lang ako.

*FLASHBACK*

"SHAN SHAN SHAN SHAN DALIIIIIIIII!!!!!!!!"

"Steph ang daming tao. Mamaya na lang tayo bumili."

"HINDI PWEDE YAAAAAAAN! MAUUBUSAN TAYO NG VIP! AMIN NA AKO NA BIBILI SA TICKET NATIN."

"Huh? Pero paano ka bibili sa dami ng tao?"

Boyfriend ko si Min Yoongi?!! [Suga fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon