BMY 2: Mr. Stranger

2K 69 16
                                    

"ARRRRRRRRRRRRGGGGGGGGGGGHHHHHHHHHH!!!!!!!!", at umikot ulit ako sa kabilang side ng kama. Peste. Hindi ako makatulog.

Napahawak akong muli sa dibdib ko. Hindi katulad kanina, ngayon ay medyo nagiging normal na ang pagtibok nya.

"FCK. WHAT THE FCK IS HAPPENING TO ME!!!!", muli akong pumikit at sinubukang matulog pero ayaw talaga akong papasukin sa dreamland.

"Ayaw mo, di wag!", tumayo na ako at nagpalit ng damit. "Lalabas na lang muna ako."

I wore my hoodies on at sinalpak sa tenga ko ang earphones ko. Pagkasuot ko ng mask ay lumabas na ako ng bahay. Dumiretso ako sa park na malapit samin kung saan lagi akong nadun kapag gantong hindi ako makatulog.

Its freakin' cold. Dama mo pa rin ang Christmas sa lamig kahit tapos na ang pasko.

Naupo ako sa may bench at pinagmasdan ang mga nagsasayaw na mga halaman at ang hangin na para bang yumayakap sakin.

Inilibot ko ang tingin ko ng may nahagip ang mata ko na isang lalaking nakablack hoody din, nakamask at mukhang malalim ang iniisip. Palapit sya ng palapit sakin at napansin kong medyo malungkot ang aura nya.

Umupo sya sa katabing bench ng inuupuan ko at tumungo. Hindi nya ata ako napansin sa lalim ng iniisip.

Inilabas nya ang kanyang phone at tinitigan ito. I guess picture yung tinitignan nya pero hindi ko makita kung sino.

Ibinaling nya bigla ang tingin nya sakin kaya umupo agad ako ng maayos. Ayan. Chismosa ka kasi. Pero teh kunwari wala kang alam. Kunwari hindi mo sya nakita.

Nagsitayuan ang balahibo ko nang maramdaman kong may tumabi sakin.

Sht Sht Sht Sht Sht Sht Sht Sht

Baka holdaper to. O kaya rapist. O kaya mamamatay tao!!! Lord, bata pa po ako huhuhuhuhu :< Marami pa po akong pangarap sa buhaaaaay :< Magkakaanak pa kami ng isang dosena ni Taehyuuungggg

"Wag kang mag-alala, hindi ako holdaper", napatigil ako sa pagdadasal ng marinig ko syang magsalita.

Dahan-dahan kong ibinaling ang tingin ko sa kanya ng mapansin kong sya pala yung lalaking umaaura na pang music video ang drama kanina. Nakahinga ako ng maluwag.

"Mag-isa ka lang? Anong ginagawa mo dito mag-isa?"

"Obvious ba? Nasa park, nakaupo." Medyo natanga ako sa tanong ni kuyang Music Video. Aba! Hindi ba obvious? Kailangan pang itanong? Kaloka.

"Tsk. Alam ko. Ang ibig ko sabihin bakit ka nandito mag-isa? Gabing gabi na. Delikado. Babae ka pa naman"

"Bakit ikaw lang ba may karapatang mag-isa sa park ng gantong oras huh? Hiyang hiya ako"

"Alam mo ang lalayo ng mga sagot mo sa tanong ko." Malamang di malapit.

Kaloka si Kuya. Makaalis na nga. May paepal na nagawa ng Music Video dito eh.

Magsisimula na sana ako maglakad palayo ng bigla nyang hinila ang kamay ko.

"Dito ka muna."

Wow. Close tayo teh? Kung makahawak sa kamay ko wagas. Ni hindi ko nga alam kung naghuhugas ka ng kamay habang kumakanta ng Happy Birthday Song. Aba.

"Kala ko ba delikado ang mag-isa dito sa katulad kong babae?" Kung makasermon ka dyan kanina kala mo nanay kita tapos ngayon babawian mo.

"Sasamahan naman kita eh. Kaya hindi ka na nag-iisa."

"Thanks, but no thanks", hinila ko na ang kamay ko mula sa kanya dahil masyado na syang swerte. Ang tagal na nyang hawak ang kamay ng isang dyosa.

Nakakaisang hakbang pa lang ako ng tinawag nya muli ako. Isa pa, makakasapak na ko.

Boyfriend ko si Min Yoongi?!! [Suga fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon