Ipinikit ko ang aking mga mata at ipinulupot sa kanya ang aking mga braso. Niyakap ko sya at bumulong ng "Sorry"
Tinanggal ko na ang pagkakapulupot ng braso ko sa bewang nya at sa wakas ay nakahinga na ako ng maluwag.
Nginitian nya ako kaya napangiti din ako. Shet. Effective yung sinabi ni kuyang unknown-feeling-close-stranger omaygahd :>
Inilapit nya ang labi nya sa may tenga ko atsaka bumulong.
"Crush mo ko no?" kumunot ang aking kilay at unti-unting nagsync in sa isip ko ang mga sinabi nya sa akin.
"WHAAAAAT?!" Binatukan ko sya at pinaghahampas sa braso.
"ANG KAPAL NG MUKHA MO HUH! CRUSH? CRUSH KITA? EEW!!!!"
"ARAY! ARAY! SHAN! ARAY! JOKE LANG YON! ARAAAAAY!"
"KRAS KRAS KA DYAN! KINAGWAPO MO BA YAN HUH? KINAGWAPO MO YAN!?"
"GWAPO NAMAN TALAGA KO EH ARAY SHAN MASAKIT!"
"HEH!" nagpameywang ako at tinaasan sya ng kilay.
"CHE!" tumalikod na ko at nagsimulang maglakad papuntang garden ng bigla syang magsalita.
"Ouch. Hindi mo pala ko crush. Sige. Hindi pa tayo bati. Alis na ko", muli akong humarap sa kanya at nakita syang nakayuko habang ang kamay ay nasa bandang dibdib kung nasan yung puso nya.
"Arte mo. Panget mo. Baho mo", tinignan nya ako na parang paiyak na sya na nagmamakaawa.
"Ouch Shan. Hindi mo ko crush. Ouch", sabi nya habang umaarteng parang may sakit sa puso.
Nilapitan ko sya at agad naman syang tumayo ng maayos.
"Hehe. Shan, crush mo na ko?" ika nya sabay ngiting tagumpay.
Nginitian ko sya pabalik at pagtapos ay hinawakan ang kaliwang tenga nya tsaka sya pinikot habang naglalakad papuntang garden.
"ANONG CRUSH CRUSH ANG LANDI LANDI MO! ARAL MUNA BAGO MAGLANDI"
"ARAY SHAN ARAY TAMA NA KASI YUNG KAGWAPUHAN KO NABABAWASAN ARAY NAMAN SHAAAAAAAN!" pagdating sa may table namin ay pinaupo ko na sya at umupo naman ako sa may harapan nya. Inilabas ko ang aking dila at inasar sya pero pinagtaasan nya lang ako ng kilay. Asar talo si gago HAHAHAHA.
The night went well at wala namang ibang nangyari kundi asaran, sigawan, hampasan, pitikan ng noo at kurutan lang. Swerte ko pa nga at nanatili akong buhay dahil para akong nakikipag-one-on-one sa hunger games tuwing kasama ko si Yoongi. Medyo brutal kasi yan lalo na pagdating sa noo ko. Ang gago lang, wala ba syang noo huh? Huh? Huh?
Kinabukasan ay gumising ako ng maaga kasi masakit mang isipin pero kailangang tangapin, MAY PASOK NA ULIT KAMI.
Opo, nag-aaral din ako. Hindi po ako pariwarang bata wag kayong epal jan.
Imbes na dumiretso sa banyo eh bumaba na ako papuntang kusina. Maliligo din naman ako mamaya bat pa maghihilamos. Wala namang aamoy sakin, heh.
Binuksan ko ang ref at uminom ng tubig. Pagtapos ay napagisipan kong lumabas muna dahil medyo maaga pa naman.
Lumabas ako ng bahay at doon nagstretch stretch ng katawan. Oh yes. Mag-exercise tayo tuwing umaga~
Iniunat ko ang bawat bahagi ng katawan kong pwedeng iunat na may kasama pang paghikab hikab. Poukieeee. Anong oras na kasi ako natulog kagabi ba.
Tumalon talon ako atsaka nagjumping jacks. Kaluluwa ni Shan, say hello to Earth. Gumising ka, gumising ka at tayo'y magsaya~
"Good Morning wife"
BINABASA MO ANG
Boyfriend ko si Min Yoongi?!! [Suga fanfic]
Short StoryShe's a Taehyung stan who fell in love with Min Yoongi.