BMY 4: He's not just a stranger

1.5K 54 37
                                    

"SHAAAAAAAAAAAAAAAAN!! SHAAAAAAN SHAN SHAAAAAAAAAAAAAAAN!!! KINIKILIG PA RIN AKOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO!!!!!!", sigaw ni Steph habang tumatalon-talon.

Dire-diretso naman akong naglakad papasok sa bahay ko habang sya ay parang kiti kiting binudburan ng asin sa sobrang haraught.

"SHAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAN! HELLO SHAAAN? HELLO KPOP WORLD TO SHAAAAAAAN!", sabay wagayway ng kamay nya sa maganda kong mukha.

"Oh?"

"Anong ganap? Kanina ka pa tulaley? May multo ka bang nakikita? SHT NASAAAAAAAAAAAAAN!!!!!!!", agad syang nagtago sa likod ko at sumisilip silip.

Napailing na lang ako at dumiretso na sa kwarto ko. Gusto ko ng magpahinga. Hindi ko alam kung magagawa ko pa yun sa kabila ng nangyari kanina pero gusto ko na talagang mapag-isa.

"Sige Shan alis na ko. Tulog ka na baby girl~~~~~~ Mukhang hindi ka pa makaget-over kay Yoongi kanina HUEHUEHUEHEUHEUHEUEHUEHEUHUEHEUHEUHEUHUE~ Basta sakin sya huh? Please? Hindi mo naman sya aagawin di ba? Oke bye girl~", nginitian ko lang sya at tuluyan na syang umalis.

Buong concert ay nakatulala lang ako at lumilipad sa kalawakan ang isip dahil sa ginawa ni Yoongi. Ang assuming lang di ba? Sa daming pwede nyang sabihin 'Shan' pa talaga naisip ko?

Pwede namang 'Juan'

Pwede ring 'John', English para sosyal

Oh kaya 'Siyam', malay mo nagbibilang lang

Oh kaya 'Dyan', baka may tinuturo lang

Oh kaya 'Shine', parang yung pangalan ng classmate ko nung Grade 5 na hiniraman ko nun ng ballpeen na hanggang ngayon di ko pa binabalik

Oh kaya 'Tiyan', baka nagugutom lang

Oh di ba? Dami daming pwedeng sabihin 'Shan' pa talaga naisip mo? Haysxxzcccccc.

Kinuha ko ang phone ko at tinignan ang oras. "12 AM na pala"

Hindi pa rin ako matahimik. Gusto kong ilabas yung nararamdaman ko pero hindi pwede lalong lalo na kay Steph. 

Nagpaikot ikot ako ng lakad sa kwarto ko habang naghahanap ng mapapagkaabalahan pero wala talagaaaaaa.

Tumambling ako sa kama ng paulit ulit pero nahulog lang ako sa huli kasi nasa dulo na pala ako ng kama todo tumbling pa rin.

Tinawagan ko ang Jollibee at sinabing ako si Superman at kailangan ko ng extrang brief pero binabaan lang ako ni ateng Welcome to Jollibee.

Nagsayaw na ko ng Sua-Ku-Sua na sinayaw namin nung Grade 8 pero natamaan lang ang mukha ko ng pamaypay sa katangahan.

Kaya in the end, humiga na lang ako sa kama at dinutdot dutdot ang cellphone ko.

"Hayeop naman eh no wala namang magawa eh no", at initcha ko ito sa may kama.

"Baho ng wallpaper ko ngayon. Sino ba yun?" 

Pagtapos at sumayaw naman ako ng sayaw ng Nae Nae kahit na hindi ako marunong magsayaw ng may marealize akong dapat ay kanina ko pa naisip.

"SHET SHET SHET SHET OO NGAAAAAAAAAAAAA!!!!!!!! NAPAKATANGA MO TALAGAAAAAAAAAAA! BAT DI MO YUN INISIP? SHET SHET SHET SHET"

Agad kong sinuot ang mask ko at kinuha ang Light saber na binili ko sa  bangketa. Umiilaw kasi pwedeng pangLight stick sa concert kaya binili ko hueheuheuheu~

"NINJA!", at nag-ala ninja ako na may posing posing pa! Napapanood ko yun eh. Kyot di baaaaaaa~

Tinigil ko na lang ito at agad na humiga sa kama. Mukha na kasi akong tanga. Kahiya naman.

Boyfriend ko si Min Yoongi?!! [Suga fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon