CHAPTER 8 : USTRINA

218 6 0
                                    

ENCHANTASIA

  
       AGERAM
(PART OF AGERIO)
 

RAQUEL POV

      Nagising ako dahil sa Pinagsama-sama Maliliit na boses . Pag upo ko sa kama napasiksik ako sa headboard pagkakita ko sa pitong maliliit na bata. Teka mali. Hndi sila bata , dahil ang mamatured na nila tingnan. Nilibot ko ang paningin sa buo paligid. Nasaan  ako? para ako nasa magarang kwarto. Puro nangingintab na parang ginto ang buo kwarto tanging kurtina  nga lang ang humaharang sa pintuan.

    "Gising na ang prinsesa. " sabay sabay na tili ng mga maliliit na tao . Ang sakit sa tenga. Wala naman choir . Ang liliit na taO ang lalaki ng boses.

   " kamusta ang pakiramdam mo mahal na prinsesa. ?" tanong sa kanya ng isang matangkad at gwapo lalaki. Na hinawi ang kurtina para makapasok sa kwarto.

      Grabe .. Puro gwapo na lang ata nakikita ko nito mga nakalipas na araw. Teka, naalala ko na may sakit nga pala ako At nasa hospital pero bakit nandito ako sa kakaibang kwarto? ang yaman naman ng tita ko at dinala pa ako sa eleganteng kwarto sa loob ng hospital. Pinakiramdaman ko  ang akin sarili. Nagtataka ako kung bakit wala na ako kahit na ano paso sa katawan.

       " N-nasaan Ba ako?"

     "Nasa enkantasya ka ,mahal na prinsesa. Nasa parte ka ng Agerio, ang Ageram . Dito kadalasan dinadala ang mga lubhang nasugatan ,at sa klase ng natamo. Mukha pinaparusahan ka ni Ustrina."

     Nasa enkanttasya ako ? Makikita ko na rin ba ang akin mga magulang? Pero paano ako nakapunta dito? sino nagdala sa akin?

   "Raquel , dadalhin ka namin sa enkantasya , para mapagaling ka. magpakatatag ka. Tibayin mo ang sarili mo."

    Bigla nagsink sa utak ko si Emmanuel. Taga enkantasya ba ang abnormal na iyon. 

    " Si.. Si Emmanuel .. Ahmm.. Nasaan sya? hindi ba sya ang nagdala sa akin dito?"

    " Nasa kaharian sya ng aming hari. Gusto mo ba sya makita?"

     Napaisip ako. Ano naman sasabihin ko  sa abnormal na iyon? ano ba ang lalaki na iyon dito sa enkantasya.? alipin ? mandirigma? kanang kamay ng hari? baka kalaban sya ng magulang ko?

    " T-teka.. Kalaban.... Kalaban ba kayo? si Emmanuel, Ano  sya dito? kalaban din ba Sya.?"

     Humagikgik ito, kumunot ng noo ko. "Hoy! Ano nakakatuwa?" lagi na lang ba  pinagtatawanan ng mga gwapo na ito, purkit may mga Maipagmamalaki itsura tsk...

     " hindi kami kalaban ng mahal na Reyna. Sa katunayan niyan, kaibigan kami ng iyo ina. At nasasakupan  niya kami. "

        "ahh... Hehehe.. Ganoon ba. Hindi mo agad sinabi. "

       Naalala ko ang binanggit nito pangalan , Orustina o austrina. Ano nga  pangalan nong sinasabi nito nagpaparusa sa akin. Humanda talaga iyon sa kanya pag nakita ko iyon.

     " sino nga iyon nagpaparusa sa akin? "

     " Si Ustrina. May gusto ka ba malaman sa kanya?"

     " oo , gusto ko sya makita ng maparusahan sa ginawa niya Sa akin."

   Pinagtaka ko ng umiling ito sa akin. " Oh bakit? hindi ka ba makapaniwala? alam mo ba isa ako sa kinakatakutan sa school namin. Hah!!! babalatan ko sya ng buhay!"

     Lumungkot ang mata nito . Bakit kaya? bakit bigla ako kinakabahan ? base sa nakikita ko reaction nito natitiyak ko hindi basta basta si Ustrina. Naintriga tuloy ako.

The Prophecy (The Kingdom Of Magic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon