CHAPTER 46: Kambal ng Magus

54 1 0
                                    

EMMANUEL POV

Mabilis ako lumabas sa akin kwarto ng makarinig ako ng tila nagkakagulo. Sa paglabas ko nakita ko ang mga bampira naka paikot sa dalawang babae.. Ang dalawang babae na nakita ko kumuha kay Raquel. Ang isang babae mayroon violet na mata at ang isa ay asul na mga mata. Hindi nakalabas ang mga wand nito pero ramdam ko ang malakas na pwersa.

"Huminahon kayo mga meta. Makakabalik na kayo." Sabi ni Marcus na kalalabas lang din sa throne room.

Masamang tiningnan muna ng mga Meta ang dalawa bago nawala.

Tumingin sa akin ang isa sa babae. Ang asul nito mga mata na tila mayroon kakaiba.

"Masydo paranoid at alisto ang iniyo mga kapwa mahal na Hari. Ako nga pala si Arriva ang isa sa mga gemini ng kaharian magus " pakilala ng asul ang mga mata.

"Ako si Arysella, kakambal ni Arriva. "

"Ano ginagawa niyo sa lugar namin.? Kung hindi ako dumating baka nilapa na kayo ng akin mga alagad. " tanong Ni Ama.

"Maaari ba tayo magusap ng tayo-tayo lamang?" Naiilang na tanong ni Arriva.

"Nasaan si Raquel?!" Hindi ko na napigilan tanong ko sa mga ito.

"Kaya kami naparito ay dahil tungkol sa iniyo Prinsesa, ginoon bampira." Sagot naman ng violet ang mata.

Dahil sa sinabi ng mga ito nagkaroon ako ng interest at sumunod sa mga ito sa throne room kung saan kami ang makakapagusap ng kami kami lang.

"Maayos na ba siya? Kamusta ? Kumakain ba siya? Nakakatulog?" Naeexicted na tanong ko habang naglalakad kami.

Huminto saglit ang babae may asul na mata. Ang mga mata nito ay may lungkot ako naaaninag.

"Nakikita ko ang pagmamahal mo sa kanya Prinsepe ng mga bampira. Pero kinululungkot ko sabihin. Ayoko paasahin ka. Pero ilang linggo ng patay ang babae iniibig mo. Iyon ang dahilan kaya kami naririto. Kung handa ka pakinggan kami... Sumunod ka. Pero kung hindi ... Hindi ka namin pipilitin. "

Iniwan ako nito tulala. Si Raquel? Ilang linggo na patay? Iyon ang bilang ko simula ng mangyari ang nasa Park.. Dumaloy ang luha sa akin mga mata. Hindi ako makapaniwala nabigo ako bantayan at protektahan ang babae tinitibok ng akin puso.

Raquel! Bakit? Bakit napakalupit ng tadhana sa atin!!! Bakit hinayaan ka nila mawala sa akin?

The Prophecy (The Kingdom Of Magic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon