RAQUEL POV
Ilang araw ko ng napapansin na tila iniiwasan ako ni Emmanuel. Lalo na paG nasa paligid ko si Louie. Eh, ano naman maganda nga iyon para magawa ko kalimutan agad ito. Kaso nga may problema ako. Si Louie!
Ang lalaki ang kapalit ni Emmanuel sa pangbubuwisit sa akin.
" Ano ba ? aso ka ba ? sunod ka ng sunod eh? " huminto ako sa paglalakad papunta sana sa canteen namin . Hinarap ko ito at pinameywangan.
" Mukha ba ako aso? what a nice and handsome doggy I'am?"
Inirapan nko ito " tanga talaga!" tinalikuran ko na ito at ngsimula na maglakad. Nakasalubong ko si Emmanuel at Lemmuel . Tiningnan ng mga ito si Louie. Binati ako ni Lem pero hindi ni Emman.
Nilagpasan ako nito at ni hindi man lang ako tinapunan ng tingin.
Feeeeelingģ mo!!!! Hmp!
Palihim ko ito inirapan. Akala ba nito hindi ko siya matitiis.. Huh! Asa siya!!
Pero aaminin ko masakit, masakit na isipin tapos na ang kahit na ano pa iniisip ko pwde sa amin.
"Tanggapin mo na kasi ang hinihiling ko, Raquel. Be my Queen este be my partner. "
Queen? Saan ko nga ba narinig iyon.
Kanina pa ako kinukulit nito.May project kasi kami para sa kanila arts subject at dapat may partner , since wala pa sila Abigail at Aljun na parehas ko kaibigan at nasa ibang bansa pa , wala ako maisip kung sino magiging Partner ko.
Nakarinig ako ng malakas na kalampag. Paglingon namin ni Louie nakita namin angbisang lalaki panay ang sorry kay Emmanuel dahil nabunggo sa dibdib nito. At tulad ng inaasahan hindi makakaramdam ng kahit ano ang lalaki bampira kaya bumagsak sa lapag ang lalaki bumangga.
" Ano tayo na magkapartner?" nangingislap ang mga mata ni Louie , tanong sa akin.
Sinamaan ko ito ng tingin. " Magisa ka!" padabog ako nagmartsa palayo dito.
LOUIE POV.
Naiwan ako napapailing . Pinagmasdan ko na lang ang paglayo ni Raquel.
Alam ko kung sino si Raquel. Alam ko ito ang anak nila Amanda at Tameo ng kaharian Lermeo. Ang utos sa akin ng akin Ina patayin ang hinirang. Pero napansin agad iyon ni Emmanuel. Nalaman agad nito ang balak ko. Isa pala ito sa kambal na anak ni Marcus ang hari ng Femeri.
Binantaan ako nito na kung hindi ko lalayuan si Raquel papatayin ako ng susunod na hari ng fameri.
Napabuntong-hininga ako. Hindi ko intensyon magkagusto anak nila Reyna Amanda. Pero habang tumatagal at nakikilala ko ito, kung gaano ito kabait. Para umuurong at bumabahag ang buntot ko saktan ito.
FLASHBACK: 1 WEEK AGo
"Layuan mo si Raquel , Salvacion. Alam ko kung bakit ka naririto ."
" Ano ba ang dahilan ko at nandito ako?" kunwari hindi ko alam ang sinasabi nito.
Nasa gilid kami ng isang building ng school. Kitang-kita ko ang pagtiim ng bagang nito. Una araw ko iyon sa school.
" I know who you are and where are you from. Taga enkantasya ka, at ang mga magulang mo ay isa sa mga alistair ng dati hari ng Lermeo. Ng maupo sa katungkulan sina Reyna Amanda at hari Tameo. Sinimulan nila linisin ang bulok na pamamahala ng dati hari ng Lermeo. At nalaman nila na isa ang mga magulang mo sa nagtratraidor sa kanila pamumuno. Hindi matanggap ng magulang mo na si Reyna Amanda ang bago nila Reyna. Kaya gumawa sila ng isang kilusan. Pero sa kamalasan nalaman iyon ng Reyna kaya pinatapon kayo dito sa mundo ng mga tao. "
BINABASA MO ANG
The Prophecy (The Kingdom Of Magic)
FantasyAko si Raquel Lermeo, isang tagapagmana ng isang kaharian. Isang Prinsesa nawalay sa akin mga magulang, para matakasan ang nakasaad sa Propesiya. Pero matatakasan ko nga ba ang nakatadhana na sa akin? Sa muling paggising ng akin natatago kapangyar...