CHAPTER 12 : SIMBOLO

155 7 0
                                    

RAQUEL POV.

     Umarko pataas ang kilay ko pagkakita sa nagkakagulo mga studyante sa may gate.

    Aga-aga pinapainit ng mga ito ang ulo ko. Hindi kasi ako makadaan sa pasukan dahil nakaharang ang mga ito.

     " Hoy! kayo! hindi ba kayo aalis sa daanan ko! o gusto niyo mawalan ng buto? "

     Malakas ako sumigaw sa mga ito. Agad ako tiningnan ng masama ng ibang kababaihan. Pero ng makita ako ang nagsalita agad sila nagsipag alisan sa daanan.

    Naman ako nga kasi ang Amazona Queen ng campus na ito kaya marami takot sa akin.

   Nagsimula na ako maglakad lalo kumunot ang noo ko at pinasingkit ko rin ang akin mata.

    Huminto sya sa lalaki pinagkakaguluhan ng mga stupidyante ng  Almighty academy. Tsk... Stupid talaga... Ang mga ito akala mo ngayon lang nakakita ng gwapo. Tsk

    Pinagmasdan ko ang lalaki naka sun glasses , nakasandal ito sa kotse nito mercedz benz na kulay itim habang naka cross arm sa pustura pa lang ng lalaki mahahalata mo na agad na mayroon kayabangan ito tinataglay. He smirked with me. Na kinataas ko ng kilay . Hinablot ko ang collar ng uniforme nito. Sa hula ko transferee na laman ito.

     " Hoy ! iniinsulto mo ba ako?" Nakakagigil mga tao ganito.

     " Ako? Mukha ba ako nangiinsulto?. " Lalo lumawak ang ngiti. Tinanggal nito ang salamin. Singkit ang mga mata nito at masasabi ko gwapo nga.

     Nilapit ko ang mukha dito. " Umayos ka! Wag ka haharang harang sa gate dahil daanan ito .. Wag ka din papansin!"

    Kita ko ang sandali pagkagulat nito na agad din nabawi at nginitian ako.

     " Kasalanan ko ba maging gwapo? bakit hindi sila ang pagsabihin mo ? sila ito parang ngayon lang nakakita ng gwapo. Siguro wala gwapo dito."

      " Shutanes... Laganap ang kahambugan sa mundo!" Pabalibag ko binitawan ang kwelyo nito at dinuro.

    " Kung ayaw mo basagin ko iyan iniingatan mo nakakasura mukha ... Ipark mo yan kotse mo sa dapat ipark hindi iyon pakalat kalat ka! sinisira mo ang araw ko!" Nagpupuyos sa inis na tinalikuran ko na ito.

     Sinimulan ko na ang pag lalakad na nagngingitngit parin. Pero narinig ko ang pag andar ng kotse nito . Mukha sinunod na nga siya nito

Napasmirked ako. Takot din pala mabarag ang mukha tsk. Para talaga iyon si Emmanuel.

    Speaking of Emmanuel . May dumaan na mabilis nahangin at malamig galing sa likod ko. Paglingon ko sa likod wala tao . Umiiling na humarap na ako. Kaso nabunggo naman ako sa isang matigas na dibdib. Naamoy ko ang pabango ni Emmanuel. Pag angat ko ng ulo, Isang mabilis na halik ang binigay nito sa labi ko . Naitulak ko ito sa sobra pagkabigla.

    " B-bakit ka ba nangnanakaw ng halik? "

     Ngumisi lang ito sa akin at pinisil ang ilong ko. " Wala gusto ko lang may angal ka? kapag umangal ka hahalikan pa kita. Dapat nga matuwa ka dahil ang pinaka gwapo dito sa buo academy nasa harapan mo na."

     She rolled her eyes. Umiling ako at nagpauna na sa paglalakad." Tsk... Dami talaga feeling gwapo sa mundo . Tsk nadagdagan pa..."

     Humalakhak lang ito at sinabayan ako sa paglalakad na nakapamulsa.

     Pumasok na kami sa room at naghiwalay ng upuan. Pagka-upo ko napatingin ako sa pinto ng pumasok ang isang lalaki nakasun glases.

     Teka? wag nito sabihin klasmate ko din ang hambog na ito. Natampal ko tuloy ang noo . Hindi na special section ang room nila. Feeling section na tsss...  

The Prophecy (The Kingdom Of Magic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon