RAQUEL P.O.V
Kanina ko pa hinahanap si Maru. Pero isang oras ko na ito hinahanap hindi ko parin makita.
I feel something's wrong. Nito nakalipas na araw hindi ko nakikita si Emmanuel , ni si Louie hindi ko rin matsempuhan. Lagi busy daw ang mga ito .
Sabi ni Lem nasa Enkantasya daw si Emmanuel. May iniutos daw ang ama ng mga ito.
Mabigat ang mga paa napa punta ako sa pinaka likod ng akademya. Sa lugar kung saan puro puno. Nanlaki ang akin mga mata ng makita ko si Louie na may hawak na espada na gawa sa kidlat . Samantala nakaupo sa lapag si Maru na may hawak din brown na espada.
" SINUNGALING KA! HINDI MAGAGAWA NG MGA MAGULANG KO ANG MGA SINASABI MO!" Galit na sigaw ni Louie kay Maru.
" Totoo ang sinasabi ko Louie. Isang taga sunod ng mga taga firmeo ang mga magulang mo. Inutusan ka niya patayin si Raquel , para makuha ang katawan ni Raquel dahil ang dugo niya ang gigising kay Laurus. Kaya kami nandito. Isa ka sa dapat na nagtatanggol sa Prinsesa!Kaya ka naging sugo para pangalagaan ang prinsesa ilayo at ipagtanggol sa kasamaan at sa mga balak nila Arkanto . Pakiusap ,Louie makinig ka sa amin." Tinukod ni Maru ang espada sa lupa.
"Sino ba kasi nagsabi sayo papatayin ko si Raquel!! Oo noon iyon pero ngayon nagbago na ang isip ko! Ang ikinagagalit ko ! Ang mga sinasabi mo masama ang akin Ama! "
Sa pagkamangha ko naging si Shyness ang espada. Napakurap ako ng mata. Isang sandata si Shyness?
"Totoo ang sinasabi ko sayo! Isang traidor na alistair ang iyon Ina at Ama!"
"HINDI! SINUNGALING KA! HINDI KAMI KALABAN ! THUNDERBOLT!"
May thunderbolt din si Louie? ay shunga ! sya nga pala ang isa sa master ng kidlat.
Naalala ko iyon ang gagamitin ni Lychinus dapat kay Ustrina para wasakin ang gabay ng Apoy.
No! hindi kakayanin nila shyness ang kidlat. Kahit pa sabihin kaya nila makapanggamot. Ako ang dahilan ng pagaaway ng mga ito kaya hindi ko hahayaan magbuwis ng buhay sina Maru ng dahil sa akin.
Mabilis ako tumakbo palapit kanila Maru. Nakatalikod ako ng masalo ang thunderbolt ni Louie. Shit! nararamdaman ko ang tila pagkasunog ng akin katawan na para ba nilalapyos.
Ang kidlat o kuryente ay wala pinagkaiba para sa aki ito parin ang Alam ko kahinaan ko. Noon pa man. Parang nasusunog ang buo ko katawan at napayakap ako kay Maru na gulat na gulat.
" Raquel ! shit bakit? " napatakbo sa akin si Louie. Para ito binuhasan ng malamig na tubig ng makita ako ang tinamaan ng Thunderbolt nito.
Nasukaan ko ng dugo ang damit ni Maru. Niyakap ako ng mahigpit nito . Hinahaplos naman ni Louie ang buhok ko.
Kung tutuusin. Kanina pa dapat ako nawalan ng buhay kung hindi lang sa nararamdaman ko parang mainit na enerhiya pilit pinapagaling ang katawan ko. Marahil ang sarilo ko kakayahan makapag pagaling, na maari napalakas simula noon Galing ako sa Enkantasya.
" sorry! sorry.. Please wag ka mawala , Raquel . Nagpadaig ako sa galit ko , sorry. Patawarin mo ko." Dumaloy ang munting luha sa mata ni Louie.
Pinilit ko ikuyom ang kamao at sapakin ito . Pero sa sobra hina na ng akon katawan para na lang dumampi ang suntok ko.
" G-ga. . G-go .. K-ka.. " Umubo ako ulit na may kasama dugo.
EMMANUEL POV
Kumabog ng malakas ang dibdib ko. Nabitawan ko ang hawak na kopita sa lapag. Nasa conference room ako kasama ang akin ama, reyna at hari ng bawat kaharian , maliban sa hari ng Firmeo. Sa pangunguna ni Reyna Amanda.
BINABASA MO ANG
The Prophecy (The Kingdom Of Magic)
FantasyAko si Raquel Lermeo, isang tagapagmana ng isang kaharian. Isang Prinsesa nawalay sa akin mga magulang, para matakasan ang nakasaad sa Propesiya. Pero matatakasan ko nga ba ang nakatadhana na sa akin? Sa muling paggising ng akin natatago kapangyar...