Chapter 3

87 4 11
                                    

"Hong Maila!" Napalingon ako sa likod ko at namataan si Tzuyu-Unnie. Inantay ko syang makalapit saakin at nang marating nya ako ay inakbayan nya ako na halos lahat ng bigat ng katawan nya ay nilalagay saakin.

"Mag- isa ka din pumasok?" tanong nya. Tumango lang ako.

"That Guy, really" bulong nya. Napangiti naman ako.

"At least he told me"sagot ko.

Maaga kasi syang umalis kanina dahil susunduin nya daw si YuJin-Unnie.

"Kumain ka na?" Tanong ni Unnie. Umiling ako habang dirediretso pa rin kaming naglalakad.

"Tarang kumain" Hinila nya ako papunta sa loob ng isang Noodle Restaurant.

"Ajumma, Dalawang Jajjangmyeon!"sigaw ni Unnie.

"Hindi mo ata kasabay si Hwanhee-Oppa?"Tanong ko habang tinititigang maigi ang mga pampalasa sa unahan ko.

"Hindi sya papasok ngayon, May Katam-" sagot nya. Na naging dahilan ng pagtaas ng isa kong kilay.

"Katam?? Anong sakit yon Unnie?" Tumitig muna sya saakin at biglang tumawa na ikinagulat ko.

"KA" sambit nya.

"Ka" Paggaya ko sa kanya.

"TAM"

"TAm?"

"Katamaran" bulyaw nya bigla, napapikit ako sa lakas ng boses nya. Minsan talaga parang takas sa Mental to si Unnie.

"Tae, akala ko pa naman malala yang Katam na yan, Katamaran lang naman pala" Napabuntong hininga ako.

"Oo nga, Malala nga. Tingnan mo pati pagbangon sa higaan di nya magawa" Tinaas taas nya yung mga Kilay nya.

At sakto naman ay dumating na yung pagkain namin at nakakain na rin tong maingay na takas sa Mental kong Unnie.

Pagkatapos naming kumain ay naglakad na kami papuntang school.

"Oh, Talaga?" Tanong ko. Kinukwento kasi ni Tzuyu-Unnie na habang nag papractice sila ng sayaw para sa Prom Night ay nadulas si Hwanhee-Oppa dahil nakaapak daw ng kung ano. Tapos para daw baliw na kinakausap yung sarili habang naglalakad pabalik sa room.

"Hindi ko ba alam kung anong nangyayari dun, nasisiraan na ata ng bait" Natatawang sabi nya.

"Oo, Pareho kayo, bagay nga kayo " bulong ko.

"Ano?" napatingin ako sa kanya, ng biglaan.

"Ahh, wala sabi ko, Ang ganda mo" ngumiti ako inunahan syang maglakad.

"HONG MAILA!! NARINIG KO YON BUMALIK KA DITO!!"  Sigaw niya hindi ko sya pinansin at dire diretsong tumakbo sa loob ng Campus.

"AHH!! Shit" napahawak ako sa ulo ko, dahil sa malakas na impact na naramdaman ko.

"Shit, Okay ka lang?" narinig kong tanong ng lalaki sa tapat ko.

Nakahawak pa din ako sa noo ko habang nakaupo sa sahig. Tumango-tango lang ako.

"I am really sorry, di kasi ako nakatingin sa dinadaanan ko" inilahad nya ang kamay nya sa harapan ko na sya ko namang tinanggap dahil masakit pa rin ang noo ko. OA man pakinggan pero grabe naman masakit kasi talaga.

"Okay lang, tumatakbo din kasi ako, Okay ka lang din b-?" natigil ako ng tumingin ako sa kanya. HOLY CARABAO!

Nakangiti syang nakatingin saakin, ang gwapo ng nilalang na ito!

"O-okay lang din ako" napakamot sya ng ulo. Napansin nya sigurong parang tumigil ang mundo ko.

"Jeon Jungkook, 12th grader" ngumiti muli sya at ang kamay naming hindi pa nagbibitaw ay nagtaas baba tanda ng pagkilala.

Should Have Done It BeforeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon