Chapter 5

70 4 14
                                    

"Excuse me" Tumayo ako at naglakad papuntang Restroom. Bago pa man ako makapasok.

"Chei" Lumingon ako at nakita ko si Sanha nakalagay ang dalawang kamay mga bulsa ng pantalon nya at  parang hindi mapakali.

"Oppa?" Sagot ko at tiningnan syang maigi na parang tinitingnan ko ang gusto nyang sabihin.

"Chei... S-sorry"  hindi sya nakatingin saakin nang binaggit nya ang mga salitang iyon.

"S-sorry? Para Saan?" Kumunot ang noo ko.

"Para-" naputol ang sasabihin nya

"Sanha!" kasi tinawag sya ni Yujin-Unnie.

Nagkibit-balikat ako at pumasok na langsa CR. Kailangan kong mag-hugas ng kamay para mapa-kalma ang sarili ko. Kinakabahan kasi ako sa ginagawa namin ngayon. Para bang sobrang sama.

Umiling ako at tinuyo ang kamay ko gamit ang hand dryer sa loob ng CR. Tinitigan ko muna ang sarili ko at tsaka lumabas.

Sakto pag-kalabas ko ay nandun pa rin sila Yujin-Unnie. Nag-uusap sila at sa pwesto nila ay halatang walang gustong makarinig. Dikit na dikit na para bang nag-hahalikan na sila kung titingnan sa malayo.

Nakita ko man ay hindi ko na sila pinansin.Naglakad ako pabalik sa pwesto namin at umupo katabi ni makapasok. Ngumiti siya nang makita ako.

"Maila, wag kang magugulat sa mga susunod na gagawin ko" tumingin ako sa kanya ngunit nakatuon lang ang pansin nya sa pagkain sa harap nya.

Hindi ko namalayang nakatitig pala ako kay Sunbae hanggang sa narinig kong nagsalita si Yujin-unnie.

"We're here" na naging dahilan ng paglingon ko sa kanila.

"Had a good time?" nakataas ang isang kilay na tanong nya.

"Sobra" I emphasized the word kaya inirapan nya ako.

"You know, About earlier" sambit ko. Hindi ko sya tinitingnan at ramdam kong she is glaring at me.
.
"I don't mind if you do that, pero wag kang umarte na nagsosorry kapag sinadya mo ang isang bagay. It doesn't suits you, para kang asong nagbabait-baitan dahil may ginawang hindi kaaya-aya. Sa madaling salita parang kinain mo lang yung ice cream mong nahulog sa sahig" wala akong emosyong pinapakita.

"Maila" narinig kong sambit ni Sanha, yung tonong nagsasaway. Napa-smirk ako.

"Ano? Sasabihin mo nanaman saakin na sumosobra na ako? Ako lang ba? Yung best friend mo ng sampung taon. Hindi ka ba nagtataka? Na nagbago sya na ginagawa nya yung dating indi nya ginagawa?"tumayo ako at tumalikod. Naramdaman kong hinawakan ni Sunbae ang kamay ko.

"Sinasabi mo yan kasi may gusto ka kay Sanha, Maila" napalingon ako kay Yujin-unnie.

"Oo, may gusto ako sa kanya. At alam ko sa sarili kong totoo yun. Hindi kagaya mo, sinagot mo lang siya dahil alam mong hindi magiging kayo ni Sunbae at ginagamit mo sya dahil akala mong mapapagselos mo si Sunbae diba?" nanlaki ang mga mata nya.

"Paano mo naman nasabi yan, Maila" tanong ni Sanha.

"You know that I am not good at studying, but I am good at watching people." tumalikod ako at naglakad palabas habang naka-alalay sa bewang ko si Sunbae.

Saktong pagkalabas namin ay napaupo ako sa sahig at tuluyan nang bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigil.

"It's alright, you did well" inalalayan ako ni Sunbae tumayo ngunit hindi ko talaga kaya dahil nanginginig ang mga tuhod ko.

"Come on, get on my back and let's get out of here" umupo sya nakaharap ang likod saakin.

"O-okay lang ako Sunbae, saglit na lang to"medyo nanginginig kong sabi.

Should Have Done It BeforeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon