Chapter 6

73 2 9
                                    

Sanha..

Binuksan ko ang bintana at nakangiting bumungad sya saakin.

"Bukas, gusto mo kumain?" tanong nya.

Napataas ang kilay ko.

"Kumain?Saan naman?"

"Basta ako ang bahala" iniiwas nya ang tingin nya saakin at ngumiti ako ng bahagya.

Bukas birthday nya :') Sayang hindi sila umabot, kaya siguro malungkot siya.

Yun pa naman ang hiling nya. Pero at least bumalik na ang lahat sa dati. Ang pag-kakaibigan namin ni Sanha-oppa at ang dating sya.

"Call" sagot ko at tumingin sya saakin.

"Bukas 9 am" tumango ako.

"Matutulog na ako, wala pa akong tulog simula kagabi" pagpapaalam ko at isinara ang bintana.

Nahiga ako sa kama at tsaka ipinikit ang mga mata ko.

Kanina bago ko lagyan  ng band aid yung paltos ko. Nakatanggap ako ng message galing kay Sunbae.

Hi Maila,

Ako to si Jungkook-sunbae,  maybe nagtataka kung paano ko nakuha yung number mo. Simple lang kinuha ko kay Tzuyu ano kasi, ahmn... I just wanted to say thank you for helping me. Kahit maikling maikling sandali lang. Sa totoo lang kahit sandali lang iyon. Naramdaman ko yung determination mong tulungan ako kahit alam kong ginagawa mo din yun para sa sarili mo. You are amazing.

When you helped me, I felt happy kasi no one ever made me feel that way. This is not a confession sinasabi ko lang kung anong nararamdaman ko habang kasama kita.

The truth is I really hated Yujin ever since that incident happened. Maybe because I really love that girl. And she, that girl really resembles you a lot.  That's why, sinadya kong banggain  ka noon at itakbo ka palabas ng school. Sinabi kong nag-de-date tayo dahil nakita kong nasaktan ka sa mga salitang binitawan ni Sanha ng araw na iyon.

I wanted to say sorry for that and at the same time thank you para sa lahat lahat.

Let us contact each other often. Don't get sick. Don't get hurt. I left the band aid on my jacket's pocket. I know you are hurt.

Again. Don't get hurt. You can keep my jacket, keep it as my remembrance because sa susunod na magkikita tayo ay you've already grown into a beautiful young woman na at hindi na kita mamumukhaan. Kaya isusuot mo yan sa araw na yon.

-Jungkook-Sunbae.

Kinuha ko ang band aid sa bulsa ng jacket at ngumiti.

Stitch band aid. Natandaan nya pa to. :')

Habang nasa mall ay dumaan kami sa isang store na puro stitch at dahil dun tuwang-tuwa ako. Binigyan nya nga ako ng stuff toy ayon naka display sa study table ko. I really love stitch akala nya kasi walang nagmamahal sa kanya dahil nakakatakot syang nilalang. Pero hindi nya alam maraming nagmamahal sa kanya hindi nya lang nakikita dahil ang alam nya natatakot silang lahat.

~~~~~

Nakarinig ako ng tatlong sunod sunod na katok sa bintana ko.

Binuksan ko ito at namataan si Sanha halatang bagong gising.

"Nakita ko si Joshua-hyung, may kasamang babaeng medyo nasa 40's kakapasok lang nila sa bahay nyo" nagkukusot pa sya ng mata habang sinasabi iyon. Cute

"Magbihis ka na, aalis tayo ng 9 diba?" sabi ko at sinara ang bintana.

Naligo at nag-ayos na ako. Nag suot akong black skaters skirt, simpleng long sleeves at puting high cut rubber shoes.

Should Have Done It BeforeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon