Chapter 8

75 5 6
                                    

Nagsimula kaming mag-ayos ng kwarto nya dahil mas konti lang ang bitbit ng lalaking ito. Malamang damit nya lang, mga personal hygiene, at mga gadgets at charger nya.

Habang nag-aayos kami ay nakita ko yung gym clothes namin nung grade 6.

"Nasa iyo pa rin ito?" tanong ko. Nakatitig lang ako sa damit kaya hindi ko alam ang naging reaction nya.

"Ahh. Iyan ba? Natatawa kasi ako pag nakikita ko yan" nang buklatin ko ang nakatuping damit at nakita ko ang picture naming dalawa.

Suot ko ang nasabing gym clothes na halos naging daster na saakin dahil hanggang tuhod ko ang t shirt tapos sobrang haba naman ng pants para sa katulad ko. Sya naman nakapatong ang siko sa ulo ko habang naka-peace sign.

"Sanha-Oppa!" sigaw ko.

Umuulan kasi at wala akong payong kaya nag-tatatakbo ako sa loob ng room. Basang-basa suot ko ang gym clothes namin dahil nag-linis kami ng swimming pool. Medyo madumi ito dahil sa damuhan ako nagtatatakbo. Puno ng putik ang puting long sleeves.

"Anong nangyari?" hinawakan nya ako sa magkabilang balikat at  inikot ikot.

"Umuulan tumakbo ako, nagkaputik likod ko" hindi interesadong sagot ko.

Binuksan nya ang locker nya at kinuha ang gym clothes nya.

Hinila nya ako sa labas ng girl's restroom at iniabot ang damit nya.

"Magpalit ka nito"  tinulak nya ako papasok sa cr.

Pagkalabas ko ay nandoon sya sa tapat ng pinto,nakaupo. Buong pasensyang nag-aantay. Nang makita nya ako ay tumayo sya at kinuha ang basang damit ko.

"Ya! Anong gagawin mo?" sinundan ko sya hanggang sa covered ground kung nasaan ang mga lababo at sabong panlaba.

"Tingnan mo ito, kababaing tao ang dumi dumi gumamit" ika nya habang kinukusot nga ang gym clothes ko.

"Kasalanan ko bang umulan hah?"  tanong ko habang nag mamaktol sa gilid.

"Sunbae!" narinig kong sigaw ng isa sa mga junior namin at ang tunog ng pag-click ng camera.

Paglingon ko ay nakita ko ang ka co-member namin sa dance club.

"Ya Kang Chanhee!" sigaw ko at narinig ko nanaman ang pag click ng camera.

"Kang Chanhee ikaw" sigaw ni Sanha. Akala ko galit sya, akala ko naiinis sya.

"Isa pa yung maayos naman itsura namin. " biglang ngiti. Aba ang loko humirit pa. Dapat ba talagang Senior ang lalaking ito sa isang junior na katulad ni Chanhee.

Nakingiti na lang ako at tsaka ko ulit narinig ang tunog ng camera.

Napabuntong-hininga ako nang bumalik sa akin ang mga nakaraan. Nag tataka naman ako dahil pilit na ibinabalik ang mga nangyari noong mga nagdaang taon.

"Anyway, tapusin na natin ito at simulan na yung mga gamit mo." sabi nya at nag-ayos na kami nang mabilis para matapos na rin ang buong bahay.

Halos thirty minutes lang ay natapos na namin ang kwarto nya kaya nagsimula na kaming mag-ayos ng mga gamit ko. Actually yung sinabi kong mga gamit ko ay pati yung mga gamit ko na nakalabas. Yung mga notebooks, libro, sapatos, yung accessories at as in lahat lahat.

Si Sanha-oppa ang nag-ayos nung iba ako naman dun sa mga damit ko. Alam nyo na ang mga babae karamihan sa kanila ayaw na ayaw nakikita ng lalaki ang mga underwears at underpants nila.  At isa ako sa mga iyon.

Should Have Done It BeforeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon