Dahan-dahan kong nilock ang pinto ng unit ko. Kakatapos ko lang maglipat ng mga gamit. Nandito si Tzuyu-Unnie, Hwanhee-Oppa at Mark-Oppa, tinutulungan nila akong mag ayos ng gamit ko.
Parehas lang naman ang itsura ng unit namin ni Sanha-Oppa. Sabagay magkatabi lang naman kasi, Sya nga pala hindi ko pa nasasabi sa kanya na umalis ako.
Hanggang kahapon kasi ay hindi nya ako pinapansin. Baka may nangyari sa practice nila kaya ganun. Naiintindihan ko naman pero kasi nag-aalala pa rin ako para sa kanya.
Pader lang din ang pagitan ng kwarto namin, magkatapat nanaman. Ang kaibahan lang wala na yung bintanang kakatukin nya.
Hapon na nang mapagpasyahan naming mag grocery ulit, bakit? Yung mga pinamili ko kahapon iniwan ko kay Sanha-oppa alam ko namang masyadong syang busy para bumili ng kahit na ano para sa sarili nya.
"Ano may plano ka bang sabihin sa kanya ngayon?" tanong ni Tzuyu-Unnie habang tulak tulak ang push cart.
"Hmn. Meron? Wala?" sagot ko sa totoo lang, hindi ko din alam. Hindi nya nga kasi ako pinapansin eh, ni walang text o tawag.
"Loka loka," sambit nya at natawa naman ako.
~~~~~~
Dumiretso akong uwi ng matapos mamili,hindi ko na pinasama sila unnie dahil na rin gabi na at may practice pa sila. Ako nga-nga lahat sila may pinag-kaka abalahan ngayong bakasyon ako sa sarili ko lang bahay nakatunganga. Haha.. :D masaya nga ba ako?
[>] Goodbye Summer by F(x) feat D.O
"M-maila?"
"Sanha-Oppa" sagot ko. Alam kong sya yun Ringtone pa lang.
"Nasaan ka?" nag-aalalang tanong nya.
"Sa malayo" mahinang sagot ko. Kapit-bahay mo lang ako bugok, gusto ko lang hanapin mo ko.
"Bakit?" tanong nya.
"Basta It just happened that way, na kailangan kong lumayo para sa ikabubuti mo" walang-gana kong sagot.
Nakaupo ako sa kama ko, nakasandal sa pader na pumapagitan sa kama naming dalawa.
"Tingin mo ba, masaya ako?" nanginginig na yung boses nya.
"Ewan"
"Hindi ka man lang nag-paalam saakin,hindi ka man lang nag-sabi." tahimik nyang sambit.
"Wag ka nang mag-alala saakin, kinuha ko na din yung Deposit mo, nilagay ko sa bank account mo. Okay lang ako." nakarinig ako ng mga katok sa pader na sinasandalan ko.
Morse Code..
M....
A....
M....
I....
M....
I....
S...
S...
K...
I...
T...
A...
Ang mga letrang narinig ko.
Bigla na lamang bumagsak ang mga luha ko.
We're friends I mean Childhood Best Friends.
Hanggang doon na lang kami.
Never nya akong nakita as one of the girls.
BINABASA MO ANG
Should Have Done It Before
FanficNaaalala mo pa ba ako? . . Haha. . . Ikaw naaalala ko pa. . . Ikaw yung taong nasa tabi ko noong oras na nasaktan ako. . . Ikaw yung nag-hugas ng mga sugat ko. . . Ikaw yung nag-alaga saakin noong umalis sya. . . Ikaw yung lagi kong kasama umul...