Alas-onse na ng umaga ng magising ako.
"Aish." napahawak ako sa ulo ko, na-over slept siguro ako kaya masakit ito ngayon. Umiling lang ako at dumiretso sa banyo, nagayos ng sarili.
Bago ako pumunta ng kusina para maghanda ng kakainin ay sandaling kumatok muna ako sa pinto ni Sanha-oppa.
Tok~ Tok~Tok~
"Andyan ka pa?" tanong ko, ngunit wala ni isang sagot akong narinig.
Nagkibit balikat na lamang ako malamang ay nakaalis na iyon. Alas-dyis ang training nila kaya malamang sa malamang wala na sya.
Naglakad na ako patungong kusina upang maghanap ng kakainin. Di pa rin ako nakaka-bili ng pagkain pero sana may 라면 (Ramyeon) man lang dito.
Habang naglilibot ako sa loob ng kusina ay nakahatak-pansin sa akin ang isang bagay na kulay berde. Lunchbox ito at mukhang may laman. Nang lapitan ko ito ay may isang pink na papel ang nakadikit dito.
Maila,
Eat this, I woke up early to buy some breakfast. Anyway I'm sorry I left without telling you. I am kinda late for my practice.
-Sanha-OPPA
Natawa ako ng mapansin kong naka-capital ang salitang OPPA. Ilang beses ko ba syang tinawag kahapon ng pangalan nya lang.
Binuksan ko ang lalagyan at bumungad saakin ang nakangiting design ng pagkain. Pancake ito at ang cream ang ginawang pandesign dito.
긔엽다 (Cute).
Nagsimula na akong kumain. Napansin ko sa sarili kong napapangiti ako habang iniisip ko na iniwanan nya ako ng pagkain,may note pa syang iniwan. Ahehe..
Baliw na talaga siguro ako.....
Pagkatapos kumain ay naligo ako at nagbihis ng pang-alis. Bibili ako ng ibang gamit ngayon. Tutal bakasyon na naman at wala na kaming pasok.
Sumakay ako ng elevator at pinindot ang 'G' means ground floor. Nakatayo lang ako habang inaantay makarating ito sa pinaka-babang floor ngunit huminto ito sa 4th floor at sumakay ang isang matandang babae.
Mayaman ang dating nya at umaalingasaw ang pabango nya pagpasok na pagpasok nya palang sa maliit na lugar na ito. Tiningnan nya ako mula ulo hanggang paa kaya nang magtama ang mata namin ay nag-bow ako sa kanya. Ngumiti naman sya at medyo umirap.
"Nasaan ang boyfriend mo?" tanong nya sa medyo nakakainis na tono.
"Ahh..hin-" naputol ako ng magsalita sya ulit.
"Ang mga bata ngayon ang aga-aga may mga ka live-in na umaasa naman sa magulang. Buti sana kung makakapagttabaho na sila agad. Malalandi na ang mga henerasyon ngayon tsk." nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya.
"Hindi ko po sya boyfriend at hindi ko rin po sya ka-live in. Kina-kapatid ko po sya" naiinis kong sambit. Pag-bintangan ba naman kami. Sus.
"Ahh ganun ba, then do me a favor" tumingin sya saakin habang nakataas ang isang kilay.
"Ilan taon ka na?" dagdag nya.
"15 years old po" (Korea Age:2014) sagot ko.
"Let's talk later" sabi nya dahil huminto na ang elevator sa ground floor.
Napakibit-balikat ako at nagsimula nang mag-lakad sa sakayan ng taxi.
~~~"Chei!"narinig kong pagtawag ng familiar na boses mula sa likuran ko.
"Akala ko may practice ka ngayon, Donghyuk" ani ko nang maramdaman kong nasa likod ko na sya.
"Well, I skipped it para lang sundan ka dito" tinaas baba nya ang kilay nya kaya napailing na lamang ako.
BINABASA MO ANG
Should Have Done It Before
FanfictionNaaalala mo pa ba ako? . . Haha. . . Ikaw naaalala ko pa. . . Ikaw yung taong nasa tabi ko noong oras na nasaktan ako. . . Ikaw yung nag-hugas ng mga sugat ko. . . Ikaw yung nag-alaga saakin noong umalis sya. . . Ikaw yung lagi kong kasama umul...