Naalimpungatan ako ng may maramdaman akong mga mararahang dampi sa mukha ko. Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko at natagpuan ang sarili ko sa hita ni Sanha-Oppa. Natutulog sya ng naka-upo habang ako ay naka-ulo sa unan na nasa hita sya. Ang mga kamay nya ay nakaharang sa sikat ng araw na tumatama saaking mukha.
Sa tabi nya ay isang libro, 'Anna Karenina', nanlaki ang mata ko nang ma-realize ko lahat ng gustong ipahiwatig ni Sanha-oppa saakin.
Nakatulala ako ng mapansin kong gumalaw na sya at ibig sabihin ay gising na sya. Idinilat nya ang mga mata nya at tumingin saakin.
"Kanina ka pa gising?" tanong nya at humikab. Tumango lang ako at nangunot ang noo.
"Anong iniisip mo?" nakakunot noong tiningnan ko sya. Kaya napataas kilay sya.
"Naiintindihan ko na" Ngumiti sya at iniiwas ang tingin saakin.
"Do you want to watch a movie?" tanong nya, tumango lang ako at nagsimula nang ayusin ang pinag-pahingahan namin.
~~~~~~~~~~
"Thank you Oppa, Happy Birthday, I had so much fun today" In-exaggerate kong sambit.
"Thank you, Go inside, Malamig na" he ruffled my hair, at inantay nya muna akong makapasok sa bahay. I bid my last farewell before I shut the door.
Pagkapasok ko ay nandun silang lahat sa dining area. Tahimik na kumakain, wala ni isa ang nag-sasalita.
"Oh? Bakit antahimik nyo?" tanong ko at napatingin silang lahat saakin. Kumuha ako ng isang can ng Gatas sa Ref at umupo katabi ni Joshua-Oppa. Tiningnan ko silang lahat at wala talaga ni isa sa kanila ang gustong mag-salita.
"AHH.. Kasi..." tumigil si Appa, mukhang nag-dadalawang isip sya.
"Maila" Tawag naman ni Cory-Oppa.
"Kasi.." Hindi na tinuloy ni Joshua-Oppa.
Tumingin ako sa kanilang tatlo, pati kay Eomma, ano bang problema ng mga to?
Hindi ko na lang pinansin iyon dahil baka natatakot silang magtanong, kaya ko na lang.
"Eomma, Alam mo ba yung kwento ng Anna Karenina?" tanong ko at tumingin sa kanya.
"Hindi anak, bakit?"
"Si Anna Karenina, isang babaeng iniwan ang kanyang asawa't pamilya at sumama sa kabit nya" sabi ko nang hindi tumitingin sa kanya.
"Sa Una akala mo masamang babae sya, pero maiintindihan mo sya habang binabasa mo yung libro. Hindi ko alam pero..." naputol ang sasabihin ko ng mag-salita si Eomma.
"Anong ibig mong sabihin?" nanginginig ang boses nyang tanong.
"Sa bahay na to, ako lang ang hindi nakakaalam ng totoo, Eomma. Ano bang nangyare sayo nung Sampung taon kang nawala? Bakit ka pa bumalik dito? AT NASAAN NAKALIBING ANG ATE KO?" nanlaki ag mga mata nya.
Nung araw na bago umalis si Sunbae ay ipinakita nya saakin ang picture nung First Love nya, yung babaeng nililigawan nya, na hanggang ngayon hindi nya makalimutan dahil sa incsidenteng ginawa ni Yujin, nag-pakamatay ang babaeng iyon.
Sa unang pagkakakita ko palang sa kanya ay napansin ko nang may pagkakahawig kami, mula sa mata, sa ilong at sa kilay. Ngunit ang mas lalong naghatak-pansin saakin ay ang nakasulat sa likod ng litrato.
Isang mensahe galing sa kanyang ina. Na ang pangalan ay Kim Minji. Kapangalan ng nanay ko, noong una ay medyo panatag pa ang loob ko ngunit kalaunan ay bumalot saakin ang galit at kataksilan ng nanay ko. At nag simula na akong mag-duda.
BINABASA MO ANG
Should Have Done It Before
FanficNaaalala mo pa ba ako? . . Haha. . . Ikaw naaalala ko pa. . . Ikaw yung taong nasa tabi ko noong oras na nasaktan ako. . . Ikaw yung nag-hugas ng mga sugat ko. . . Ikaw yung nag-alaga saakin noong umalis sya. . . Ikaw yung lagi kong kasama umul...