Kabanata 1

1.8K 116 4
                                    

Barkada Trip


(Syra's POV)

Kinabukasan


Gumising ako ng 5am para makapag-ayos ng sarili.

Naligo na ako at nagbihis.

Kumain na rin ako.

Magkikita kita kami doon sa main street.

Pumunta na agad ako roon kahit na 10 minutes pa before 6am.

Ka-excite. Minsan lang kasi ako payagan ni Tita.


(Kyla's POV)


Nandito na kaming lahat sa sasakyan.

Ilang oras rin kasi ang byahe papuntang Cavite since traffic daw.

Nagising kami nang biglang ang lakas ng preno.

Hindi ko namalayang nakatulog pala ako.

"Kuya, anong nangyari?" tanong ni JC.


"May muntik na akong masagasaan na matanda" sabi ni Kuya Jack.


Si kuya Jack ay driver nila JC.

Lumabas kaming lahat at ako naman ay dumiretso sa likod ng sasakyan.

"Ay palakang tumitilaok na lumilipad" sabi ko. "Manang, kayo naman nananakot" 

Bigla kasing sumulpot yung isang matanda.

"Iha" sabi nung matanda.


"Bakit ho? Natatae ho ba kayo? Samahan ko ho kayo" pabirong sabi ko.


"Kahit na anong mangyari, huwag na huwag kayong papasok sa kung saan saan. Hindi niyo alam kung ano ang mangyayari. Ingatan mo ang mga kaibigan mo iha" pananakot nung matanda.


"Lola, 'wag ka namang manakot. Maga-outing lang kami lola. Isang linggo lang lola, wala naman pong mangyayari sa amin. Kinakabahan po ako sa sinasabi niyo" takot na takot na sabi ko.


"Basta, ingatan mo ang mga kaibigan mo. H'wag mong sasabihin ang mga sinabi ko sa'yo" sabi niya.


Tumalikod ako para isipin yung mga sinabi niya.

"Teka lola ano--" pinutol ko yung sasabihin ko kasi pagka-lingon ko wala na siya.


"Kyla! Anong lola?" tanong ni Mikee.


"Ah! May nakita kasi akong lola e" sabi ko.


"Ano sabi?" singit ni James.


"Ah, sabi niya. Natatae na daw siya" pagkukunwari ko. "Tinuro ko naman kung saan yung way" patuloy ko pa.


"Akala ko pa naman kung ano na 'yun" sabi ni Eunice.


"Tara na!" paga-aya ni Kuya Jack.


Tumakbo naman sila Eunice papunta sa loob.

"Una na kayo, susunod nalang kami ni Syra" sabi ko.


"Sige" sigaw ni Marie.


"Bakit?" tanong ni Syra.


"Kasi, hindi naman talaga 'yun yung sinabi nung lola e" sabi ko.


"E ano?"


"Ano daw kasi e?"


"Ano?"

---------------------------------------------

Sasabihin kaya ni Kyla?

Diba ang bilin nung lola e, walang makakaalam kahit sino?

Salamat po. Godbless.


-sprkaye

The Massacres (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon