Kabanata 5

1.3K 98 6
                                    

Killer

(James' POV)

Bababa muna ako, naiwan ko yung isang bag ko doon sa sofa.

"Nobody can drag me down! Nobody, nobody!" kanta ko.

Nagagaya na ako kay Mikee.

"Hahahaha! Mamamatay kayong lahat! Magsisimula na ang patayan!" rinig kong sabi ng isang pamilyar na boses.

"Ano pong sinasabi niyo?" tanong ko.

Lumingon siya sa akin.

Nakita kong may hawak siyang ulo.

Oo, ulo ng isang tao.

"Isusunod ko na kayo, kayong magka-kaibigan. Hindi na kayo makaka-alis pang muli sa lugar na ito" sabi niya.

Umakyat na agad ako sa itaas.

Hinayaan ko na yung bag ko doon sa sofa.

Sobra ang takot ko.

Punong-puno yung mga kamay niya ng dugo.

Kanino naman kayang ulo iyon?

Sinusubukan kong buksan ang kwarto namin nila Kuya Jack at JC, pero naka-lock ito.

Naririnig ko ang mga yabag ng paa galing sa kanya.

Hindi matanggal ang kaba sa aking mga dibdib.

"JC, Kuya Jack. Open the door" sigaw ko.

"Sabi ko sa inyo. Hindi na kayo makakatakas. Hawak na namin ang buhay niyo!"

"JC! KUYA JACK! BUKSAN NIYO YUNG PINTO"

Agad kong naramdaman ang pagkabukas ng pinto.

Dali-dali akong pumasok ng kwarto.

Huh? Tulog na sila JC at Kuya Jack pero may nagbukas ng pinto.

Natulog na ako sa ibaba ng kama.

Double-deck kasi ito e.

Magkatabi sina JC at Kuya Jack. Samantalang ako solo ko lang.

GRABE! ANG SAMA SAMA NIYA.

BUKAS NA BUKAS, AALIS NA RIN KAMI DITO SA BAHAY NA ITO.

(Kyla's POV)

Pagkagising ko, nakita ko si Kuya Jack na inaayos yung kotse.

"Kuya Jack, okay na po ba?" tanong ko.

"Nawalan nang gasolina. Pero kagabi ang dami dami nitong gasolina. Nasiraan lang tayo ng makina. Nakakapagtaka"

"Nako Kuya Jack, malayo pa naman ang gasolinahan dito at kaunti lang dumadaan na sasakyan. Liblib kasi ang nadaanan natin Kuya Jack"

Kinakabahan ako.

Baka ito na nga talaga ang pinapahiwatig nung matanda saka ni Mang Roy.

(James' POV)

Pagkagising ko, wala na sila Kuya Jack at JC.

Narinig kong may nagbukas ng pintuan.

Nakita ko nanaman siyang may hawak ng kutsilyo.

Naramdaman kong tinusok niya iyon sa aking leeg.

"Napakasama mo talaga. Hayaan mo na kaming umalis dito"

"Hahahaha! Hindi na kayo makakaalis dito"

Naramdaman kong palalim nang palalim ang pagkakatusok ng kutsilyo sa leeg ko.

"ARAY! NAPAKASAMA MO TALAGA. DEMONYO KA!" sigaw ko.

"James, gising na!" rinig kong boses ni Marie.

"Papatayin pa kita tandaan mo" sabi niya.

Umalis na siya dahill alam niyang papasok si Marie sa kwarto.

"ETO NA!" sigaw ko.




---------------------------------

Mapapatay ba talaga si James?

Sino naman kaya yung mga namamatay tao?

Abangan sa next next chapter :)

 
VOMMENT (Vote at Comment) kayo guys. Libre lang po XD




Sana magustuhan niyo itong part na ito kahit na nakakabitin XD

Curious ba kayo kung sino yung kausap ni James?

Siyempre kailangan may pa-suspense si Author XD

8 votes and more ulit para magupdate ako (:

Salamat po :D Godbless.




-nylxkaye

The Massacres (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon