Kabanata 14

897 37 9
                                    

HI GUYS. LAST CHAP NA PO ITO AND THEN EPILOGUE NA :(( 

Pero may new story po ako. Abangan niyo iyan. Dapat last week ko pa ito ipopost kaso di ko pa sya tapos kaya ang pangako ko ay next weekend nalang. So ito na po :)

Hope you enjoy this chapter. Click vote :) (Hindi man mahaba pero makabuluhan po ang chapter na ito). Sinong makakamiss sa SQUAD nila?

------------------------------------------

This is not the end

(Kyla's POV)

"Parating na ang mga pulis" ang huling salita ni Jun bago siya malagutan ng hininga.

Humagulgol na kami sa iyak dahil unti-unti ng nauubos ang mga kaibigan namin. Tanging kaming tatlo nalang nina Syra at Marie ang nasa loob. Lahat sila ay nakatihaya na sa sahig.

Ngunit napansin kong wala si Jeff. Agad lumibot ang mga mata ko upang hanapin siya, pero wala talaga siya dito sa kwarto.

Ito na kaya ang katapusan namin?

"Mga pulis ito! Sumuko ka na! Wala ka nang kawala!" Nanlaki ang mga mata ni Marie at agad nataranta.

"Take this" kinuha niya ang baril sa mga kamay ni Jc na nakahiga at naliligo sa sarili niyang dugo at agad binigay sa amin. "Patayin n'yo na ako, kaysa naman mahuli ako ng mga pulis" Hindi namin ginawa iyon. Naghintay na lang kami na makapasok dito ang mga pulis.

"PATAYIN N'YO NA KO!" hindi namin maintindihan kung bakit siya nagkakaganyan. Mas gugustuhin n'yang mamatay kaysa makulong pero nananatiling buhay sya.

"MARIE! ANO BA!? WALANG MANGYAYARI KUNG PAPATAYIN KA NAMIN!" Ani Syra.

"Wala!? Mas gugustuhin ko pang mamatay kaysa makulong ako" ang gulo! Naguguluhan ako! Hindi ko malaman kung bakit siya nagkakaganyan.

Tinutok niya sa sarili niya ang baril sa kanyang ulo. Patawa-tawa pa ito at kinasa na niya ang baril.

"MARIE! WAG MONG GAWIN YAN! HINDI PORKET MARAMI KA NG NAPATAY NA MGA KAIBIGAN NATIN AY HAHAYAAN KA NA NAMING MAMATAY!"

"HAYOP KA PALA E! TINURING NIYO PALA KONG KAIBIGAN? BAKIT HINDI KO RAMDAM? EVERYTIME NA MAGKAKASAMA TAYO NG TROPA LAGI AKONG OUT OF PLACE. SALI NIYO NAMAN AKO SA GC NIYO NA ANG PANAGALAN AY 'NO TO MARIE' AT LAGI NIYONG TOPIC AY AKO AT SINASAMA NIYO PA ANG PAMILYA KO SA PANINIRA SA AKIN. KAIBIGAN PA BA ANG TURING NIYO SA AKIN NUN?"

"M-Marie" how did she know about that?

"PAANO KO NALAMAN? ANG TANGA MO PALA KYLA E. NAKITEXT AKO SAYO NUNG BEFORE MAG-PERIODICAL EXAM RIGHT? NAHALATA KONG MAY BINUBURA KA BAGO MO IBIGAY SAKIN ANG PHONE MO. SUDDENLY MAY NAGPOP NA HEAD FROM MESSENGER! NAGCHAT SI MIKEE SINISIRAAN NIYO KO GUYS! KAIBIGAN BA ANG TURING NIYO DON?"

"M-Marie. I'm so sorry!"

"Pinili kong sumama sa inyo dito at sinadya kong sirain ang sasakyan para mapadpad dito sa bahay na ito. Nakisapi ako kila Anna para paghigantihan ko kayo. Now, you two know the reasons" natuliro ako sa mga sinabi nya. "At saka diba Kyla, mama mo ang dahilan kung bakit namatay si Daddy?"

"HA?" ANONG SI MAMA? WALANG GINAGAWANG MASAMA ANG NANAY KO!

"HAHAHAHA. Hindi mo pala alam. My god, Kyla. It's been 14 years nang mawala ang daddy ko pero di mo pa rin alam ang issue about that? Hindi mo ba alam na may relasyon sina Daddy at nang walang hiya mong nanay? Then suddenly your mom realized na mali ang ginagawa nila. Iniwan niya ang daddy ko nang walang pasabi. Hindi ito nagparamdam. I was 2 years old that time so wala akong alam about diyan. My mom told me everything kaya gusto kong maghiganti sa inyo lalo na sayo Kyla. Paano namatay si Dad? He committed suicide because he can't handle everything. He's depressed lalo na't may anak siyang 2 years old at higit sa lahat my mom tried to commit suicide. Ayaw niyang mawala ang mama mo at ayaw rin niyang mawala ang mama ko. So siya nalang ang nawala sa mundong ito" Unti-unting natulo ang kanyang luha.

Ganun pala kabigat yung problema niya. My mom didn't tell me about this. Alam din kaya ni daddy ito?

"Sumuko ka na. Mga pulis ito"

"Please. Patayin niyo na ako" Hindi ko magawang pumatay kahit na ang laki na ng kasalanan niya sa akin.

*BLAG*

Nabuksan na ng mga pulis ang pinto at nakita na nila kami kung saan kami dinala ng mga killers.

Napaatras sila ng kaunti ng makita nila ang mga nakahandusay na biktima. Agad silang pumasok at pinalibutan ng baril si Marie.

"UNDER 18 KA KAYA HINDI KA PWEDENG IKULONG. HUWAG KA NG MANLABAN KUNDI MAPAPATAY KA LANG NAMIN"

"Hindi naman ako manlalaban pero hindi rin ako susuko pero kaya ko kayong labanan" Agad niyang kinuha ang baril sa sahig at tinutok sa isang mga pulis.

Binaril na ang isa sa mga pulis pero naka-bullet proof ang mga ito at sinimulan siyang barilin ng napakarami ng pulis dulot ng panlalaban niya.

Unti-unti nang tumulo ang mga luha ko at agad nilapitan ang duguang si Marie.

"MARIE! Sabi na naman kasi sayo na wag kang manlaban e" Alam kong naririnig niya pa ako.

"I'm sorry" agad na siyang nalagutan ng hininga dahil sa dami ng baril na natamo niya.

Hinila na kami ng mga rescue team at nilagay sa stretcher.

Sa dinami-dami naming pumunta dito, dalawa na lang kaming natira. Nakakalungkot mang isipin na naubos na ang mga kaibigan ko pero kailangan nang tanggapin dahil may nagawa rin naman kaming kasalanan sa kay Marie kaya niya nagawa iyon.

Agad kaming dinala ni Syra sa hospital at ginamot ang mga natamo naming sugat.

Matatapos na ang sembreak at nailibing na ang mga kaklase namin.

Pero hindi pa rin ako maka-move on sa mga sinapit namin. Hanggang ngayon na-trauma ako mag out-of-town. Hindi ako makapaniwala na wala na sila. 

Ang mga tinuring kong kapatid. Lalo na si Marie. Si Kuya Jack na isang driver lang pero siya pa ang unang namatay sa amin. 

Kung sino pa ang nagtatrabaho ng marangal para sa pamilya niya ay siya pa yung nawalan ng buhay ng walang kinalaman sa amin. 



Hindi lang ako makapaniwala na ang out-of-town namin ay nauwi sa lost-our-lives.

Hindi pa rin naghihilom ang mga sugat ko lalo na yung saksak sa binti ko. Si Syra ay mabilis naka-recover at palabas na siya ng hospital ngayon.

Apat na araw na lang at pasukan na.

Miss na miss ko na ang mga kaibigan ko. At lalong mamimiss ko ang kulitan namin. 

--------------------------------------------

Thank you sa 1.8K at 700 na nagvote nito :) Sana'y patuloy niyo pa rin akong suportahan kahit saang story ko man. 

EPILOGUE WILL BE POST SOON :)



-sprkaye

The Massacres (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon