Kabanata 10

1K 85 6
                                    

TAKE TIME TO READ THE AUTHOR'S NOTE.

Guys, mga hanggang chapter 15 or 20 nalang po ito. Salamat po kasi pang #447 in horror po tayo! Thank you po sa lahat ng nagbabasa. And kay Eunice pa rin po ang POV dito sa chapter na ito. Next chapter na po ang mga POV nila Syra and Kyla. Saka pakibasa naman yung isa kong story na A Second Chance habang hinihintay niyo yung pag-update ko. Magde-dedicate ako, kukuha ako doon sa mga nagvovotes :)

---------
Mikee

(Eunice's POV)

Pinaupo ni Marie si Mikee sa isang upuan. Kinuha niya ang mga kandila at lighter sa isang drawer sa tabi nung upuan. Sinindihan niya isa-isa yung mga kandila. Pinalibot niya ito sa upuan. Wala kaming magawa kundi umiyak. E, ano pa nga ba ang magagawa namin? Hindi namin matutulungan si Mikee dahil nakatali pa rin kami.

Napansin kong tahimik si Jc.

"Tahimik ka yata?"

"Leche, manahimik ka Eunice. Nagiisip ako ng paraan para matanggal itong tali natin"

"MAMAMATAY KA NA NGAYON! HAHAHAHA!" rinig naming pagtawa ni Marie.

"HUWAG!!" sabay naming sigaw ni Jc.

*blagggg*

May narinig kaming parang bumagsak mula sa itaas. Natigilan si Marie sa kanyang ginagawa.

"PANIRA" naiiritang sabi niya. "Hindi pa ko tapos" hiniwa niya ang braso't paa ni Mikee para hindi ito makawala.

"BAKIT MO BA ITO GINAGAWA MARIE?" sigaw ni Mikee. Tumawa lang siya at lumapit sa amin.

"Kayo naman, 'wag na 'wag niyong susubukang tulungan yang si Mikee" tinusok niya ang binti namin para lalong manakit yung sinaksak niya sa amin. Hiniwa niya rin ang mga braso namin. Umalis na siya. Siguro titignan niya yung kumalabog sa itaas. JUSKO! Baka sila Syra 'yon.

"Yes!" nakita kong wala na yung mga tali niya sa kamay at paa. Inaalis niya na rin yung sa akin. Agad naman naming pinuntahan si Mikee. Pinilit naming iligtas si Mikee, hinang hina na kami dahil mas lalong namaga at nanakit yung sugat namin sa binti. Halos hindi na kami makalakad. Pero pinilit namin ni Jc. Hinang hina na rin si Mikee. Nakita naming may mga tulo ng kandila ang mga mukha niya. Yung isang mata niya ay nakapikit na. Oo, may patak ng kandila yung kaliwa niyang mata. Halos tinorture siya ni Marie.

"Iligtas niyo y-yung mga s-sarili niyo Eunice. H-hayaan n-niyo na a-ako" sabi ni Mikee. Binuhat na namin siya ni Jc.

"Saan kayo pupunta?" rinig naming sigaw. At hindi si Marie 'yon, hindi rin si Anna. Lalaki ang boses. Hindi na namin pinansin 'yon. Nagpatuloy lang kami. "WALANG AALIS" nagpaputok siya at tinamaan si Jc sa tiyan.

"Hayaan mo na po kami" nilingon ko kung sino 'yon. At si Mang Roy iyon. Hindi lang pala sila Marie at Anna ang pumapatay. Kun'di kasangkot rin si Mang Roy. Nagpaputok ulit siya ng baril at tinamaan ako sa kaliwang binti.

"Sinabi kong ng walang aalis. Ang kukulit niyo talaga. Binalaan ko na kayong umalis na sa lugar na ito"

----------------

Enjoy reading!

Happy 600 views! 😱 thank youuu! Chapter 10 pa lang 600 views na! Salamat talaga!

-nylxkaye

The Massacres (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon