Kabanata 9

1K 88 3
                                    

LATE UPDATE! SORRY! :( Sa ngayon po POV po muna ni Eunice ang nandito sa chapter na ito.

----------------------

Hide and Seek (part 2)

(Eunice's POV)

Kasama ko ngayon si Mikee at JC na nagtatago sa ilalim ng kama sa isang kwarto. Ni-lock namin iyon bago kami magtago. Biglang nawala sa paningin ko si Marie. Hindi naman ako ganoong kabilisang tumakbo pero biglang nawala sa paningin ko si Marie. Ewan ko ba kung saan ba 'yon nagtago.

"JC, Mikee, nakita niyo ba si Marie?" naga-alalang tanong ko.

"Huh? Diba kasunod lang nating pumanik dito 'yon?" -Mikee.

"Oo nga, pero nawala na sa paningin ko"

"Baka naman kasama nila Syra o baka kasama si Kuya Jack" -JC.

"Baka nga"

Naramdaman naming may nagbubukas ng pinto kung saan kami nagtatago.

"JC, ano nang gagawin natin?" -Mikee.

Lumabas sa Jc sa ilalim ng kama.

"Hoy anong gagawin mo?" -Ako.

"Maghahanap ng tataguan. Diyan lang kayo"

Maya maya lang ay dumating na si Jc.

"Sa cr. May bintana doon"

"Tara na Mikee"

Pumunta na kami sa cr. At tinry kong buksan yung bintana. Naka-ilang attempt ako pero hindi pa rin nabubuksan. Mukhang pinagplanuhan talaga nila Anna na patayin kami. Narinig naming nabuksan na yung pintuan.

"Mikee yung pinto isarado mo" sigaw ko. Agad niya namang sinarado yung pinto dito sa cr.

"Leche 'tong bintana na 'to. Ayaw bumukas"

"Ako na nga diyan Eunice" sigaw ni Jc.

"Ayaw ngang bumukas"

"Try mo kayang basagin" pagsa-suggest ni Mikee.

Kinuha ko yung flower vase na nakapatong sa itaas ng bowl.

"JC DALIAN MO! MABUBUKSAN NA NIYA YUNG PINTO" sigaw ni Mikee.

Nataranta agad ako. Tinulungan ko na si Jc.

AT SA HINDI INAASAHAN. BUMUKAS NA NGA ANG PINTO. TUMAMBAD AGAD SA AMIN ANG DUGUANG KATAWAN NI MARIE.

"I'm sorry guys pero kailangan ko kayong patayin" -Marie.

Agad kaming sinaksak ni Marie sa aming mga binti at tinalian ng makapal na tela ang mga kamay at paa namin.

"MARIE! NABABALIW KA NA BA? SARILI MONG KAIBIGAN PAPATAYIN MO? MYGOSH! PARANG WALA TAYONG PINAGSAMAHAN HA" -Mikee.

"MARIE! Wake up! Bestfriends mo kami. Ano bang pinaggagagawa mo?"

"Sorry pero kailangan e" Inihagis niya kami sa isang bodega. Tumambad sa amin ang nakakasulasok na amoy. Nakita ko ang duguang katawan ni Kuya Jack.

"Demonyo yang si Marie" sigaw ni Kuya Jack. Halatang gusto niya pang magsalita at ngunit hindi niya na kayang iinda ang sakit sa buong katawan niya.

"Si-silang dalawa ang pumatay kay James. Pinagplanuhan nilang patayin si James" sigaw ulit ni Kuya Jack.

"HAHAHAHA! Magaling kang driver ka. Mukhang may alam ka sa amin talaga. Mas mabuting pang patayin na kita kaysa naman may masabi  ka pang iba diyan sa mga kaibigan ko" kumuha ng kutsilyo si Marie. Gustuhin man naming tulungan si Kuya Jack pero hindi namin nagawa dahil sa iniinda rin naming sakit sa binti at nakatali pa ang aming mga kamay at paa.

Tuluyan nang pinatay ni Marie si Kuya Jack. Halatang walang awa. Pinatay niya ito sa pamamagitan ng pagsaksak sa puso nang sunod sunod. Maluha luha kong pinanunuod ang marahas na pagpatay ni Marie kay Kuya J.

"Sino next?" tanong ni Marie.

"Maawa ka sa amin Marie please" pagmamakaawa ni Mikee. Pero halata sa mukha ni Marie na hindi siya naaawa.

"So, ikaw pa lang ang isusunod ko my dear Mikee"

"Huwag mong saktan si Mikee" sigaw ni Jc.

"Oh. Alam mo bang matagal na kitang gusto Jc?" sabay hiltak sa kwelyo nito. "Nagseselos ako sa inyo ni Mikee. Kaya siguro uunahin ko na lang si Mikee para mapasa-akin ka na" sabay tawa niya nang napaka-lakas.

Hinila na ni Marie si Mikee sa isang sulok na may naka-ready nang upuan. Hindi ko alam kung ano ang tumakbo sa isip niya at naisipan niyang patayin ang mga sarili niyang kaibigan.

----
(: happy 558 views :* thank youuu!


-nylxkaye

The Massacres (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon