Kabanata 11

1K 81 2
                                    

900 views na tayo. Yayyyy! Syra's and Mikee's POV po ang buong chapter na ito.

----------
6 killers!?

(Syra's POV)

Nandito kami ngayon ni Kyla sa kisame. Nalaglag pa nga yata yung takip nung butas na pinasukan namin. Buti nalang may tarpaulin sa may gilid kaya natakpan agad namin. May mga lumang cabinet rin dito attic at may mga box. Kaya naman tinakpan namin agad iyon.

"Inaantok na 'ko" daing ni Kyla.

"Sige matulog ka muna"

***
Naramdaman kong may nagbubukas na ng pinto papasok dito sa ceiling. Hindi ko rin naman namalayan na nakatulog na ako. Agad kong ginising si Kyla.

"Kyla, gising. Dali!" bumangon naman agad siya pero halata sa mukha niya ang pagka-irita dahil na nga sa kulang ang tulog niya.

"Kung sino man ang tao diyan ay lumabas na. Kung hindi papatayin ko ang mga kaibiga mo" pamilyar ang nanggagaling na boses sa labas ng pinto. Parang isa sa mga kaibigan lang din namin.

"Sino yan?" Malakas na loob kong tinanong.

"Oh my dear Syra. Sino kasama mo diyan? Papasukin mo na ko"

*blag*

Tuluyan na niyang nabuksan. Tumambad sa akin ang duguang katawan ni Marie. May dala itong kandila at lightner. Hindi ko alam kung saan niya ito ginamit.

(Mikee's POV)

Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin ngayon. Ang alam ako ang buong katawan ko ay namamanhid. Wala akong maramdaman na sakit sa buong katawan ko pero hindi ako makagalaw. Nakita ko si Eunice na nakahilata na sa sahig dulot ng pagpapaputok ni Mang Roy ng baril sa kanyang binti. Agad lumapit sa akin si Jc. Hiyang hiya man ako sa kanya dahil sa itsura ko, e wala na kong magagawa.

"Mikee, okay ka lang?" Hindi pa man ako nakakasagot ay lumapat na sa ang kanyang labi sa aking labi. Manhid man ang buong katawan ko, ramdam na ramdam ko ang init sa aming mga katawan. Sinabayan ko ang bawat halik niya. "Mikee h'wag kang bibitiw. Magpapakasal pa tayo" natawa ako nang kaunti at lumapat uli ang aming mga labi. Tumigil lang kami nang may maramdaman kaming nagbukas ng pinto. Nakita ko si Marie na kasama sina Syra at Kyla. Agad niyang inihagis ang dalawa sa harapan namin.

"Anong ginawa mo kay Eunice, Marie? Walang hiya ka talaga!" galit na galit na sabi ni Kyla.

"Oy wala akong ginagawa diyan ha. Baka naman kasi nagtangkang umalis ang tatlo at baka pinaputukan ng baril ni Mang Roy!" Sabay halakhak ng malakas. Agad naman sumeryoso ang kanyang mukha. Wala akong ibang marinig kundi ang tunog ng mga daga sa paligid. "Mikee, ang ganda mo naman. Bagay pala sa'yo may patak ng kandila. O ano Jc? Magugustuhan mo na ba ako o papatayin ko si Mikee?" Niriinan niya ang saksak sa mga binti ni Jc. Rinig ko ang mahinang ungol ni Jc.

"Kahit kailan hindi ako magkakagusto sa isang kasing-sama mo"

"Pwes! Halika nga dito Mikee" hiniltak niya ang buhok ko dahilan para matumba ako sa kinauupuan ko. Hindi ako makapag-salita dahil nga sa manhid pa rin ang buong katawan ko. Wala akong magawa kundi umungol nalang na napaka-lakas.

"Walang humpay ang kasamaan mo Marie. Diyos na ang bahala sa'yo" ngayon ko lang narinig ang malalakas at galit na galit na boses ni Syra. Karaniwan kasi kapag galit siya ay mukha namang hindi. Ngayon, halata sa mukha niya na galit na talaga siya.

"Ooops. Wag mong idamay ang Diyos dito" hiniltak niya ulit ako at napaungol nanaman ako. Alam kong walang magawa ang mga kaibigan ko para tulungan ako sa kadahilanang iniinda nila ang mga sugat nila. Si Syra't Kyla naman ay may saksak sa kanang braso at sa kaliwang binti kaya naman hirap rin siya. Wala na rin naman akong magagawa kundi ang magdasal. Magdasal na sana maligtas ang aking mga kaibigan at sana mapatawad siya ng Diyos sa kanyang kasamaan.

Binitawan ako ni Marie at agad hinila si Eunice. Hiniltak niya rin ito sa kanyang buhok. Narinig namin ang malakas na pagbukas at pagsara ng pinto. Sila Anna at may mga kasama pa siyang iba. Hindi lang si Anna at Mang Roy ang kasama niya kundi may 3 pa silang kasamahan.

"Sino na bang uunahin diyan?" matawang tawang tanong ni Anna. May hawak siyang pistol gun at kutsilyo. "Itong isa mukhang hinang hina na oh" sabay tutok sa mukha ni Eunice ng kutsilyo.

"Tirahin na ba natin yan?" Sabi ng medyo malaki ang katawan na lalaki. Sabay kasa ng kanyang baril.

"Wag muna Jeff. Siyempre papahirapan pa natin sila. Kung papatayin agad, walng thrill diba?" sarkastikong pananalita ni Marie. "By the way kung hindi niyo pa kilala itong tatlong kasamahan namin, ito si Jeff..." sabay turo gamit ang kutsilyo doon sa medyo malaki ang katawan na lalaki. "Ito naman si Lola Trining" aba'y nanggamit pa ng lola. Tinignan ko sila Syra at nanlaki ang mga mata nila ni Kyla. Teka, may alam ba sila? "Kung nagtataka kayo kung bakit may lola at mahina na siya kung papatay pa siya. Don't worry mas malakas pa yan kaysa sa inyo. Leader namin yan.. ito naman si Javier" sabay turo sa katamtaman lang ang laki at punong puno ng tattoo ang kanang braso nito.

"Simulan na ang pagtorture..." sabay hiltak sa akin ni Mang Roy.

-------
-nylxkaye

The Massacres (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon