Guys, late update nanaman. 1 month akong di nakapag-update. Hassle kasi yung schedule ko e. High school pa lang naman ako pero dami ng assignments e. Ngayon na lang ako nakabawi ulit.
1k views na tayo tapos 600 votes na. Thank you talaga guys. Sana patuloy niyo ako suportahan.
1 month kayong na-curious kung sino yung saviors HAHAHAHA. Ito na malalaman niyo na.
Sorry sa typo errors, phone lang po ang gamit ko.
-----------Saviors
(Narrator's POV)
"B-bakit mo ito g-ginagawa?" Pautal-utal na tanong ni Syra.
"Hindi na ba pwedeng tumulong ang isang poging katulad ko?" Sabay kindat. Natawa pa ang dalawang dalagita dahil nga ganito na ang sitwasyon nila eh, nagawa pang magpatawa ng mokong. Inalis niya na ang mga tali ng dalawa. "I'm with Jun. Anytime may pupunta nang pulis dito"
"Quiet lang ha. Ililigtas namin kayo ni Jam." panimula ni Jun. (Remember their Top 3 in class and si Jake Andrew Mendoza A.K.A Jam? Ang bully sa school nila. If you don't remember those 2 saviors, read again the the first chapter.)
Nagtaka ang mukha ni Syra at Kyla kung paano nalaman nila Jam ang haunted house na ito. Wala na silang magawa kun'di itanong ito kila Jam at Jun.
"Paano niyo nalaman itong bahay na ito? Paano niyo nalaman na tinotorture kami dito? Nabiktima rin ba kayo nito? Paano naman kayo nakaligtas?" Sunud-sunod na tanong ni Kyla.
"Pwede isa-isa lang?" Natawa silang lahat kay Jam. "Nalaman namin ito dahil may nagtext sa amin. Hindi na kailangang alamin pa kung sino ang nagtext. Basta tahimik lang ah. Pupunta na tayo kila Mikee, okay?" Hindi na nagawang ipaliwanag ni Jam ang lahat-lahat dahil nga baka mahuli sila ng mga killers.
Inakay nang dalawa sina Kyla at Syra.
"Hold this" paguutos ni Jun kay Syra. Nilagay ni Syra ang gamit na binigay ni Jun sa kanya.
Binilisan nilang apat na makalabas sa kwarto at agad silang tumungo sa pwesto ni Mikee at Jc.
"Jc!" Paggising ni Jam sa kanya.
"Shhh! Wag ka ngang maingay. Mamaya marinig tayo ng mga killers" pagsuway ni Jun kay Jake. (Jake Andrew Mendoza A.K.A Jam)
Agad naman tumayo si Jc at binuhat si Mikee.
"B-bakit kayo n-nandito?" Pautal-utal na tanong ni Jc.
"No need to explain, bro" -Jam.
Paika-ikang binuhat ni Jc si Mikee at agad naman tumungo sa pwesto ni Eunice.
Napasigaw silang lahat sa nakita nila. Isang Eunice na halos 'di na makilala. Duguan ang buong katawan niya, labas ang mga bituka niya. Muntik-muntikan pang masuka sila sa kanilang nakita.
"Well, nagtatangka pa kayong umalis, classmates" pagmamataray ni Marie.
"Ikaw pala ang isa sa mamamatay tao, traydor ka!" Galit na sabi ni Jam. Akalain mong isa sa mga mandarayang si Jam ay may puso rin pala.
"Hi Jam" sabay kindat pa nito. "Hi rin sa'yo Jun"
"Taksil ka! Taksil" angal ni Jun.
"HAHAHAHA" malakas na pagtawa nito na halos mapatakip sila ng tenga dahil nga sa kulob ang kwarto.
"Ang plastik mo! Akala mo kung sinong mabait" hiniltak ni Marie si Jam sa kwelyo at agad tinutukan ng kutsilyo sa leeg. Hindi man mariin ang pagtutok nito pero ramdam nya ang sakit dahil sa matalim ang pinakadulo nito. "Walang hiya ka!!" Tumulo ang mga luha niya.
"P-pakawalan nyo si-sila" pilit na pagsasalita ni Kyla. "Ako na lang ang saktan niyo. Wag na kayong humanap ng ibang biktima. AKO NAL---"
"KAMI NALANG" pagsingit ni Syra.
"Well, well. O buti pa nga't wala ng magiging matalino sa classroom kapag namatay ka na." Agad nyang binitawan si Jam. Nagulat silang lahat ng hindi si Syra o ni si Kyla ang hinila, kundi si Mikee. "Well, ikaw muna! Diba sabi akin lang si Jc?"
"Kahit kailan hindi ako naging sayo, Marie. Bakit di mo ba matanggap na mahal ko si Mikee kaysa sa isang demonyong tulad mo?" Unti-unting natulo ang mga luha ni Marie.
"Ang nais ko lang naman ay mapa-akin ka" Napatili si Syra ng nakita niyang may tumutulong dugo mula sa leeg ni Mikee.
"J-jc. Ma-mahal din k-kita" binitawan na ni Marie si Mikee at hinayaang lumapit ang sugatang si Jc.
"WALANG HIYA KA TALAGA, MARIE! WALA KANG AWA! KUNG MABUBUHAY PA AKO, SISIGURADUHIN KONG MABUBULOK KA SA KULUNGAN"
"HAHAHAHA" isang malakas na naman na pagtawa mula kay Marie ang dinig na dinig sa apat na sulok ng kwarto.
"Mariee!" Napalingon silang lahat dahil puro saksak na ang mga katawan ni Javier. Manginig-nginig na binitawan ni Kyla ang madugong kutsilyo at agad napaluhod. Napangisi si Jc dahil nagawa pang sumigaw ni Javier kahit na puro saksak na ito.
"BAKLA KA TALAGA, JAVIER! NAGAWA KA PANG LABANAN NG ISANG BABAE. HOW POOR!" Kinuha ni Marie ang baril mula sa bulsa ni Javier at agad itinutok ang baril sa ulo nito. Nagulat silang lahat ng patayin ni Marie ang sarili nyang kakampi.
"ANG ARTE MO TALAGA, KYLA! NAKAPATAY KA NA NGA IIYAK IYAK KA PA! HINDI ITO TELEDRAMA" itunutok niya rin ang baril sa ulo ni Kyla at... "LECHE NA YAN!" pagmamaktol niya.
Wala na palang bala yung baril niya. Agad niyang kinapa ang sarili nyang baril ngunit nainis siya't pinukol ang baril sa ulo ni Kyla nang hindi niya ito mahanap.
Agad lumapit si Syra sa kanya at pinunasan ang dugong nalabas sa ilong ni Kyla. Oo, sa ilong siya natamaan ng baril.
Si Jc naman ay nanatili pa rin sa tabi ni Mikee at panay ang iyak nito.
"NASAAN NA BA YUNG BARIL NA YUN?"
"ITO BA ANG HINAHANAP MO?" Tumayo si Jc at iniwan si Mikee sa tabi at agad tinutok ang baril kay Marie. Si Jam naman ay agad nakahanap ng paraan at saka naman pinagsasaksak si Anna. Nanlaban ito kaya nabaril si Jam sa tagiliran.
Samantalang si Jun ay hinanap yung lola. Ngunit nang makita nya ito ay agad tumayo ang kanyang balahibo. Ngunit hindi sya nagpatinag sa kanyang takot at agad niyang hinampas ng baseball bat ang lola. Napahiga ito at duguan. Hindi na ito nakatayo pa kaya nakahanap na siya ng paraan at agad pinagtatadyakan ang mukha nito.
Ngunit si Jeff ay biglang nawala. Napangisi sila at agad nilang pinalibutan si Marie.
*BANG*
Bumagsak si Jc at unti-unti tumulo ang mga dugo nito mula sa kanyang ulo.
*BANG-BANG*
Inikot nila ang mga mata nito ngunit wala silang makita kung sino ang namamaril.
"Parating na ang mga pulis" bumagsak si Jun at saka humagulgol na sa iyak sina Kyla.
------
Medyo bitin. Di ko na natuloy e. Mga excited na kayo sa update ko HAHAHA. Next time na lang yung maraming update. Last 2-3 chapters na lang.-nylxkaye
BINABASA MO ANG
The Massacres (COMPLETED)
HorrorSUBUKAN MO NGANG BASAHIN SA GABI ITONG STORYA NA ITO KUNG MATAPANG KA *evil laugh* NGUNIT ALAM KO NAMANG HINDI KA MATAPANG! ISA KANG DUWAG! DUWAG! Paano kung mai-stock kayo sa loob ng hauted house na wala ni isa ang nakakaligtas? Nag-yayaan ang...