Forgive
(Syra's POV)
Pasukan na. Miss na miss ko na ang mga kaibigan ko.
Kakalabas lang ni Kyla ng hospital kahapon at inaasahan kong papasok siya ngayon.
"I miss all of you guys. Sobrang miss" Hindi ko namamalayan, tumutulo na pala yung luha ko.
Mukhang hindi ko kakayanin na wala ang mga kaibigan ko. Hindi ako sanay.
Parang lalo ko lang sila namimiss at naalala ang mga masasayang memories namin dito sa school.
"I miss them also, Sy" Ani Kyla. May benda pa siya sa kaliwang kamay. "After class, punta tayo sa mga puntod nila. I miss our friends so much"
Naiyak ako lalo dahil nanumbalik nanaman ang mga ala-ala namin noong bago mag-sembreak.
Hindi ako makapaniwala na dalawa na lang kami ni Kyla ang natira dito.
"Hi guys. Tapos na ang sembreak at kagagaling lang namin sa school. Kamusta na kayo diyan?" Para akong baliw na kinakausap ang tabi-tabi na puntod ng tropa. "Ito kami, malungkot sa lahat ng nangyari. Hindi pa rin kami makapaniwala na wala na kayo"
Napagdisesyunan kasi ng mga magulang nila na pagtabi-tabihin na lang ang mga puntod nila.
Hindi umabot ng tatlong araw ang burol dahil unti-unting natatanggal ang mga make-up nila at nakikita agad ang mga sugat nila.
Napalingon ako kay Kyla dahil tumayo siya at agad pinuntahan ang puntod ni Marie. Medyo nakahiwalay siya sa puntod ng tropa. Dahil siguro'y malaki ang galit ng mga magulang nila Mikee dahil sa sinapit ng kanilang mga anak.
Alam na kasi nila ang mga nangyari at nalaman nilang si Marie ang isa sa mga massacres.
"Marie, sorry sa lahat ah. Napatawad ka na namin at sana ay patawarin mo na rin kami. Kung nasaan ka man sana masaya ka" Rinig kong pakiki-usap ni Kyla sa puntod ni Marie. "Syra, alam mo ba kung saan daw nilibing si Kuya Jack?" Napalingon ako sa kanya at kitang-kita ko ang pamumugto ng kanyang mga mata.
"Ang alam ko lang ay sa probinsya nila siya nilibing" Na-guilty kaming dalawa ni Kyla dahil si Kuya Jack ay nagta-trabaho lang ng marangal para sa kanyang pamilya pero ito ang kanyang sinapit. Hindi maganda ang kanyang pagkamatay.
Sa aming mga magkakaibigan, siya at si Mikee ang natorture ng sobra.
"I miss them so much. Hindi ko na kaya. Miss na miss ko na sila"
Hindi ko na alam kung paano kami makaka-move on sa mga sinapit nila at sa sinapit din namin ni Kyla.
Masyado kaming na-trauma ni Kyla sa mga nangyari.
Mahaba haba rin kasi ang pinagsamahan namin ng tropa. Kung kami ay namimiss sila ng sobra, paano pa kaya ang mga pamilya nila. Masyadong nagluksa sa mga pagkamatay nila.
Namimiss ko na ang mga kulitan namin. Yung mga love team love team ng tropa.
"Sana panaginip nalang ang lahat ng ito"
***
"Tita Syra! Hello po. Nasaan po si Abigael?"
"Hi Janella. Nasa kwarto siya, naglalaro. Punta ka nalang doon"
It's been six years nang nangyari ang insidente.
May mga sari-sarili na rin kaming pamilya. Next week pupunta kami ng Korea ng pamilya ko.
May isa akong anak at si Kyla naman ay buntis sa kanyang pangalawang anak.
"Ingat kayo doon, Syra ah. Pasalubong nalang" pagbibiro ni Kyla habang hawak-hawak ang malikot na si Janella.
"Bye Abigael. Pagbalik mo nalang ulit tayo maglaro ah"
"Pagbalik ko, may bago ka ng kapatid. Wag mong aawayin ah" Natawa at medyo napaluha kami ni Kyla dahil ganyan din kami mag-inisan ng mga kaibigan namin.
Medyo naka-move on na kami sa pagkamatay nila pero may halo pa ring lungkot. Alam naman namin na lagi nila kaming ginagabayan.
"Bago kami umalis ay dadaan muna kami sa puntod nila" pagpapa-alam ko kay Kyla.
"Oh sige. Bye na. Baka mahuli pa kayo sa flight niyo" kumaway-kaway ako habang umaandar ang sasakyan namin.
"Hi guys. Paalis na kami ngayon ni Abigael at ni Nathan. Gabayan niyo kami ah. Medyo matatagalan yung pag-uwi namin pero wag kayong mag-alala, papasalubungan ko nalang kayo pag-uwi namin"
Isa-isa kong nilagyan ng bulaklak ang mga puntod nila.
Nakadalaw na pala kami nung nakaraan sa puntod ni Kuya Jack. Ngayon lang kasi namin nalaman kung saan bang probinsya nailibing si Kuya Jack.
"Mama, ngayong big girl na ako, pwede bang ikwento mo bakit namatay sina Tita at Tito. Ang babata pa kasi nila nung namatay sila e"
"Hindi ko maikukuwento ang lahat pero kapag nag-high school ka na, never kayong maga-out-of-town na walang kasamang nakakatanda sa inyo ah"
"Bakit po?"
"Dahil ganoon ang nangyari sa kanila e. Wala kaming kasamang nakatatanda"
Hindi ko pa rin mapigilang hindi umiyak. Kapag naiisip ko ang dinanas namin sa haunted house na iyon.
Kami rin naman ang may kasalanan kung bakit nagka-ganoon si Marie. Pinlastik at siniraan namin siya.
Pero kung nasaan man siya, sana masaya siya.
Humingi na naman din siya ng tawad sa amin at humingi na rin kami ng tawad sa kanya at alam kong napatawad niya na kami.
Magkakasama na sila ngayon at masasayang nagtatawanan ang mga tropa.
"Ma, wag ka nang umiyak. Alam ko pong masasaya sila doon kaya dapat maging masaya ka na rin po. Move on din ma."
Natawa ako dahil mature na kung magsalita ang anak ko.
"Oh ayan mama. Mas maganda ka pag nakangiti ka"
"Ma'am, Sir nasiraan po tayo"
Agad akong kinabahan sa mga narinig ko.
Dito na nga ba ulit magsisimula ang lahat?
------------
Minadali ko na agad dahil may mga sumusunod pang story.
Nakakabitin ba? Hahaha. Sorry po.
Wala pong book 2 :) at wala po akong balak magkaroon ng book 2.
Sa mga maghahanap, sorry po dahil wala talaga.
Hope na nag-enjoy kayo sa story ko.
Patuloy niyo pa rin akong suportahan.
FIRST STORY NA NATAPOS KO. YAYYY!
See you again on my next story.
Signing off,
Kaye (kayeliee)
xoxo
BINABASA MO ANG
The Massacres (COMPLETED)
TerrorSUBUKAN MO NGANG BASAHIN SA GABI ITONG STORYA NA ITO KUNG MATAPANG KA *evil laugh* NGUNIT ALAM KO NAMANG HINDI KA MATAPANG! ISA KANG DUWAG! DUWAG! Paano kung mai-stock kayo sa loob ng hauted house na wala ni isa ang nakakaligtas? Nag-yayaan ang...