PAALALA: Ang mga eksena dito sa aking storya ay gawa nang aking imahinasyon. Kung napasama ang pangalan niyo rito at nagaya ang plot nang inyong storya ay maaaring nagkataon lamang.
Ang ibang eksena dito ay nakakadiri o hindi kanais-nais.
-------
TORTURE!(Syra's POV)
"Simulan na ang pagtorture.." ani Mang Roy sabay hiltak nang mariin sa buhok ni Mikee.
Hindi man siya umiimik pero alam kong nasasaktan siya. Napapikit nalang ako sa sobrang takot. Naramdaman ko nalang na humila sa aking damit, kaunti nalang ay mapupunit na ito.
Hinila ako ng isang lalaking Jeff yata ang pangalan. Napalingon ako sa gilid ko nang marinig ko ang pagtili ni Kyla. Hinila siya ni Javier, yung lalaking punong-puno ng tattoo ang kanang braso.
"Kylaaaa!" Sigaw ni Jc. Hinila nung Lola si Jc. Akala mong sobrang hina na nung lola pero sobrang lakas pa. Oo, siya yung nagbabala sa amin..
Hindi ko na makita si Mikee at Eunice. Nasa kabilang sulok sila ako naman nandito sa isang madilim na kwarto. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong hinubad ni Jeff ang t-shirt niyang puno ng dugo.
Kinakabahan ako sa kung anong gawin niya sa akin.
"Huwag kang magalala Syra. Masisiyahan ka sa gagawin ko sa'yo" sinimulan niya akong ihiga sa marasang na amoy na kutson at itinali ang aking mga kamay at paa. Sinubukan ko mag kumawala, hindi ko na kinaya dahil sa sobrang lakas niya.
(3rd Person's POV -- Narrator's POV)
Bakas sa mukha ni Syra ang pagkatakot. "Anong g-gagawin mo s-sakin?" Pautal-utal na tanong ni Syra.
"Shhhh. Quiet ka lang.. surprise ito" nagsindi si Jeff ng sigarilyo.
"Please, p-pabayaan niyo na k-kami. Bakit ba k-kayo pumapatay n-ng tao?"
"Kasi.." hindi niya tinuloy ang sasabihin niya, sa halip ay nagbuga siya ng usok sa mukha ni Syra, dahilan para mapa-ubo siya. "Ang ganda mo pala" sabay amoy nito sa buhok ng dalagita.
"Arayyyy!!" Mariin na tinusok ng lalaki ang sigarilyo sa binti nito. Binti ng dalagitang may saksak. Hindi mapigilan ni Syra na umiyak.. walang bakas sa mukha ng killer ang pagka-awa.
Kumuha ng tasa si Jeff at agad sinalok ang dugo ni Syra. May hinalo siya rito, dahilan para mapa-ubo si Syra dahil sa masangsang na amoy. Unti-unting nahimatay si Syra.
----
Dinala ni Javier si Kyla sa kabilang sulok. Inupo niya ito sa isang tabi at saka tinalian ng mariin para makasiguradong hindi na ito makakawala pa.
Nagpumilit tanggalin ni Kyla ang mga tali sa kanyang kamay at paa. Pero siya lang din ang nasasaktan. Wala na siyang ibang ginawa kundi ang magdasal.
Lumabas saglit ang killer para kunin ang pangtorture niya. Hindi niya namalayan na nailapag niya pala ang isang lighter at isang bread knife sa ibabaw ng isang cabinet sa tabi ng upuan.
Pinilit ni Kyla na abutin ang isa man sa dalawang bagay na nakalapag sa ibabaw ng cabinet. Sa hindi naman sinasadya, nasanggi niya ang isang kandila sa katabi niyang upuan, saktong may kurtina sa ilalim nito.
Nagsimula nang umapoy ang paligid nito. Pinilit niya ulit abutin ang isa man doon, sakto namang nakuha niya ang lighter. Ngunit hindi niya alam kung paano niyo ito magagamit. Nagsimula nang lumakas ang apoy.
Napalingon ang anim na killers sa kinauupuan ni Kyla. Agad naman lumapit si Javier sa dalagita. Binuhusan niya ng tubig ang paligid ni Kyla. Nadatnan niyang walang malay si Kyla. Dahil na rin siguro ito sa pagkasinghot ng maraming usok sa kanyang paligid. Oo nga pala't may asthma siya.
Napalingon si Javier kay Eunice, dahil sa malakas na pag-iyak nito. Marahil nga't alam niyang may asthma ang kanyang kaibigan.
"Pakawalan m-mo na k-kami. Hindi mo b-ba alam na m-may a-asthma yang si K-kyla?" Nanlaki ang mata ni Javier ngunit hindi siya nagpatinag o hindi man lang nakita sa kanyang mukha ang pagka-awa. At sa halip at hinila niya ang buhok nang walang kamalay-malay na si Kyla. Dinala niya ito kung saan nakahiga't sinisimulang torture-in ni Jeff si Syra.
Ngayo'y magkasama sa iisang kwarto sina Syra't Kyla. Sumalok rin ng dugo si Javier galing sa braso ng dalagita.
Walang kamuwang-muwang ang dalawa habang ang tatlo ang dalawang si Jc at Eunice ay panay ang pagsigaw dahil nga't sa pagka-awa kay Kyla. Oo, manhid pa rin ang katawan ni Mikee kaya't hindi siya nakapag-salita kanina at sa halip ay umiyak na lamang siya.
"As if naman na maawa kami sa inyo kung makaiyak!" Pagmamataray ni Marie. Nanlisik ang mga mata ni Jc. Lumapit si Marie sa kanya at may nilabas siyang pistol gun. Tinutok niya iyon sa pisngi ni Jc. "Natatakot ka bang mamatay!?" Sabay tawa ng malakas. Akala mo ay parang mangkukulam sa sobrang lakas. Kinasa niya ang hawak niyang baril sabay...
"Marieee!!" Isang malakas na sigaw galing sa kwarto nila Syra't Kyla. Nilagay niya sa bulsa niya sa likod ang baril at saka naglakad palayo para tignan kung anong kaganapan sa loob ng kwarto.
Saktong nalaglag yung baril ni Marie galing sa kanyang bulsa. Natawa ng kaunti si Jc dahil ni-isa sa mga killers ay hindi nahalata na nalaglag ang baril ng isa sa mga kasamahan nila. Agad niya itong kinuha at tinago sa kanyang likuran.
Samantalang.. pagpasok na pagpasok ni Marie sa kwarto kung saan niya narinig ang malaks na sigaw ng kanyang pangalan.
"ANO BANG NANGYAYARI DITO!?" Nanlaki ang mga mata niya nang tumambad sa kanya ang naghihingalong si Kyla. Nahalata sa kanyang mukha ang pagka-awa.
"Sabi po kasi nung isa niyang kasamahan, may asthma siya. Baka kung anong mangyari sa kanya.." agad siyang binatukan ni Jeff.
"Tanga ka ba? Killers tayo! Naawa ka sa mga ganyan?" Ani Jeff.
"Hindi dapat ganyan ang pagtorture sa kanya. May inhaler doon sa first aid kit sa taas. Kunin mo doon at ibigay sa kanya" kahit anong gawin niya, halata pa rin sa kanyang mukha na naaawa siya kay Kyla dahil naging kaibigan niya pa rin naman at naging mabait naman ito sa kanya ng ilang taon.
Lumabas na kaagad si Marie sa kwarto. Ngunit bago siya lumabas nakasigurado naman itong nakatali pa rin ang dalawa. Dahil si Jeff ay nagsimula nang matulog. Tulog mantika pa naman ito.
Tulog pa rin si Syra samantalang si Kyla naman ay naghihingalo pa rin dahil sa asthma.
Agad namang dumating si Javier at binigay ang inhaler kay Kyla... nakahinga na ng maluwag ang dalaga. Napangiti si Kyla nang maalala niyang nasa kanya pa ang lightner. Ngunit napabalikwas ang ngiti niya dahil hindi niya alam kung sino kukuha nito mula sa kaniyang bulsa.
*BANG-BANG*
Dalawang magkahiwalay na malakas na putok ng galing sa labas ng kwarto nila Syra't Kyla. Unti-unting minulat ni Kyla ang kanyang mga mata. Wala na ang dalawang killer sa loob ng kwarto.
"S-syra, g-gising" pagpupumilit na magsalita ng dalagita. Napangiti siya ng magising nga ang dalagita. Nanlaki ang mga mata ni Syra nang may narinig siyang katok galing sa bintana ng kwarto. Bumukas ito at unti-unti nilang nakita kung sino ito. "K-killer ka r-rin ba? I-isa ka rin b-ba sa k-kanila?" Pa-utal utal na tanong ni Kyla.
"Hindi. Nandito ako para sagipin kayo" kumuha siya ng kutsilyo galing sa kanyang bulsa at agad pinakawalan ang mga tali nito sa kamay at paa nito.
"B-bakit mo g-ginagawa ito?"
------------------------------
Ayoko pa sanang bitinin kaso may naalala pala ako.. update ko agad yung chapter 13 asap kung matatapos ko kaagad. Love ya'll.-nylxkaye
BINABASA MO ANG
The Massacres (COMPLETED)
УжасыSUBUKAN MO NGANG BASAHIN SA GABI ITONG STORYA NA ITO KUNG MATAPANG KA *evil laugh* NGUNIT ALAM KO NAMANG HINDI KA MATAPANG! ISA KANG DUWAG! DUWAG! Paano kung mai-stock kayo sa loob ng hauted house na wala ni isa ang nakakaligtas? Nag-yayaan ang...