Kabanata 3

1.3K 107 1
                                    

Ikaw!?


(Syra's POV)


"BAKIT KAYO NANDITO? UMALIS NA KAYO BAGO PA KAYO MAPAHAMAK DITO" sabi nung lalake.


"Huwag niyo silang bubulabugin kun'di kayo rin ang mapapahamak" patuloy niya pa at saka umalis.

Nakakatakot.

Mukha ngang may pinapahiwatig yung mga matandang nagsabi kay Kyla.


Anong 'wag bubulabugin?

E bakit?

Ang ganda ganda nung bahay e.

"Ay! Pasensya na kayo kay Mang Roy ah. Matanda na kasi e. Bakit ba kayo nandito?" tanong nung babae.


"Nasiraan po kami e. Magpapalipas lang po ng gabi" sabi ni James.


"Ako nga pala si Anna" sabi niya.


"Tawagin niyo lang ako 'pag may kailangan kayo. Ako at si Mang Roy ang nagbabantay sa bahay na 'to. Nilisan kasi ng may-ari ang bahay na ito e. Ang ganda nito dati. Sige tuloy kayo ha!" sabi nang nakangiti ni Ate Anna.

Mukha namang mabait siya.

Pero iniisip ko pa rin yung sinabi ni Mang Roy saka nung matanda.

Pumasok na kami at natakot kami nung nakita namin ang loob.

Grabe! Sobrang luma.

Yung mga ilaw medyo pundido na.


(Kyla's POV)


Nilibot ko ang aking mga mata.

At meron akong nakita.

Pumukaw ito sa aking atensiyon.


"IKAW!?" sigaw ko.



The Massacres (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon