Kabanata 8

1K 88 3
                                    

Eto pambawi sa ilang weeks na hindi paguupdate :) Magde-dedicate ako ng mga nagvovote sa story ko. 

---
Hide and Seek (part 1)

(Anna's POV)

HAHA! Alam ko nang alam na nang mga bata na ako ang mga namamatay dito. Hindi lang naman ako, marami kami dito. Ewan ko ba pero nakagawain ko nang pumatay. Feeling ko ang saya saya ko kapag nakakapatay ako. Feeling ko ako na ang pinaka-expert pagdating sa patayan. Ano naman ngayon kung alam na nila na ako pumapatay? Edi mas masaya.

"Hi guys!" sarkastiko kong bati sa kanila.

"Walang hiya kang Anna ka! Akala mo kung sinong mabait" sambit nung babaeng medyo maikli ang buhok.

"Chill lang. Maglalaro tayo ngayon. Alam niyo ba ang Hide and Seek? Ilan na lang ba kayo?"

"A-anim po" sagot ni Syra. Kilala ko siya dahil lagi siyang nasasambit tuwing kakain sila sa hapag.

"Ako ang taya at kayo ang magtatago. Dalawa ang mabubuhay at apat ang mamamatay. Sinama niyo ba ang magaling niyong driver?"

"O-opo"

"Okay, pagka-bilang ko nang sampu dapat lahat kayo nakatago na ah. Take note, bawal ang lumabas. Okay?"

"Isa" pagsisimula kong magbilang.

"...pito"

"....siyam"

(Syra's POV)

Mukhang ito na yata ang katapusan ko. Hindi ko alam kung ano gagawin ko.

Nagtago ako sa ilalim nang hagdanan.

"Kyla, dito dali!"

Nilingon ako ni Kyla at nagtago na rin.

"Okay nasaan na kayo?" sigaw ni Anna.

Napatakip nalang kami ng bibig ni Kyla at baka marinig ang paghingal naming dalawa. Madaming gamit sa ilalim ng hagdan kaya naman hindi na kami nahirapan pang magtago. Sana nakatago na sila Eunice. Ang bilis magbilang ni Anna. Kaya niya kaya kaming pataying lahat? Kaya niya kaya kaming mahanap?

----------

Anayare na sa kanila? Omg! Sana hindi mahuli sina Syra at Kyla </3

Konti lang po ngayon pambawi lang naman. Next time na yung mahaba :)

Happy 500 views (;

-nylxkaye

The Massacres (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon