Naglalakad si Ave sa kanto habang hawak hawak ang cellphone nya. Nagpi-facebook kasi ito at Panay ang scroll down nya sa newsfeed kahit umagang umaga palang, kaya ayun, pinabili sya ng nanay nya ng kape.
Hindi naalis ang tingin nya sa cellphone nang makarating na sya sa tindahan.
"Pabiling kape!" Sigaw Nito nang walang nadatnan na Tindera doon.
"Pabili ng kape!" Pag-uulit nya nang wala paring taong dumarating para tindahan sya.
"Tagal naman," Mahinang pagrereklamo nya sabay sandal sa tindahan. Sakto namang nakita nya iyong status na kaka-post lang ng kaibigan nyang hugoters sa facebook. Tungkol sa kape iyong post.
"Pabili po ng kape. Yung matapang, ha? Yung kaya akong ipaglaban." Basa nya doon sa post.
'Lol! Humuhugot nanaman si kelly! Pft!' Sabi nito sa isip isip nya.
"Wala kaming tinitindang kape na ganun."
Out of nowhere ay may nagsalita kaya napalingon sya doon sa loob ng tindahan.
Maang syang nakatingin sa lalaking nagsalita. Iyong gwapong President ng SBO sa school nila na ubod ng sungit.
"Ah----eh---"
"Sa iba kanalang bumili. Wala kaming matapang na kape. Mapait lang meron. Yung kasing bitter ng iba dyan." Sabi nito sa poker face nyang mukha.
"Aba, may pinariringgan ka ba?" Mataray na sabi ni Ave sa lalaki.
"Mukha bang wala?" He answered.
'Tss. Ikaw nga itong laging mukhang bitter, eh' pabulong na sabi ng dalaga.
"May sinasabi ka?"
"Mukha bang wala?" Pambabara nya sa lalaki.
"Tsk. Kung wala ka namang bibilhin umalis ka na sa harapan ng tindahan namin. Bala malasin kami." Masungit na sabi ng lalaki.
"Aba, aba! Tsk! Bibili ako noh! Subukan mong hindi ako tindahan isusumbong kita sa nanay mo."
"Oh, tapos? Ano bibilhin mo?" Tanong ni boy na nakataas pa ang isa nitong kilay.
"Pabiling bubblegum. Yung malaki. Yung tipong pwedeng pantapal sa bunganga mo." Nakangising wika ni Ave.
Agad namang nalukot ang mukha ni boy.
"Are you making fun of me?" Tanong nya sa dalaga.
Nagkasukatan lang ng tingin ang dalawa. Naputol lang iyon nang biglang may babaeng umeksena.
"Kuya, pabili nga po ng Gamot. Yung kapag ininom ko mawawala na lahat ng sakit sa puso ko." Aniya.
Awtomatikong nangunot ang noo ni boy.
"Psh. Magsama nga kayo." Nakapoker face na sabi ng binata tapos ay nagwalk out na.