Nagising si Ave dahil sa ingay ng alarm clock nyang nasa side table.
Tila Zombie syang naglakad papunta sa banyo nya para magmugmog at maghilamos. Pagkatapos nyon at agad na syang bumaba sa kusina Dahil naaamoy Nitong bacon na malamang ay niluluto ng nanay nya.
"Wow, bacon yan, Ma?" Tanong nya na pasinghot singhot pa.
Tumango lang naman ang nanay nya. Mukhang nasa goodmood ang nanay nya dahil hindi ito nambabara at tumatalak. Kapag beastmode kasi ito ay tila armalite na walang tigil sa kakasalita.
"Umupo ka na riyan. At kakain na tayo. Isusunod ko lang itong sinangag." Turan ng nanay nya.
"Teka, maghuhugas lang po ako ng kamay." Ani Ave tyaka tumungo na sya sa lababo.
Maya maya ay may narinig silang kumatok sa pinto.
"Teka. Ako na magbubukas. Pakitingnan mo muna sandali itong niluluto ko." Her mother said and walked towards the door.
"Hi, tita."
Hindi paman nya nakikita ang mga pagmumukha ng mga tao sa labas ay alam na nya kung sino ang mga iyon.
"Si Ave po, buhay na?"
"MGA ULUPONG, MAKIKIKAIN NANAMAN KAYO!" sigaw ni Ave matapos patayin iyong tangke ng stove nila.
"Tita, oh. Ang hard nanaman samin nung abnong anak nyo." Sumbong ng isang ugok.
"Kagigising lang kase nyan. Baka gutom na." Sagot ng nanay nya. "Teka, pasok kayo." Sabay bukas nya ng tuluyan sa pinto.
"Aba! Mga sheppard talaga, oh! Nakaamoy nanaman." Salubong ni Ave sa tatlong na kalalakihan. Si Jojo, si Jonas, at si Jonard. Mga barkada nya.
Ngumiti lang naman ang mga lalaki tapos ay nag-unahang akbayan ang dalaga.
"Bakit ba nagagalit ka nanaman saamin, Par!"
"Psh. Ilang araw kayong hindi nagpapakita saakin mga ugok kayo! Saang lupalop ba kayo nagsususuot! Nagmukha tuloy along loner sa school, eh. At hindi lang yun, ah! Inapi api nanaman ako nung Caleb na yon. Tss." Naka-pout na sabi ni Ave.
"Ha?! Ano!? Ano nanamang ginawa sayo ng Caleb na yon?" Tanong ni Jonas.
"Pinaglinis sa pool. Psh."
"Tapos?"
"Tapos the end na. Teka nga! Bat ba kayo nandito?" Tanong ng dalaga sakanila.
"Hehe. Alam mo naman... Tawag ng tyan." Ani Jojo.
Magsasalita pa sana si Ave nang pumunta na sila sa kusina.
"Ang bango naman nun, nagutom tuloy ako."
"Pakain kami tita, ah. Hehe."
"Sige lang. Madami naman akong niluto, eh."
Sabay sabay na naupo ang tatlo dahil sa sinabi ng nanay ni Ave.
"Kapag talaga pagkain ang bibilis, ano?" Pagpaparinig ni Ave sa dalaga bago naupo sa pwesto nya. Sabado ngayon at wala silang pasok.
"Ave, may ashaynment ba tayo kay Maam Terror?" Tanong ni Jonard habang nakanguya ng bacon. Iyong teacher nila sa arts ang tinutukoy nya.
"Meron at hindi ko sasabihin. Bahala nga kayo kung Mapag-initan kayo ni Ma'am Barracuda."
"Halla, tita, oh. Si Ave, oh, ang damot, oh... May rhyme yun! Hahahaha!"
Walang natawa sa joke ni Jojo. Pero maya maya pinagtawanan sya ng dalawang ugok.
"Yung totoo Jojo? Ilang taon mo yun pinag-aralan? Haha! Nakakatawa!" Sarcastic na sabi ni Jonard.
"Wag ka nalang mag- joke, par. Mukha mo palang zapat na! Hahaha!"
Pagkatapos nilang kumain ay nagprisinta ang tatlo na sila daw ang maghuhugas ng pinagkainan. Pumayag naman ang nanay ni Ave at nagpaalam ito dahil may pupuntahan sya.
Habang nag-huhugas ang tatlo na pinapanood lang naman ni Ave na nakasandal sa pader ng bahay nila, bigla nalamang tumigil si Jonas tyaka nagsalita.
"Mga Par. May nararamdaman ba kayo?"
Tumigil din ang dalawa sa ginagawa nila.
"Ha?" Nagtatakang tanong nila.
"Hoy, Jonas. Wag ka ngang ano dyan. Walang multo dito sa bahay, ah." Asik ni Ave .
"May sinabi ba akong may multo? Ayos din pandinig mo 'no? Pero teka--- may naaamoy ba kayo?"
Agad na suminghit singhot si Jojo at jonard . maging si Ave din ay nakisali.
"Tungunu! Ang baho! Amoy paa ni Jojo!" Sigaw ni Jonard sabay takip sa ilong nito.
"Ulol ka, jonard! Bunganga mo yun, eh!" Bawi naman ni Jojo na nagtakip narin ng ilong.
"Mga ulupong kayo, ano bang nakain nyo?!" Asik ni Ave na nakatakip na ang kamay sa ilong nya dahil pati sa pwesto nya ay abot iyong mabahong amoy.
"Bacon syempre! Ewan ko nalang dito sa dalawa baka nakakain ng tae. Pwe!" Masuka sukang sagit ni Jonard.
"Teka lang mga, Par. Stay put lang kayo dito. Natatae ako!" Ani jonas na nagmadaling tumakbo papunta sa kubeta nila Ave.
"Yuck ka, Jonas! Pwe! Mahulog ka sana sa bowl!" Sigaw ni Jojo.
"Hindi parin talaga nagbabago yon. Pinaglihi ata sa tae." Naiiling na saad ni Ave. "Baho, makaalis na nga muna." Sabay lakad na nya palabas ng bahay nila.
"Aveee! San punta mo? Sama kami!" Sigaw ng dalawa.
"Sa tindahan lang! Wag na kayong sumama, baka itangay si Jonas!" Sigaw nya pabalik tapos ay tuluyan ng lumabas at naglakad sa kanto.
Bibili sya ng glue. Gagamitin nya kasi ito para sa assignment nila sa arts.
Pagdating nya sa tindahan , as usual ay wala nanamang tao.
"Tao po!" Sigaw nito.
Wala pang isang minuto ay agad na bumungad sakanya ang mukhang kagigising na si Caleb. Gulo gulo pa ang buhok nito at nagawa pa nyang humikab sa harapan ni Ave.
"Nu ba yan.. Virus!" Bulalas ni Ave.
"Are you saying something?" Tanong ng lalaki.
"Wala. Wala. Pabili nga akong glue." Sagot naman ng dalaga.
Hindi gumalaw si Caleb imbes ay tiningnan lang sya nito ng masama.
"Yung malagkit... Kasing lagkit ng tingin mo." Dagdag pa ni Ave.
Gaya ng inaasahan nya ay nangunot nanaman ang noo ni Caleb.
"Wala kaming tindang ganun." Maiksing sagot nito.
"Anong wala?" Sumilip si Ave sa loob ng tindahan. "E loko ka pala eh! May nakikita akong glue dun, oh! Bulag ka ba?" Anas nya nang ilapit ang mukha sa bakal na bintana ng tindahan.
"Kung bulag ako edi sana hindi ko na nakikita yang muta mo. Tss."