Kabanata 17

35 3 1
                                    

"Confirmed! May girlfriend na daw si Caleb!"

"Woah! Is that true? Ow my! Paano na ako?"

"Oo nga eh. Balita ko maganda raw yung girl."

"E alangan namang panget diba? Hello, ang wafu wafu kaya ni Caleeeb..."

"Aww. Ang swerte naman nung girl."

Napa-tss nalang si Ave dahil sa mga naririnig.

'What's with this people? Bakit ba big deal sa kanila ang pagkakaroon ng gelpren ni Caleb. E ano namang pake nila doon!?' Ani ng dalaga sa isip isip nya.

Ang to too nyan at kanina pa sya naiirita sa mga Chuchu chachas ng Classmates nya particularly girls.

Napa-tss nalang ulit sya sabay tayo na mula sa upuan tyaka lumabas sa room nila. Maaga pa kase kaya wala pa ang teacher nila.

"E ano naman ngayon kung may syota na yung Caleb na yun?... Asar." Bulalas nya nang makaupo sa bench na nasa gilid lang ng klasrum nila.

Maya-maya ay nakita nyang paparating ang tatlong ulupong mula sa di kalayuan. Naglakad pang ala-model ang tatlo dahil Alan nilang pinagmamasdan sila ni Ave.

Napailing nalang ang dalaga. "Mga baliw..." She murmured.

"Ave Mariaaaa!" Bungad ng tatlo nang makalapit na ang mga 'to sa kinaroroonan nya.

Tinanguan lang naman sila ng dalaga.

"Narinig mo na ba ang balit-----"

"Na may girlfriend na si Caleb? Oo! At rinding rindi na ako. Jeez! It was like it's the talk of the town. Ano bang meron doon at big deal iyon? For Pete's sake! Ano bang magagawa nila kung may girlfriend na yung lalaling yun?!"

Maang lang na nakatingin ang tatlo sa dalaga dahil sa litanya nito.

"Yung totoo, Ave. Anong ipinaglalaban mo?" Medyo natatawang tanong ni Jonard.

Sinamaan lang naman ito ng tingin ng dalaga.

"Iba yung balitang dala namin , Par." Jonas said.

"Ows? Talaga? Ano naman yang balitang yan?" Nakataas ang kilay na tanong ni Ave.

"May tindang tuyo na daw sa McDo." Sabay sabay na sabi ng tatlo.

Tumawa naman ng peke ang dalaga. " Natawa ako dun ah. Woo! Best joke ever!" Sarcastic nyang sabi.

Sumimangot naman ang tatlo tyaka naupo sa tabi nya.

"Bat nandito ka sa labas, Par?" Tanong ni Jonard tyaka pa inakbayan si Ave.

"Syempre, kase wala ako sa loob," pabalang namang sagot Ni Ave.

"Aba, pinipilosopo ako mga Par, oh." Jonard said.

"Hindi, pinipilosipa ka." Jojo said.

"Gusto mo ng sapatos, Jojo?" Out of the blue ay tanong ni Jonard.

"Oo, Par. Yung Jordan ha! Size 8." Jojo replied.

"Ge, bibigyan kita bukas. Mukha ka kaseng paa. Ulol!" Ani Jonard.

"Wow, nagsalita ang mukhang engron." Pagpaparinig naman ni Jojo.

Nagkatinginan lang ang dalawa at nagpalitan ng masasamang tingin.

"Hoy, kayo. Tigilan nyo na nga yan. Grabe talaga kayong maglambingan." Ani Ave.

"Yuck!" Sabay pang sabi ng dalawa na parang nasusuka with the taught.

"Diba si Caleb yun?" Out of nowhere ay sambit ni Jonas habang nakatingin sa di kalayuan.

Sinundan naman ng tatlo ang tinitingnan nito.

Tama si Jonas. Si Caleb nga iyon. At may kasama pa itong babae.

"Ganda nung chics..."

"Yan siguro yung girlfriend nya... May taste din pala yang Caleb na yan, ah."

"Tss. Mukhang bakla." Ave murmured with her poker face nang mapansin nyang dala dala ni Caleb ang shoulder bag ng babae.

Kaagad namang nabalin ang paningin ng tatlong ulupong kay Ave.

"A-ano? Bakit ganyan kayo makatingin?" Sita ni Ave sa tatlo.

Ngumiti ng mapang-asar ang tatlo.

"Parang may naaamoy ata ako, ah." Jonas spoke.

"Ano Par? Selos ba yon? Hoho!" Jojo said.

"Ay hindi, Jojo. Putok siguro. Putok mo." Pambabara naman ni Jonard.

"Tanga. Selos yung naaamoy namin, kulugo ka. Sipain kita sa lungs eh!" Jojo said.

"Anong selos? Sino namang magseselos?" Poker face na tanong ng dalaga.

"Si Jojo, baka. May hidden feelings kase yan kay Caleb eh. Bale mag-iisang taon na. Pft!" Jonard responded.

"Lul! Hindi kami talo, gago! Si Ave yung nagseselos kase crush nya si Ca----- Aray!"

Hindi paman natatapos ni Jojo ang sasabihin ay nakatanggap na sya ng suntok sa sikmura galing sa dalaga.

"At sino namang nagsabing nagseselos ako? Utot nyo." Simpleng sabi ng dalaga. "Tyaka magugunaw muna ang mundo bago ako magkagusto sa lalaking yan." Dagdag pa nya sabay tingin sa kinaroroonan nila Caleb.Nakunot lang ang noo nya nang makitang nagtatawanan ang dalawa.

"Talaga lang ha? E bat ganyan ka makatingin?" Natatawang sabi ni Jonard na kanina pa naman nakaakbay sakanya.

"Tss. Lubayan nyo nga akong tatlo."

"Luh. Ganyan ka na sumenti , Par?"

"Mga gago."

Pabili'ng KapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon