Kabanata 11

39 4 0
                                    


"Ma, jogging lang po ako!"Paalam ni Ave sa nanay nya tyaka na lumabas sa gate nila. She was wearing a fitted white sando and maong shorts na tinernuhan pa nya ng kulay light green nyang airmax.

Dumiretso muna sya sa tindahan para sana bumili ng v-fresh na ngunguyain nya habang nag-jojogging. Pero sarado pa iyong tindahan nila Caleb.

"Himala, sarado pa." He uttered.

Magsisimula na sana syang mag-jogging ulit nang makita nyang papalabas si Caleb. Nakapang jogging attire din ito. At syempre naka-poker face nanaman sya, as usual.

'Masyado talagang bitter ang nilalang na 'toh' Anita sa sarili.

Nagtaas sya ng kilay nang mapansing nakatingin ang binata sakanya.

"Bakit? Ngayon ka lang ba nakakita ng magandang babae?" Sabi nya.

"Tss... Babae ka ba?" Caleb responded then started to jog.

"Aba't mukha ba akong lalaki?!" Pikon agad na asik ni Ave tyaka sinabayan si Caleb .

"Tingin mo? Sinong matinong babae ang iihi sa male's room?" Caleb spoke.

Agad namang namula si Ave nang maalala iyong eksena nila kahapon sa CR ng mall.

"E-emmergency lang kaya yun. Sa naiihi na ako eh" Ani Ave.

"Tss . Baka naman nagpunta ka run para bosohan ako?"

"Excuse me!? Mukha ba akong mamboboso? Malay ko ba na nandun ka!" Agad na asik ng dalaga.

"Malay ko kung ini-stalk mo'ko."

"At bakit naman kita iistokin?" Mataray na tanong ni Ave.

"Ewan ko sayo. Tanong mo sa aso." Pagsusungit naman ng isa.

Sabah silang napatingin sa isa't isa. Mata sa mata. Iris sa iris. Tapos at nagpalitan ng masasamang tingin.

"Bipolar!" Bulong ng dalaga tyaka binilisan ang pagja-jogging at inunahan ang binata.

Napaahas effect lang naman si Caleb. "Baliw..." Bulong din nya.

Walang nag-iimikan sakanila at nagconcentrate lang sa pagja-jogging--- No, scratch that. It was already looked like marathon since nag-uunahan na sila.

"Mukha kang tanga." Poker face sabi ni Caleb. Agad naman syang inirapan ni Ave.

"Mas lalo ka na.."

"Tss.."

"Edi game, runner tayo. Oh ano? Kung sinong mahuli sya ang panget." Ani Ave. Pagkatapos nun ay tumakbo na nga sya.

"Isip bata talaga..." Nailing nalang na sabi ni Caleb.

Nilingon sya ng dalaga. "Hoy sungit,ikaw ang panget nahuli ka.. Bwahaha!" Ani Ave tyaka inilabas ang cellphone nya para sana mag-selfie.. Maganda kase ang view dahil nasa bukid na sila. "Anak ka ng Cactus!---aray!" Sa kinamalasmalasan ba naman ay bigla syang natapilok dahil sa batong nakaharang sa daan nya. Nadapa tuloy ang dalaga at nabitawan pa ang cellphone nya. Pero syempre hindi yun nabasag, may jelly case kase.

"Wala na bang mas tatanga sayo?" Saad ng binata nang makalapit ito sakanya.

"Ewan ko sayo. Search mo sa google... Wala ka bang balak tulungan ako? Seriously?" Anas ng dalaga.

"Tss. Bumangon ka mag-isa mo."

"Aba't!" Sabay tayo na ni Ave. "Wala man lang pagka-gentleman 'to. Tse. Tamaan ka sana ng kidlat!"

"Tss... Clumsy." Iyon lang ang sinabi ni Caleb tyaka na naglakad. Maglalakad na din sana si Ave pero naramdaman nyang makirop ang paa nya.

"H-hoy! Teka lang! Hindi ako makalakad!" Sigaw nya kay Caleb.

Agad naman syang nilingon ng binata. " anong gusto mong gawin ko? Dalhan ka ng saklay?" Masungit na sabi nya tapos nagpatuloy na ulit sa paglalakad.

"Waah! Caleeeb! Wag mokong iwan dito! Utang na loob!" Sigaw ulit ng dalaga lumundag lundag pa gamit ang isang paa nya since hindi nya mailakad iyong kabila.

Bigla ay tinawanan naman sya ng binata.
"You looked like frog." He said.

Nakunot naman agad ang noo ni Ave. Sisigawan na sana nya si Caleb kaso ay lumapit ito sakanya tyaka yumuko patalikod sakanya.

"A-anong-----"

"Piggy back. Dali, bago pa magbago ang isip ko." Putol sakanya ng binata.

"At bakit naman ako sasakay dyan sa likod mo? No way!" Pag-iinarte ng dalaga.

"So, kaya mong maglakad pabalik sainyo?" Nakataas ang kilay na tanong ni Caleb tyaka na tumayo. "Bahala ka na nga. Arte mo." Sabah walk out na nya.

"Wuuy! Teka! Hindi naman 'to mabiro. Dali na! Pasakay na!" Bawi ng dalaga. 'cactus na 'to, bipolar talaga.' Bulong pa nya.

Binalikan naman sya ni Caleb tyaka yumuko ulit patalikod sakanya. " pasan ka na, dali." Impatient na utos nya.

Dahan dahan namang humawak si Ave sa leeg nya tyaka pumasan na sakanya.

"Yung cellphone ko pa. Paki pulot." Aniya.

Nang mapulot na ni Caleb ang cellphone nito ay nag-umpisa na itong maglakad.

Tahimik lang silang dalawa. At ni isa at hindi nag-atubiling magsalita.

'Shocks! Anlapad naman ng likod nito. Siguro may Abs din.' Sabi ni Ave sa isip isip nya. Naamoy nanaman nya ang pabango ng binata... At hindi nya mapigilang singhutin iyon dahil nakakaadik ang amoy.

"Para talagang sheppard..." Rinig nyang sabi ng binata. Natigilan tuloy sya sa pag-singhot.

Maya maya ay biglang nag-ring iyong cellphone nya na hawak ni Caleb.

"May tumatawag. Sagutin mo dali." Utos nya kay Caleb since sya din lang naman ang may hawak ng cellphone nya.

Nagreklamo pa si Caleb bago ito sagutin.

"Yeah?" Bungad nya sa natawag.

(Halla, sino to? Asan si Ave?)

"On my top ."

(WHAT!?)

Sa kabilang dako naman at gulat ang tatlong ulupong nang lalaki ang sumagot sa cellphone ni Ave.

"Cactus ka! Anong ginagawa mo Kay Ave?"

(Tss... Ikaw na nga ang kumausap dito.)

Rinig ng tatlo na sabi ng kausap. Naka-loud speaker kase iyong cellphone ni Jojo.

(Hoy, ano nanaman ba? Makikikain nanaman kayo?--- aray ko naman Caleb!)

Nagsitinginan ang tatlo.

"Bakit mo kasama si Caleb, Par??" Agad na tanong ni Jonard.

(Mahabang kwento... Pero siege mamaya na... Hirap na'ko, eh. Maya nalang kayo tumawag. Bye..)

Sa pangatlong pagkakataon at nagsitinginan nanaman silang tatlo.

"Naiisip nyo ba ang naiisip ko mga, Par?" Tanong Jojo.

Tumango lang naman ang dalawa.

"I can't believe it!"

Pabili'ng KapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon