Mabilis pa sa kidlat ang ginagawang lakad-takbo ni Ave papuntang eskwelahan nila dahil male-late na ito. Gulo gulo pa nga ang buhok nya dahil hindi na sya nakapagsuklay dahil sa kakamadali.
"Ay, malas." Bulalas nya nang matanaw ang ilang estudyanteng nakapila sa bungad ng gate.
Napalunok nalang sya nang lumingon si Caleb sa direksyon nya , ang president ng school body organization. Poker face lang ang bungad ng binata sakanya, as usual ganoon naman talaga ang lagi nyang suot suot na ekspresyon, eh. Ubod pa ito ng sungit na dinaig pa ang nagmemenopause na matanda.
"Mga late comers, pumila dito!" He announced while still looking at Ave.
"Paktay tayo dyan." Mahinang usal nalang ng dalaga at naglakad na papunta doon sa mga kasama nyang LATE COMERS.
"Bili ka ng suklay sa tindahan mamaya. Yung tipong uunatin yang pangit mong buhok." Rinig nyang sabi ni Caleb nang malagpasan sya. at tyaka lang naman nya na-realize na hindi pa pala sya nakakapagsuklay ng buhok.
"Ay, shet. Oo nga pala." Sabi nya sa sarili tyaka hinalungkat ang bag nya. No trace. Walang syang suklay na dala.
No choice na sinuklay nalang nya ang buhok gamit ang mga daliri nya.
"Late comers, follow me!" Anunsyo ni Caleb tyaka na naglalad kasama ang ibang membro nya.
Kahit na ayaw ng mga late comers na sumunod sakanila kasama na doon si Ave ay wala silang choice kundi sundin ang sinabi ng SBO president. Bukod kase sa masungit ay mahigpit pa ito.
"Maglilinis nanaman sa CR?" Pagrereklamo ng ilan sakanila nang huminto sila sa tapat ng CR.
"Shoot! Malas talaga. Ambaho pa naman ng kubeta." Mahinang reklamo ni Ave.
"Lahat ng babae sa girls comfort room at sa boys comfort room naman ang mga lalaki." Anunsyo ng vice president.
Madami ang nagreklamo pero nagsigalawan din para maglinis ng CR dahil tyak na tatawagin ang terror na guidance officer kapag hindi sila sumunod.
Habang busy ang lahat sa paglilinis, napasulyap sulyap si Ave sa paligid. Abala ang lahat maging ang mga SBO.
Napangisi nalang sya nang makaisip ng plano.
"Emergency exit na itu!" Bulalas nya tyaka binitawan ang galon na hawak at maingat na lumabas sa ladies comfort room.
Wala namang nakapansin sakanya sakanyang pagtakas at success na nakalayo na sya sa mabahong CR.
Pero akala nya lang pala iyon. Dahil out of the blue ay bigla nalamang may kamay na humigit sa braso nya.
"Trying to scape, huh, Miss Matapang na kape?"
Awtomatikong napalingon sya sa may-ari ng kamay.
Si Caleb iyon..
"Ah--eh--Mr. Mapait na kape???"
What did you say?" Kunot noong tanong sakanya ni Caleb.
"Ah---ehh--w-wala.wala." sagot nya tyaka pa pangitingiti ng pilit.
"Tss. Tatakas ka ba?"
"H-hindi, ah. Lumanghap lang ako ng sariwang hangin dito. Ambaho kase dun." Palusot nya. "Bitaw na. Babalik na ako." Tukoy nito sa kamay ng binata na nakahawak parin sa braso nya. Binitawan naman ito agad si Caleb.
"Wag ka ng bumalik dun." Plain na sabi nya.
Hindi makapaniwalang tiningnan ni Ave ang binata. "Ta--- talaga? Hindi na ako maglilinis sa CR?" Saad nya sa tuwa.