"Basta bati na tayo, ah."
"Sorry na kase, Aveeeeee......."
"Oo nga. Wala ng tampo tampo, ah?"
"Hindi ka na namin iiwan---- ay depende pala."
Yamot na tiningnan ni Ave ang tatlong ulupong na kanina pa sya kinukulit habang nakabuntot sakanya.
"Will you shut your nosy mouth, three loud bees!" Mahinang usal ng dalaga. Agad namang ikinuyom ng tatlo ang mga bibig nila tyaka pa umaktong isinara ang mga bibig na animo'y zipper.
Pagkatapos nyon ay nagpatuloy na ulit si Ave sa paghahanap ng librong 'magaganda lang ang pwedeng magbasa nito'.
'Tss. Kung bakit kase inagaw nung baklang yun yung huling stock noon, eh!' Aniya sa isip isip nya.
Maya- maya ay napatingin sya sa tatlong tukmol. Tahimik ang mga ito na parang napalong bata habang nakasunod lang sakanya.
Natawa nalang sya bigla sasa isip isip nya. Pagdating talaga sakanya at tiklop ang tatlo. Boss eh?
"Oo na pinapatawad ko na kayo." Sambit ng dalaga.
Napatingin naman agad sakanya ang tatlo tapos ay nagningning pa ang mga mata ng mga ito.
"Telege?" Chorus na sabi ng tatlo.
"Ouh.. Basta ba libre nyo ako sa arcade mamaya." Nakangising sagot naman ni Ave.
"Ayy. May kurakot dito. Tara na mga Par... Uwi na nga tayo." Kunway pag-aaya ni Jonard at sumama naman ang dalawang ulupong.
"Mga sira utak talaga kayo! Sige, iwan nyoko hindi ko kayo bibigyan ng pasalubong kapag dumating si Papa... Malapit pa naman na syang umuwi." Ave spoke.
Kaagad namang nagsilingunan ang tatlo tyaka mabilis na bumalik sa kinaroroonan ng dalaga.
"Syempre joke lang. Matitiis ba naman namin yung mga chocolate----- ay este ikaw pala. Hehe." Sabay kamot pa kunwari ni Jojo sa batok nya.
"Wag mo nalang pansinin si Pull, Ave. Basta text mo kay tito, size 8, ah." Singit naman ni Jonas.
"Luh? Kelan pa naging pull pangalan ko?" Nagtatakang tanong ni Jojo.
"Kanina lang, tanga. Kaninang hinila mo yung glass door e push naman nakalagay." Matawa tawang sabi ni Jonas na ginatungan din ng tawa ni Jonard.
"Mga ulul! Sabuyan ko kayo ng muriatic acid, eh. Makita nyo." Jojo said.
"Makita ang ano?" Pang-asar pang tanong ni Jonas.
"Ang batok mo siguro... Tanga." Bawi naman ni Jojo.
"Tinatanga mo na ako?"
"Mukha bang tinatalino kita, Jonas?"
"Aba't pigilan moko, Jonard.. Pigilan moko."
"Bawal pigilan ang tae, gago." Saad naman ni Jonard na nakaani kaagad ng isang malutong na batok galing kay Jonas.
"Gags ka! Basag trip..."
Habang naglalambingan iyong tatlong ulupong ay hindi nila namalayang nilayasan na sila ni Ave.
"Wala talagang pinipiling lugar 'tong mga ulupong na 'to. Lagi nalang nagpiPDA (Public Display of Abnormality)." Naiiling na bulalas nya.
Habang inilalakbay nya ang kamay sa shelf ng mga libro bigla ay sumagi sa paningin nya iyong librong pakay nya.
She suddenly smiled, a victory smile. "Gotcha!" She murmured.
She's about to grab the ONLY book but a swift hand quickly grab it.
Inis syang tumingin sa nakauna sa pagdampot ng libro dahil for the second time ay naagawan nanaman sya. That feeling na nasayo na pero napunta sa iba? Colombiazoned mga Par!