Kabanata 8

63 5 3
                                    


"Ave, pagbilhan mo nga ako ng kape sa tindahan."

Agad na naalis ang tingin ni ave sa TV at tiningnan ang nanay nya.

"Ma, naman, eeeeh." Naka-pout na sabi ng dalaga.

"Anong 'Ma naman eeeeh' ?" Tanong ng nanay nya na ginaya pa ang boses nya.

"Ayokopongbumilisatindahan." Ave spoke unvividly.

Nagtaas lang ng kilay ang nanay nya. "At bakit naman, aber?"

"W-wala po. Tinatamad lang." She lied. Ang totoo naman kaseng rason ay ayaw nya munang magpakita kay Caleb... Noong sinabi kase ng mga kaibigan nya Kay Caleb na crush nya ito ay hindi sya nakahugot agad ng sasabihin. Natulala kase sya lalo na noong sinabi ni Caleb na wala syang pake sabay walk out pa nito. Pakiramdam nya ay napahiya sya dahil doon. Weird nga at nahiya sya bigla sa binata.

"Ave, sige na, please. Pagbilhan mo na si Mama ng Kape. Alam mo namang magluluto pako ng dinner natin, diba?" Ani nanay nya.

"Pero Ma----"

"Ipagluluto kita ng paburito mong Ulam."

"Ma. Hindi nyo ko mauuto."

Nagtaas lang ng isang kilay ang nanay nya. "Really? E kung dagdagan ko ang allowance mo bukas?"

Pagkarinig ni Ave nun ay agad naman syang napatayo.

"Sakto, magpapaload din pala ako. Ilang kape po, Ma?" Agad nyang tanong.

"Akala ko ba hindi kita mauuto?"

"Kanina lang yun, Ma. Hehe. Allowance na ang pinag-uusapan, eh. Be practical." Ave said and smiled a sheepingly.

"Ikaw talaga.. O sige, pagbilhan moko ng limang Kape... Yung 3 in 1 naman nang maiba." Wika ng nanay nya sabay bigay sakanya ng pambili.

Bago pa lumabas ng bahay nila si Ave ay may pahabol pa ito sa kanyang Ina.

"Ma, yung dagdag sa allowance ko, ah? Wag kalimutan."

"KUYA Caleb, sige naaa! Pabili na'ng kapeee..."

Iyon ang bumungad kay Ave nang makarating sya sa tindahan.

"Tss. Nababasa mo ba 'to Conny?" Rinig nyang sabi ni Caleb sa Poker face nyang mukha sabay pakita nung white board.

"No hugoters allowed. Period. With exclamation mark pa." Basa ni Ave doon sa nakasulat sa board.

"Ano?" Agad na tanong sakanya ng binata nang ibalin ang paningin sakanya.

"Pabiling kape." Maiksi nyang sabi. Wala kase ito sa mood. At hindi pa nito nakalilimutan ang nangyari kanina sa school nila.

Agad na nagtaas ng kilay si Caleb. "Anong kape?" Tanong nya. 'Subukan mo lang mamelosopo hindi kita titindahan.' Bulong pa nya.

"Yung 3-in-1 . limang piraso." Sagot ni Ave.

'Aba, himala hindi Namelosopo 'tong si Ms. Matapang naKape' ani ng binata sa isip tyaka na nanguha ng limang 3-in-1 na kape.

"35 pesos." Sabi nya nang iabot na ang mga kape kay Ave.

"Anla! Andaya naman kuya Caleeeeb. Bakit sya tinindahan mo? Tapos ako hindi? Waaah ang un-----"

Bago pa matapos ang sasabihin ni Conny ay agad na syang inabutan ni Caleb ng kape.

"Ng matahimik ka ng tyanak ka." Masungit na sabi ng binata.

"Tse.. Dyosa kaya ako.. Hindi mo lang naaappreciate.... Parang yung feelings ko dun sa seatmate ko. Hindi rin nya naaappreciate." Naka-pout na wika ng bata.

"Ang bata bata mo pa. May pa-crush crush ka ng nalalaman dyan." Ani Caleb.

"E ano namang masama sa may crush? E crush lang naman?" Singit naman bigla ni Ave.

"Tss.. Sumabat iyong MAY CRUSH daw sakin." Poker face na saad ni Caleb. Agad namang namula si Ave dahil doon.

"Aba't!"

"Halla! Totoo ate Ave? Crush mo si Kuya Calvs? Hahaha! Di nga?" Hindi makapaniwalang tanong ni Conny.

"A-ano? Hindi, ah." Pagtanggi naman ni Ave.

"Ayy, sayang.. Bagay pa naman kayo. He he."

"WHAT!?"

Sabay na sabi ng dalawa.

"Lumayas ka na nga dito, Conny. Sisipain kita." Pagsusungit pa ng binata.

"Oo na. Oo na. Tse. Sungit talaga ni Kuya Caleb... Ate Ave kapag naging Mayo under-in mo yan, ah? Haha! Bye!" Sabay takbo na ni Conny.

Maang namang nakatayo lang si Ave sa harapan ng tindahan.

"Tss. Mukha talagang tanga." Rinig nyang bulong ni Caleb.

"Wow, ha. Nag-effort ka pang bumulong e rinig ko naman." Asik ng dalaga.

"Ikaw kausap?" Caleb questioned with his raised eyebrow.

"E sino pa ba kakausapin mo? Sarili mo? Pwede rin naman kung nababaliw ka na."

"Tss. Ano pa bang ginagawa mo dito?" Masungit na tanong ng binata.

"Nagtitinda raw kayo ng load?" Seryosong tanong ni Ave.

"Hindi. Bumibili kami. May ititinda ka ba?" Pambabara naman ni Caleb.

"Kingina mo, seryoso ako." Anas ni Ave.

"Minumura mo ba ako?!"

"Ayy, hindi, hindi. Minamahal kit-----" agad na natigilan si Ave nang ma-realize na it sounded so wrong. "I mean.. Paload ako kung meron man. Singkwenta."

Inabutan naman sya ng papel at ballpen ng binata.

"Lagay mo number mo dyan.."

Pagkatapos isulat ni Ave ang number nya ay nagbayad na ito.

Papaalis na sana si Caleb nang magsalita ang dalaga.

"Bago matapos ang araw na'to, lilinawin ko na sayo... Hindi kits crush." Ani ni Ave.

"Pake ko?" Iyon lang ang isinagot ng binata nang lingunin sya nito.

"Edi wow." Ave uttered and walked away.

PALOOB na sana si Ave sa bahay nila nang biglang may nagtext sakanya... Unregistered number.

'Ubos na pala yung load namin... Mas lalong hindi kita crush. Tss.'

Pabili'ng KapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon