"Balita ko mga Par, may bagong transferee daw, ah."
Napatingin ang tatlong busy sa pagnguya ng chichirya kay Jonard.
"Oh, tapos? Ano ngayon?" Ave asked in her 'I'm-not-interested' tone.
Nagkibit balikat lang naman si Jonard. "Wala lang na-share ko lang." Saad nya. "Balita ko pa nga, kalahi ko pa nga daw, eh." Dagdag pa nito.
"Na panget?" Jojo spoke.
"Na pogi, tanga." Jonard quickly responded.
"Wow, nagsalita ang magaling sa english." Sarkastiko namang bawi ni Jojo.
"Talaga.."
"Ows? Sige nga, anong english ng mahinang ibon?" Mapaghamon na singit ni Jonas na kanina'y busy sa pagsi-COC.
"Edi weak bird, ano pa ba." Jonard proudly answered.
"Ayown oh! Galing ah." Ani Ave.
"Syempre ako pa." Pagmamayabang na sabi ni jonard tyaka pa nag-pogi sign at itinaas taas ang kilay nya.
"E yung english ng hinang hina na ibon?" tanong ulit ni jonas.
"Paka-easy! Edi, weak weak bird."
Pagkasabi ni Jonard yun ay agad na humalakhak ang tatlo tyaka pa nag-appear-an.
"Bwahahaha! Bigyan na yan ng jacket!"
"Ikaw na talaga, Par. Lupit!"
"Joke lang yun syempre, mga bugok!" Palusok ni Jonard.
"Ows? Palusot ka lang, eh." Mapang-asar namang usual ni Jonas.
"Odi sige ako ng bobo sa English, pogi naman." Ani jonard.
"Ulol, mas pogi ako sayo!" Jojo spoke.
"Lalo naman ako. Pwet ko lang kayo." Anas naman ni Jonas.
"Aba't! Ikaw na nga ang humusga, Ave. Sinong pogi samin? Be honest, ah. Kundi Bra-brashin namin yang mata mo." Demand ni Jonard kay Ave na nakanguya pa ng potato chips.
"Ano ako utusan? Wag nyo nga akong isinasali dyan sa kahibangan nyong tatlo." Sagot ni Ave pero bigla namang nag-iba ng isip. "Sige na nga, pagbigyan... Tayo kayong tatlo."
Tumayo naman ang tatlo mula sa pagsakasalampak sa sahig.
"Give your best pabebe wave." Nakangising utos ng dalaga.
"Ano? Baka pabobo wave?!"
"Pinaglololoko mo ba kami, Ave?"
Reklamo ng tatlo.
"Ah ganon? Nagrereklamo kayo? So, ayaw nyong malaman kung sino ba talaga ang pogi sainyo?" Nakapamewang nyang sabi.
"Hehe! Syempre, gusto.. Eto na nga oh magpapabobo----- este pabebe wave na kami."
At sabay sabay ngang nagpabebe wave ang tatlo. Habang nagpapabebe wave si Jojo ay pinipilit nitong ilabas ang dimples na wala naman sya. Si Jonas naman ay sinamahan ng lipbite iyong wave nya. Tapos si Jonard naman ay na hindi papahuli ay nagawa pang mag-beautiful eyes habang nagpapabebe-wave.
"Yuck, anong klaseng pagpapa-bebe yan?" Disgusting na sabi ni Ave.
"Request mo kaya 'to. Dali na. Sino na'ang pogi?"
Tyaka pa inulit ng tatlo ang pabebe wave style nila.
Ave just bursted into laugh. "Grabe kayo, mga Par!--haha---Mga uto uto, pwe!"
Kaagad namang natigilan ang tatlo sa ginagawa at masamang tiningnan ang Dalaga.
"AVEEEEEEE!!"
"Oops, gotta go!"