"Wow, napaka-special naman ng lugaw na 'to. Singkwenta pesos tapos isang kapiranggot lang na manok ang sahog! I can't believe it" Pagrereklamo ni Jojo habang hinahalo ang lugaw nito.
"E bat kase yang tig-sengkwenta ang in-order mo, Par, e may tig-sampu naman ah." Jonas stated while munching his fries.
"Ha? May tig-sampu ba?" Lito namang sabi tanong ni Jojo tyaka pa tumingin doon sa pwestong pinagbilhan nya ng lugaw.
"Meron... Kaso langaw nga lang yung sahog. Pft!" Ani Jonard.
Kamuntik namang mabilaukan si Ave na kumakain ng leche flan dahil natawa nalang sya bigla sa sinabi ni Jonard.
"Halla, bigyan mo ng tubig si Ave, Jonas, baka mamatay yan." Jonard joked.
Dahil likas na masunurin si Jonas, kinuha naman nito ang tubig na nasa harap nya tyaka hinawakan ang likod ng ulo ng dalaga Tapos ay pinainom ito.
Agad namang Tinabing ni Ave iyong baso nang hindi na iyon inaalis ni Jonas mula sa bibig nya.
"Cactus ka, Par. May balak ka bang patayin ako?!" Asik ni Ave na uubo-ubo pa.
"Obvious ba?" Pagbibiro naman ni Jonas.
Sinamaan lang naman ito ng tingin ng dalaga, pagkatapos ay kumain na uli sila. Nasa foodcourt kase ang apat, dahil nakaramdam na ng gutom ang mga ito pagpasok palang sa mall.
Hindi nagtagal ay tapos na din sila sa pagkain.
"Kubeta lang ako mga Par. Kanina pa ako naiihi eh." Paalam ni Jonard sa tatlo.
"Ako din." Sabay sabay namang sabi nila Ave, Jojo, at Jonas.
Dahil naiihi nga silang apat ay dumiretso na sila sa male's Comfort Room.
"Teka, may nakakalimutan ata tayo ah." Bigla ay sabi ni Jojo.
"Ano yun? Binayaran naman natin yung kinain natin, ah." Sagot ni Ave.
Nagkatinginan nalang ang apat na ulupong tyaka sabay sabay na humalakhak.
"Lalaki ka na pala ngayon, Ave." Jonas said.
"One of the boys talaga, pft!"
After 0.0000001 minute at na-realize naman ni Ave na nakasama nga pala itong pumasok sa loob ng Male's CR.
"Mga gags! Hindi sana kayo makaihi!" Bulyaw naman nya sa tatlo bago lumabas doon at nagpunta sa Female's Comfort room.
Pagkatpos nitong magpaulan sa upuan bilog na may butas. Lumabas na sya sa cubicle tyaka saglit na tiningnan ang sariling repleksyon sa salamin bago tuluyang lumabas sa CR.
Ilang minuto nang hininhintay ni Ave ang tatlong ulupong sa labas tapat ng Male's CR pero ni isa sa tatlo ay wala pang lumalabas.
"Sheet. Nakatae na ba yung mga yun?" Iretable nyang bulalas.
Maya-maya ay nag-vibrate ang hawak nyang cellphone. May nag-text.
-
From: JOJOJO
Par, nandito na kami sa first floor."Tss. Mga ulupong talaga." Ave mumbled and started to walk.
Habang naglalakad si Ave sa First floor at hinahanap ang tatlo, kamuntik na syang mapatalon nang businahan sya ng sasakyang ride and drive na lumilibot sa first floor.
"Grabe nmng makabusina si Manong!" Inis na an as nya tyaka tumingin soon sa tren teen na kadaan lng sa harapan nya.
"Teka, sila jo-----"
Bago pa mapagtanto ni Ave na ang tatllng ulupong nga ang nakasakay sa pinakadulong upuan ng tren ay sumilip na ang mga ito tyaka pa kumaway.
Napailing nalang sya sa isip isip. Ang tanda nya kase ay pang bata lng iyong ride na yun.
"Ibang klase talaga yung tatlo." Naibulalas nalang nya.
Nang bumalik ang tren at nadaanan sya, sabay sabay pang nagpabebe wave iyong tatlo tyaka pa sabay sabay ding sinabi ang, " Hi, Aveeeeeh..."
Hindi na nagpatumpik tumpik pa at nagtungo na si Ave sa pinagtigilan ng tren.
Hindi maipinta ang ngiti ng tatlo nang bumaba ang mga ito.
"Woo! Enjoy!"
"Para tayong bumalik sa pagkabata mga Par! Hahah-----"
"Bakit bata-- este isip bata naman kayo ah." Bigla ay singit ni Ave na naka-cross arms pa sa harapan nila.
Jonard suddenly coughed fakely. "Anjan na yung hindi nakasakay ng tren."
Walang sabi sabing binatukan ng dalaga ang tatlo.
"Mga ulupong talaga kayo. Sinong nagsabi sainyong iwanan ako, ha?" Nakataas ang kilay na asik ni Ave.
"Ahh..." Jojo said.
"Ehh.." Jonard followed.
At syempre, papahuli ba naman si Jonas.
"Ihh, ohh, uhh?""Tss. Bahala nga kayo dyan. Makalayas na nga dito." Wika ng dalaga tyaka na nag-walk out. Agad naman syang sinundan ng tatlo.
"Babe, let me explain." Habol ng tatlo.
Dedma lang naman si Ave. Naisipan nyang magtungo nalang muna sa bookstore para i-check kung may stock na ba nung librong gusto nya.
Bago paman nya mabuksan yung pintuan ng bookstore ay agad ng humarang ang tatlo doon.
"Akala ba namin lalayas ka na? May lalayas bang loloob? Pft! Patawa ka talaga, Par."
Pinagtaasan lang sila ng kilay ng dalaga. Kunware serious mode daw. Lol!
"Pero sige na nga, Par. Pagbubuksan nalang kita." Pagpipresinta ni Jojo Sabay hila nung door handle.
"Luh, tangang pintong 'to. Sira na ata." Ani Jojo na patuloy paring hinihila young glass door.
Nagkatinginan nalang iyong tatlo tapos at sabay sabay na pinagtawanan si Jojo.
"Ignorante lang Jojo? Push nga ang nakasulat dyan diba? Napakatino mo talagang tao."